chapter 29

299 5 0
                                    

Chapter 29>>> Trip to Baguio

 

“Nasaan na ba yang Reyes na yan ha! Kanina pa dapat tayong nakaalis dito sa batangas e! Dapat nasa Baguio na tayo kanina pa! Itext nyo nga yan sabihin nyo iiwan na natin!” malayo pa lang ako at rinig na rinig ko na ang reklamo ng matandang prof na kasama namin sa seminar.

 at ang OA lang ha! Dapat nasa Baguio na daw kami kanina pa? e ten minutes pa lang naman akong late! anong tingin nya sa mini bus namin? may pakpak?

“Finally! dumating na din sa wakas ang pinakahihintay natin!” galit na sabi nya sakin ng makasakay ako sa bus.

“Ma’am sorry I’m late.” magalang sa sagot ko sa kanya habang hinahabol parin ang aking hininga. Ikaw kayang tumakbo ng ten minutes di ka kaya hingalin nun? Muntikan pa nga akong magdagasa kanina wag lang malate kaso wala e late parin ako.

“Anong oras na Ms. Reyes?” mataray na tanong nya sakin. Seriously? akala ko ba nagmamadali kami? bakit nakakapagtanong pa sya sakin ng oras.

Tiningnan ko ang wrist watch ko bago ako sumagot sa kanya “6:12 am ma’am”

“At anong oras ang sinabi sa inyo na departure natin dito sa batangas?” Hindi ba pwedeng umalis na lang sya sa daraanan ko para makaupo na ako at pati na din sya at ng makaalis na kami.

“6 po ma’am”

“See! anong oras na! 6 ang usapan di’ba dapat nakaalis na tayo kanina…”

“Ma’am sorry po ulit definitely my fault!” mabilis na sabi ko sa kanya para hindi na humaba ang usapan namin.

Ibubuka pa sana nya ulit ang machine gun este ang bunganga nya ng unahan ko ulit syang magsalita.

 

“Manong tara na ho! baka matraffic pa ho tayo!” sabi ko kay manong driver.

“Ma’am excuse me po!” magalang na sabi ko sa kanya at pilit na dumaan sa gilid nya kaya napilitan tuloy syang tumabi na lang.

Okay saan ako uupo dito? Hindi naman ako choosy sa seat ayos lang kung sa may pathway ako o kung sa may bintana basta makaupo lang ako ng maayos.

“Excuse me may nakaupo ba dito?” tanong ko sa babaeng naglilipstick. Alam ko namang walang nakaupo dun sa tabi nya dahil gaya ng sabi kanina ni miss Minchin este ma’am ako na lang daw ang hinihintay nila.

“Oo” sagot nya sakin. Ni hindi man lang nya ako tiningnan dahil masyado syang busy sa pagpapapula ng labi nya.

“Ah? sino?” takang tanong ko sa kanya at tumingin sa paligid. Ako na lang naman ang nakatayo dito so paanong may nakaupo na dun? Wag nyang sabihin na may kaibigan ding syang multo!

I am courted by a GHOST! ON-HOLDWhere stories live. Discover now