Chapter 30

426 10 9
                                    


Dedicated to: jillharriethmacuha 

Thanks for appreciating my work :)) sana dumami ang katulad mo na vocal:)) nakakaenganyo kasi sumulat pag alam mong may nakakaappreciate sa gawa mo

Chapter 30>>> Baguio City

“Hiwalay ang kwarto ng mga lalaki at mga babae kaya walang magtatangkang pumunta sa kwarto ng iba! Naiintindihan nyo ba!” ano ba yan ang ingay! kitang may natutulog dito! Ang bastos lang.

Kahit labag sa kalooban ko ay dahan dahan kong minulat ang aking ma mga mata.  

Mga nagsisibabaang mga tao ang aking unang nakita. Nasaan ba ako? Nanaginip parin ata ako. Makahiga na nga lang ulit dito sa malambot kong unan.

“Aray!”

“Sorry miss!” sabi sakin ng lalaking ng hindi sinasadyang matamaan ako ng bag nya.

Bigla naman akong parang binuhusan ng malamig na tubig ng marealize ko kung nasaan ako ngayon. Nasa baguio na kami kung saan gaganapin ang seminar.     

Pero ang nagmalamig sakin ay ng marealize ko kung ano yung malambot na unan na sinasandalan ko. Hindi sya unan kasi balikat sya! BALIKAT NI DEVIN!

Hindi parin ako gumagalaw simula ng umalis si kuyang nakasagi sakin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kung ano ang sasabihin ko. Magtha-thank you ba ako? Mag so-sorry?

Wait cathy! Calm down. What if tulog din pala sya hanggang ngayon? Hindi nya alam at hindi nya malalaman na nakitulog ka sa balik nya.

Tama! dahan dahan na lang akong aalis sa balikat nya at gigising ko sya na parang walang nangyari!

Pikit matang dahan-dahan kong inaalis ang ulo ko mula sa balikat nya. Ingat na ingat ako sa bawat kilos ko para hindi ko magising si devin.

Para naman akong binunutan ng tinik na makaupo ulit ako ng ayos ng walang nararamdaman galaw mula kay devin.

Okay ang gagawin ko na lang ngayon ay gising si devin na parang walang nangyar…

“Excuse me.” dahan dahan kong inangat ang ulo ko papunta sa nagsalita sa tabi ko. At nakatayong poker face na devin lang naman ang nakita ko.

Gosh cathy! hindi sya tulog gising sya!

“I said excuse me.” ulit na sabi nya sakin. Dali-dali ko namang tinabi ang paa ko para makadaan sya.

Nakababa na si devin ng bus at nandito parin ako sa upuan ako.

Gising sya. Aware sya na natutulog ako sa balikat nya. Ang dami tuloy tanong ngayon sa isipan ko. Gaano katagal akong nakatulog sa balikat nya? Mabigat kaya ang ulo ko? Hindi ba sya nangalay? at higit sa lahat… bakit hindi nya ako ginising? kung hindi ba ako nagising ng kusa nandito parin ba kami hanggang ngayon sa loob ng bus?

I am courted by a GHOST! ON-HOLDWhere stories live. Discover now