chapter 4

709 19 3
                                    

Chapter 4>>> a NO is a NO!

Nakarating na lang ako sa heaven café pero hindi parin nawawala sa isipan ko kung anong meron doon sa necklace ni devil.

Ano kayang meron sa necklace na yun at parang napakaimportante?

Sa kanya kaya yun? Pero pang babae naman ang itsura?

Baka ibibigay nya sa babae?

Kanino?

Girlfriend?

Kapatid?

Baka nanay nya?

O hindi kaya para sa kanya talaga yun?

OMG bading si devin the devil!!

Kaya ganun na lang ang pagkagulat nya nung nakita ko yung necklace nya, kasi nabuking ko na ang totoong kulay nya!

Sayang naman ang lahi nya!

Yan ang nakakainis sa panahong ngayon, kokonti na nga lang ang gwapong lalaki madalas pa ang gusto nila lalaki din!

Pero hindi naman ako against sa kanila. Kung doon sila masaya, sino naman ako para pigilan sila diba?

Kakausapin ko na lang bukas si devin para malaman nya sa safe ang secret nya sakin at higit sa lahat gusto ko parin syang maging friend kahit parehas kami ng gusto, mga lalaki.

"ang lalim ata ng inisip natin, cathy." Nagulat naman ako ng biglang may nagsalita sa likod ko, na si tita dana lang pala ang may-ari nitong heaven's café.

"nakakagulat naman po kayo tita D." sabi ko habang inaayos ang uniform ko. isa ito sa gusto ko dito sa heaven's café ang cute ng uniform namin yung pang anime na maid. Mahilig kasi si tita D sa mga anime, nacucutetan daw kasi sya kaya yun ang ginawa nyang theme ng café.

"kanina pa kaya ako dito, hindi mo nga lang ako napapansin kasi mukhang ang lalim ng iniisip mo. Ano ba yang iniisip mo? O baka sino?" sabi ni tita D na may manunuksong tingin sakin. Alam kasi nya na nbsb ako at hopeless romantic kaya tuwing may gwapo kaming customer lagi nya akong pinapaserve sa mga ito baka daw isa na sa mga yun ang aking THE ONE.

"ay sorry po tita D, iniisip ko lang po kasi yung kaklase ko na si devil ay este devin po pala..."

"ayiee.. aba lomalovelife ka na ngayon cathy ha!" ganyan talaga kami magusap ni tita D parang magkabarkada lang, hindi din naman nalalayo yung edad ni tita D sakin.

"hindi pa kasi ako tapos tita D, gwapo nga si devin kaso nga lang parehas naman kami ng type." Sabi ko sa kanya habang tinatali ko yung buhok.

"wait! Ibigsabihin binabae yang gwapong kaklase mo!" hindi makapaniwalang tanong ni tita D, kahit ako din naman nagulat nung nalaman ko din yun.

Tumango na lang ako bilang sagot.

"nako ayos lang yan, darating din yang the one mo sa right place at right time, kaya habang wala pa yung the one mo dalhin mo muna ito sa table 2 at kanina pa nila ito hinihintay." Sabi ni tita D habang inaabot sakin ang tray na may lamang kape at cake.

"kayo talaga tita D." natatawang sabi ko habang kinukuha ko sa kanya yung tray.

Mabilis lumipas ang oras, at hindi ko namalayan na 9 na pala.

"o cathy ingat ka sa pag-uwi ha! Madami pa namang loko ngayon sa daan!" paalala sakin ni tita D.

"kaya nga po sinasabihan ko yang si cathy na maghanap na nang boyfriend ng may naghahatid at sundo sa kanya." Singit na isang katrabaho ko dito sa café.

I am courted by a GHOST! ON-HOLDWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu