'NANI?? Edi hindi ako makakauwi sa mansyong ito? Waahhh this is so freaking unfair!'

"Alam kong nalulungkot ka rin anak pero sa oras na binulas ka ng mga kaklase mo ay isumbong mo sila sa akin." nakakatakot na banta ni ama. Wala akong nagawa kundi tumungo sa pag-sangayon.

*binulas- binully

Napatingin ako sa gilid at nakita ko ang mag-ina na nakatingin ng masama sa akin. Kinunutan ko nalang sila ng noo at dahil dun ay napatingin si ama sa kanila at bigla namang umamo ang mga mukha nito.

"Nga pala, kasabay mo narin sa pagpasok ang iyong kapatid na si Samantha. Alam mo bang umuwi kaagad itong kapatid mo nang malamang nahanap ka na? Sana ay magkasundo na kayo." sambit ni ama

'Tsk, palabas lang naman ang mga yan eh. Umuwi siya para bwisitin ako, yun ang totoong nangyare!'

"Salamat kapatid ko" sabi ko

Pineke ko ang ngiti ko at tinignan ko si Samantha. Inis na namumula ang mukha niya at pinilit ring ngumiti. Tumawa si ama at inutusan ang mga katulong na sa karwahe nalang kami kumain ng almusal dahil baka malate pa kami.

Ganun nga ang ginawa nila. Umalis na kami at lumabas na ako upang sumakay. Kasabay kong sumakay si Sam at tinatarayan ako. Nasa magkaharap kaming karwahe at may tig-isa kami nito. Pumasok na ako sa loob ng karwahe at saka nagsimulang ilapag ang mga gamit ko sa lalagyan sa likod ng karwahe. Nagsimula nang hampasin and kabayo at ito'y nagsimula na sa paglakad. Kinawayan ko si ama at ang mga katulong ko mula sa kalayuan habang papalayo ng papalayo ang karwahe sa kanila.

Tumingin ako sa durungawan ng karwahe at napa-tulala rito. Di ko ikinakailang medyo kinakabahan ako at natatakot. Siguro dahil grade 10 palang ako pero naakselereyt ako kaagad sa college and the heck! Wala ring ala-ala si Catalina about dito and malamang hindi nga niya naeksperience ang highschool eh, college pa kaya!

Medyo matagal tagal rin nang makapasok kami sa isang malaking pader na may papasok. Pumasok ang karwahe doon at nasilayan ko ang laki ng building sa harap ko. Dikit-dikit ang mga silid nito at pinagsama kaya naging isang malaking gusali. Naharuyong naman ako sa ganda nito. Ngayon ko lang kase nakita ang UST hindi ko pa siya nakikita sa modern world dahil poor lang kami. Sana all, sana all mayaman! Sumikat lang naman ang UST dahil sa kalandian nina Kyo at Jonas! Sana all, sana all may kalandian! Hustisya naman sa mga walang lovelife!

*naharuyong- nabighani

"Ahh.. Señorita, nandito na po tayo." sabi ng isang gwardya

Tumungo ako at inalalalayan niya akong makababa sa karwahe. Pagkababa ko ay nilibot ko muna ang aking mga mata sa unibersidad. Sadyang napakalaki naman talaga nito!

Ibinaba nila ang aking mga bagahe at binuhat. May isang babae namang sumalubong sa akin at nabigla ako nang hawakan nito ang aking kamay. Medyo may edad na siya at sa tingin ko siya mga nasa mid 30's ganern.

"Ikaw na ba si binibining Catalina? Naku, ang laki laki mo na at sadyang nakakaakit ang iyong kagandahan!" saad niya

'Naku, wag na sanang lumaki ang ulo ko sa mga nagsasabing maganda daw ako!'

"Ah, ako po ginang" magalang kong tugon

Inilagay niya ang kaniyang abaniko sa kaniyang bibig at mahihing tumawa. Sana all, mahinhin.

"Oho, napakagalang mo naman Catalina. Tawagin mo nalang akong tiya" wika niya

Nginitian ko siya. Marahil may mapapagkatiwalaan naman pala ako sa lugar na ito. Hindi dapat ako mahiya.

"Opo, tiya" sagot ko

Tumingin siya sa mga nagbibitbit ng mga bagahe ko at sinenyasan niya itong sumunod sa amin. Hinawakan naman ni tiya ang braso ko at hinayaan ko naman siyang tangayin ako.

Reincarnated in 1880Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon