KABANATA XVII

Magsimula sa umpisa
                                    

Sinarado ko na ang pinto at dumiretso sa kama. Ibinagsak ko ang aking sarili sa kama at pumikit. Pinipilit kong matulog ngunit hindi ko magawa.

'Argh, kainis! Sarap na ng tulog ko kanina eh, epal talaga.'

Agad akong bumangon sa pagkakahiga at nagsimulang magmuni muni sa paligid.  Napakalaki ng kwarto ni Catalina, halos katumbas nito ay isang bahay. Pero kumpleto na talaga siya, marami ka nang magagawa. Nakita ko ang mga naglalakihang book shelves doon at namangha ako dahil napakadaming libro. Ayon sa ala-ala ko.....

'OMG, Nabasa ko na'to lahat!! Grabe ka Catalina. Kinaya mo ang book shelves na ito na may laman na halos 4,000? Sana all!'

Agad akong namili ng mga libro sa language section at pumili ako ng Lima. Dictionary siya ng salitang Espanyol at mga tagalog words. Dali-dali akong umupo sa study corner at inilapag ang mga libro.

'Ayokong magmukhang mangmang sa harap nila kaya naman kailangan kong matuto pang magsalita ng normal na malalalim na tagalog at wikang Espanyol. Mamaya eh mapa-Nani nalang ako dahil di ko alam ang mga sinasabi nila. How pitiful..'

Ibinuklat ko na ang aking nakuhang libro tungkol sa malalim na tagalog at nagsimulang basahin ito..

'Teka.. Bakit parang alam ko na to lahat?'

Biglang pumasok sa isip ko ang bawat salitang nasa libro na nabasa na naisaulo na ni Catalina noon.

'Waaahhhhh, ang astig! So yung mga alam ni Catalina eh pwede ko ring malaman kahit hindi ako nag-aaral? Cool! Kahit pala ngayon ko lang nakita or nabasa, basta alam na ni Catalina, malalaman ko na rin! Ang galing talaga, feeling ko sa talino ni Catalina noon at sa kaalaman ko sa future kapag nagtagpo ay hihirangin ang isang genius!'

Imagination:
"Binibining Catalina ng pamilyang Lopez, isa siyang dakilang henyo!"

'Hehehe~ I can't wait na maranasan ko yan kapag nag-aaral na ako.'

Agad ko namang kinuha ang ilan pang mga libro at binuklat ko ito. Kagaya ng unang libro, lahat ng mga kaalaman na nasa libro na alam na ni Catalina ay pumasok na sa isip ko.

'Hehe, just you wait people of the Earth, ako si Catalina ay magtatanyag ng sarili niyang pangalan, ang pinakamatalinong nilalang sa kasaysayan! Huwahahaha! -evil laugh yan'

Nagpatuloy ako sa kakukuha ng libro at pabuklat buklat lang ako. Well, dahil sinuswerte nga naman, book worm si Catalina kaya naman marami siyang alam na hindi ko alam. Makalipas ang ilang oras ay nararamdaman ko nang pagod na pagod na ako.

Hay... Nilubos ko na kase at mga nasa isang libo na ata ang nabuklat kong libro. Kailangan ko kasing malaman at maging advance sa mga pinagaaralan sa kolehiyo lalo na't misyon kong hangaan ako ni ama at palayasin na sa wakas ang mga kontrabida sa buhay ko.

'Hay... Pagod na pagod na ako gusto ko nang matulog..'

Naghihilik na ako nang meron nanamang namburaot sa pagtulog ko. Inis kong binuksan ang aking mga mata dahil sa pagkakaalimpungatan.

"Binibini, tinatawagan ka po ng iyong ama." sabi nung gwardya sa labas

"Oo, pupunta na agad ako" inis kong sagot

'Hays, siguro sinumbong ako ng aking magaling na madrasta. Anyways, kailangan kong maging presentable sa harap ng aking ama para matuwa siya sakin.'

  Pinapasok ko ang aking mga katulong at inayusan nila ang buhok ko. Pagkatapos, sinundan nila ako sa pagbaba at maging patungo sa opisina ni ama.

Laking gulat ko nang may mga kasama si ama na feeling mo eh mga maharlika ring kagaya namin. Nginitian ko sila at agad naman akong nagbow sa kanila.

Reincarnated in 1880Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon