Kabanata Dieciocho

Start from the beginning
                                    

Partly, malungkot ako. Saka ko lang naisip na pag nagkabalikan na sila ni Vesta, kailangan ko na umalis sa bahay ni Zeus.

Kailangan ko na bumalik at harapin ang buhay ko.

Pagkatapos namin kumain, naghiwa hiwalay na kami ulit. Iba iba naman mga klase namin.

Mabilis naman na natapos lahat. Wala naman masyadong ginawa dahil exam naman.

Nung uwian, hindi na ako nagpakita sa kambal at kay Zeus. Nauna na ako. Meron naman akong spare key ng unit niya.

Pagdating ko, inayos ko na lahat ng gamit ko. Nagluto na ako ng dinner ni Zeus para pagdating niya kakain na lang siya.

Paalis na ako ng dumating si Zeus.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya habang tinitignan bawat dala ko

I smiled, "Uuwi na ko."

Biglang nagbago yung reaction ng mukha niya, "Bakit ka aalis na? Bakit? Anong nangyari? May nangyari ba? May ginawa ba ako?"

Umiling ako, "Hindi. Wala." Napa lip bite ako.

Paano ko ba sasabihin? Kailangan ko na umalis dahil sila na ulit ni Vesta? Malamang hindi! Edi inasar niya ako? Tch.

"Kung may nagawa ako na ayaw mo, sorry."

Umiling ako, "Hindi. Hindi wala."

Napa kamot siya ng batok niya, "Anong problema?" Isinara niya yung pintuan sa likod niya at hinila ako paupo

"Ano kasi.." Nagaalanganin pa ako. Pano ko ba kasi sasabihin?

"Kasi?"

"Kasi.." bahala na si little mermaid, "Kasi," I inhaled, "dandbhrurofnwhs andkrobfhr." Exhaled. "Nasabi ko na."

Naka tingin lang siya sa akin, "Ha? Ulit?"

Napa hilamos ako ng mukha. Hindi niya naintindihan.

"Ulitin mo. Ano yun?"

Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na deep inside me nagseselos ako kasi niyakap siya ni Vesta. Nagseselos ako kasi sila na ulit. Hindi ko pwedeng sabihin na nagseselos ako kasi hindi naman kami.

Umiling ako, "Kailangan ko na umuwi. Kasi nagaalala na sila masyado sa akin. Kailangan na din matapos to para hindi na din mahirapan ang kambal at si Ellie."

Kumunot yung noo niya, "Kaano ano mo nga si Ellie?"

Napa ngiti ako, "She's my half sister."

He nodded, "So, aalis ka dahil dun?"

"Oo." Simpleng sagot ko. Kasi hindi naman talaga yun ang dahilan ko. Nakakahiya kayang sabihin yung totoo!

"Akala ko kasi kaya ka aalis bigla ay nagselos ka sa amin ni Vesta kanina nang makita mo kaming nagyakap."

Napa tigil ako, "Ha?"

Tumawa siya, "Okay na ba lahat ng gamit mo? Baka may malimutan ka. Anyways, pwede ko naman dalin sa bahay niyo kung sakaling may malimutan ka."

Umiling ako, "Wala naman. Nakuha ko na lahat." At salamat sa pagiiba ng topic

Tumayo na siya, "Sayang naman. Wala na akong masarap na breakfast at dinner everyday bago pumasok at bago matulog." Sabi niya habang naka tingin sa kusina

Tumayo na din ako, "Nagluto na ako ng dinner mo ngayon. Kumain ka na. Nagluto na din ako ng breakfast mo para bukas. Initin mo na lang sa microwave."

Tumingin siya sa akin at ngumiti. When can I get used of that smile?

"Hahatid na kita."

Umiling ako ng akmang kukunin niya yung bag ko, "Hindi na. Kaya ko na. Saka, dala ko na naman yung kotse ko eh."

He nodded, "Hatid na lang kita sa kotse mo."

"Iinsist mo ba talaga yan?"

Ngumiti siya, "Oo."

"Sige na nga."

Kinuha niya yung isang bag ko at lumabas na kami ng unit niya papunta sa parking lot ng condominium.

The whole elevator ride was silent.

Hindi ako nagsalita. Ganun din naman siya.

Hindi naman awkward feeling. Ayos lang.

Normal.

Pagdating namin sa parking lot o basement, nilagay niya at inayos sa compartment ng sasakyan yung mga bag ko.

"So, pano? See you at school tomorrow?" Tanong niya

I nodded, "Yeah. See you." Ngumiti ako

He smiled also.

"Ingat ka."

I nodded.

Binuksan niya yung pintuan ng kotse, "Sakay ka na."

Tumawa ako at sumakay, "Sige ha. Salamat."

He nodded.

Pero bago pa niya maisara yung pintuan ng kotse ko, bumaba ulit ako at niyakap siya.

"I don't know how to thank you for everything you did. You gave me strenght to fight when all I can do is to run away. Thank you for being my courage when I lost mine."

Naramdaman ko din yung pagyakap niya. "What are friends are for right?"

Friends.

Humiwalay ako. Oo nga pala. Kaibigan lang ako.

Ngumiti siya at pinisil yung ilong ko. "Mamimiss ko yung pagkanta mo tuwing umaga habang nagluluto. Parang alarm clock ko na nga yun eh."

Tumawa ako, "Sige na. Salamat ulit."

Pumasok na ulit ako ng kotse. He waved habang papaalis ako.

Ito lang ako para sa kanya. Friend.

#MaceyOnFriendZoned

Now, I should face reality. Kailangan. Para matapos na.

-Later

Juego De Rol Series; Duology #1: I'm Fated To Love YouWhere stories live. Discover now