Epilogue

296 15 15
                                    

Epilogue
I MAKE BEAUTIFUL LIES FOR YOU

“Tapos ano na pong nangyari sa inyo ni Lolo?” Tanong sa akin ni Seb. Ang apo kong babae.

“Anong nangyari sa amin? Namuhay kaming dalawa na masaya ng lolo mo. Pagkatapos ng kasal namin noon, doon na naganap ang salpukan—este ang pagbuo namin sa mga magulang ninyo.” Sabi ko habang sinasariwa sa memorya ko ang isa sa pinaka-masasayang pangyayari na nangyari sa buhay ko.

“Wow, Lola, ang ganda po ng lovestory ninyo ni Lolo. Sana po, paglaki ko maging katulad po kami ng magiging asawa ko.” Inosenteng sabi ni Zairo na ngayon ay may hawak-hawak na lollipop sa kamay.

Ginulo ko ang buhok niya. “Ang bata-bata mo pa ayan na agad ang iniisip mo.”

“Hi Mama!” Nagulat ako ng may biglang humalik sa pisngi ko. Nakita ko si Zhyreen na maluwang na nakangiti sa akin.

“Kamusta, anak? Kamusta ang date to sogo niyo ng mister mo?” Pagbibiro ko.

“Si Mama talaga, hanggang ngayon palabiro pa din.” Sabi niya sa akin. “Maayos naman po kami. Kinukwento niyo po ba sa kanila yung lovestory ninyo ni Papa?” Nakangiti ito sa akin ngunit kahit malabo ang mata ko, kitang-kita ko doon ang kalungkutan.

“Oo, wala kasi kaming magawa kaya kinwentuhan ko nalang sila.”

Matanda na ako ngayon. May lima kaming anak ni Kai at meron na din kaming dose-dosena na mga apong makukulit. Matanda na ako, kupas na ang beauty ko pero may asim pa naman den kahit papaano.

Charot. Kay Kai lang yayanig kahit nakabanig.

“Mommy!” Sigaw ni Ariane ng makita ang Mommy niya.

“Salamat sa pagbabantay sa kanila, Mama.” Sabi ni Zhyreen sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya. “Walang anuman, ang mahalaga na-enjoy niyo ng asawa mo ang anniversary ninyo.”

“Naku—” Hindi pa tapos si Zyreen sa pagsasalita ng may sumigaw.

“Lola! Tita! S-Si Lolo...” Narinig ko ang umiiyak na sigaw ni Pat. Ang pinaka-matanda sa mga apo ko.

Alam ko na ang ibig niyang sabihin kaya dahan-dahan akong tumayo sa tumba-tumba saka naglakad papunta sa kwarto namin ng asawa ko. Nakaalalay sa akin si Zyreen na ngayon ay umiiyak na.

Pagpasok ko sa kwarto, agad kong ipinaskil sa labi ko ang ngiti para paganin ang loob ng asawa ko na ngayon ay nakahiga nalang sa kama.

Meron siyang stage 4 bone cancer, nalaman namin na may ganon siyang karamdaman noong ika-43 niyang kaarawan. Halos gumuho ang mundo ko non pero nagpaka-tatag ako para sa mga anak namin. Huli na namin nalaman kaya hindi na naagapan. Matagal niya na pala yung iniinda, hindi niya lang sinasabi.

Ngayon, oras na para magkahiwalay kami ng mahal ko ng panandalian.

Hinawakan ko ang kamay niya kahit na alam kong hindi niya na yon mahahawakan pabalik. Hinawakan ko yun gamit ang dalawang kamay. Nakatingin lang kami sa isa't-isa habang ako ay nakangiti sa kaniya.

Maya-maya, nagsi-datingan na din ang apat ko pang mga anak. Umiyak silang lahat saka niyakap ang mapagmahal nilang Papa ng napaka-higpit.

Alam na kasi nila, alam na nila na ito na ang huling beses na magagawa nila yon.

Nakangiti lang ako habang pinapanood sila na gawin yon sa Papa nila. Pagkatapos nilang yakapin si Kai, ako naman ang nag-salita.

“Love, naging isa kang mabuting ama at asawa sa amin ng mga anak mo.” Pigil na pigil ko ang luha ko. Dahil nangako ako sa kaniya, nangako ako sa kaniya na kapag dumating yung araw na to, hinding-hindi ako iiyak dahil alam kong yun ang kahinaan niya.

Ayoko namang lisanin niya ang mundong ibabaw na malungkot. Deserve niya na umalis ng masaya.

“Naging isa kang mabuting ehemplo sa kanila. Gusto ko lang sabihin sayo na, masaya ako na nakilala kita. Masaya ako na naging asawa kita. Na naging bestfriend kita. Na naging tatay ka ng mga anak natin at naging Lolo ng mga apo natin.” Nakita ko ang bahagyang pag-galaw ng labi niya dahil gusto niya, pinipilit niyang mag-salita pero sa kalagayan niya ngayon ay hindi niya magawa.

Lalong lumakas ang pag-iyak ng mga anak at apo namin.

“Iniiyakan ka nila kasi mamimiss ka nila. Iniiyakan ka nila kasi mawawala na sila ng Papa at Lolo na...na... na katulad mo. Masaya ako na nakasama kita sa loob ng maraming taon. Masaya ako na ikaw ang napili ng taas para maging asawa ko.” Huminga ako ng malalim. “Kahit hindi na kita tanungin, malamang hindi ka din naman makakasagot.” Biro ko para kahit atleast ay makita kong masaya ang mga mata niya pero nakita kong may tumulong luha doon.

“Kahit hindi naman na kita tanungin, alam ko naman na nahihirapan ka na.” Sabi ko. “Kahit ayaw kitang palayain, kailangan kong gawin kasi ayokong nahihirapan ka. Mahal na mahal kitang hunghang ka e.” Dagdag ko.

Kitang-kita ko kung paano niya pinipigilan ang mapapikit. Ang sakit, ang sakit-sakit na makita ang mahal mo na lumalaban para lang masilayan ka pa kahit sa huling sandali niya.

Parang binibiyak ang puso ko sa dalawa.

Tumayo na ako saka dahan-dahan siyang hinalikan sa noo. Yun na ang huli. Yun na ang huli.

“Mahal na mahal kita, Kai. Pero sa ngayon, hahayaan na kitang magpahinga.” Ngumiti ako ng matamis sa kaniya. “Habang buhay kang nasa puso't-isip ko, tulad ng sinabi natin sa isa't-isa noong ikinasal tayo, hanggang kamatayan, mamahalin pa rin kita. Sana sa susunod na buhay nating dalawa ay tayo pa din pero sana, mas matagal tayong magka-kasama.” Kitang-kita ko ang pag-agos ng luha sa mga mata niya pababa sa pisngi niya.

Alam kong gusto niya pang mabuhay pero ang katawan niya na mismo ang sumusuko. Kung pwede lang ilipat ang sakit, gagawin ko dahil mas deserve niya kaysa sa akin na mabuhay ng matagal.

Hinawakan ko siya sa pisngi na lagi kong ginagawa sa kaniya kapag nilalambing ko siya. Tinitigan ko siya sa mga mata kasabay ng pagka-wala ng ngiti sa labi ko.

“Paalam, asawa ko. Goodbye... Love.”

Doon niya na tuluyang pinikit ang mga mata niya at ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang paghinto ng paghinga niya.

Doon na ako napasigaw at niyakap ko na siya ng mahigpit. Nakakalungkot nga lang dahil wala na siya, ang malamig na bangkay na lamang niya ang nasa bisig ko ngayon.

Magkikita din tayo ulit, love. Magkakasama ulit tayo, maghintay ka lang.

◎ㆁ◎

Kai Huening
Born: August 14 ,2002
Died: September 16 ,2074

Sun Michaella Huening
Born: January 17 ,2004
Died: December 9 ,2074

Beautiful Lie ll Huening Kai ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon