E

175 15 1
                                    

Chapter 7
I MAKE BEAUTIFUL LIES FOR YOU

Nagising ako dahil sa isang hilik sa tapat ng tenga ko. Pusanggala, sino ba yon?

Dinilat ko ang mga mata ko at sumalubong sa akin ang mukha ni Sun na nakanganga habang ang laway niya ay parang waterfalls kung umagos palabas sa bibig niya.

Kadiri naman tong babaeng to, napaka-dugyot.

Tumayo na ako saka inalis ang paa niyang nakapatong sa akin. Bakit ba naman kasi ako pumayag na tabihan tong asungot na to, siguro mga dalawang oras lang ang naging tulog ko dahil sa likot niyang matulog at yakap pa ng yakap sa akin. Nakakainis. Hindi pa naman ako sanay na may katabi.

Parang mas mabuti na nga lang siguro na sa sofa nalang ako kesa katabi tong lapastangan na to.

Sinuot ko ang tsinelas ko saka dumiretso sa cr para maligo. Gusto kong tanggalin ang germs na galing kay Sun na dumikit sa akin nang yakapin niya ako.

Pasalamat siya ay hindi ko magawang palipatin siya dahil mag-hihinala si Mommy na peke ang relasyon na meron kami. Siguradong madi-dissapoint siya sa akin.

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako saka dumiretso sa baba para mag-umagahan. Naabutan ko doon si Mommy na mag-isang kumakain. Pumunta ako sa direksyon niya saka hinalikan siya sa pisngi.

“Good morning, Mom.” Bati ko.

Ngumiti siya sa akin tsaka binati ako pabalik.

“Wala po kayong trabaho ngayon?” Tanong ko.

“Meron, I just woke up late that's why I'm still here. Gusto ko nga sanang isama si Sun sa café para makita niya ang ginagawa ko kaso naisip ko na masiyado ko na pala siyang inaagaw sayo. Pasensya na anak, I was just enjoying Sun' company.” Sabi niya sa akin.

“Nah, it's okay as long as you're happy.” Bawi ko. Kinurot niya naman ang pisngi ko na lagi niyang ginagawa kapag natutuwa siya sa akin.

“Aww, you are a really grown up man now but you are still my baby who's very caring to his mom.”

“Of course, I love you.”

“I love you more, anak. Anyways, hindi ko pa kayo nakikita ni Sun na lumalabas ng magkasama. Hindi ko pa kayo nakikitang nag-date.” Aniya saka sumubo ng pancake.

Napakurap naman ako ng ilang beses dahil doon. “Uhm... actually, may date kami ngayon. I was just waiting her to wake up then aalis na kami.” Palusot ko.

Napatango-tango naman siya bilang pag-sang-ayon sa sinabi ko. “That's right, maganda din na magkaroon kayong dalawa ng quality time.” Nakangiti siya non habang sinasabi yon. “Mamaya, pumunta kayo sa ninang Jeska mo, ngayon kasi ang schedule ng pagsusukat ni Sun para sa wedding gown niya pati na din ikaw. Don't forget about it, okay?”

Tumango ako. “Opo.”

Ininom na niya ang juice niya bago tumayo at pinunasan ang bibig ng tissue. Mukhang aalis na siya.

“I should go now. Bye, Kai. Ingatan mo si Sun. Lavya.” Hinalikan niya muna ako sa pisngi bago naglakad palabas ng mansyon.

Nang mawala na siya sa paningin ko ay agad akong tumakbo paakyat sa kwarto ko at ginising si Sun. Niyugyog ko siya ng napakalakas hanggang sa magising siya.

“Ano ba yun, unggoy ka!” Hinampas niya ako ng malakas sa braso. “Natutulog ako di ba?! Bastusan lang?” Sabi niya saka nagtakip ng unan sa mukha.

“It's already 9 am in the morning at kailangan nating pumunta kela ninang Jeska para sa pagsusukat mo at nang magawan ka na ng gown! Bumangon ka na, tulog mantika!” Tinanggal ko ang unan sa mukha niya pati na ang kumot niya.

Inis niya naman akong hinarap. “Nakakainis ka ah! Ang sarap-sarap ng tulog ko e!” Muli niya sana akong hahampasin ng hawakan ko ang kamay niya.

Nilapit ko ang mukha ko sa kaniya saka nilibot ng tingin ang katawan niya. “Kapag hindi ka tumigil, papatirikin ko yang mata mo sa sarap.”

Kinuha niya yung kamay niya mula sa akin at pinag-cross yun sa katawan niya. “K-Keye weg pe.” Aniya gamit ang pabebeng boses.

“Ah, hindi ka talaga titigil ah.” Sabi ko at umarteng huhubarin ang pang-itaas ko.

“Ito na! Maliligo na!” Mabilis siyang bumaba ng kama saka tumakbo papasok sa cr.

“SAAN ka nga pala nanggaling kahapon at ginabi ka ng uwi?” Tanong niya sa akin dito sa loob ng kotse. Papunta na kami ngayon sa boutique ni ninang Jeska.

“Wala ka ng paki dun.” Masungit kong sabi.

“Taray mo ngayon ah, parang kanina lang may balak ka ng rape-in ako. Nalungkot ka ba kasi hindi ako pumayag? Don't worry, mamaya ako na ang bo-volunteer para hindi ka na malungkot.” Pang-aasar niya sa akin.

Bumuga ako ng hangin dahil hindi ko kinakaya ang mga pinagsasasabi niya. “Pwede ba? Manahimik ka kahit sandali man lang?” Pakiusap ko sa kaniya.

Nalalamog na kasi yung tenga ko sa kakadada niya. Naiirita na talaga ako.

“Kapag nanahimik ako magsisisi ka.”

“Bakit naman ako magsisisi? Siguro nga pakiramdam ko mapupunta ako sa langit kapag nanahimik ka.” Bawi ko.

“Sure ka? Gusto mong manahimik ako?” Sumiryoso ang boses niya.

“Oo nga.”

“Bahala ka. Ang taray-taray mo parang tinatanong ka lang e.” At nanahimik na siya.

Napangiti ako at doon ako nakaramdam ng contentment. Ang sarap sa pakiramdam na wala kang katabing babae na talak ng talak. Yung tipong hindi ka mabibingi dahil sa boses niya.

Chill lang ako dito habang nagda-drive.

Hanggang sa makarating kami sa boutique ni ninang ay tahimik siya. As in hindi siya nagsasalita. Naninibago ako pero mas mabuti na to. Poker face lang siya pero nang batiin siya ni ninang, doon lang siya nag-ingay ulit.

“Hi inaanak. Hihiramin ko muna tong fiance mo, susukatan ko na siya.” Paalam sa akin ni ninang Jeska na may ari ngayon ng pinaka-sikat na boutique sa buong Asya.

Madaming hollywood stars at supermodels na ang natahian niya ng damit at marami pang kilalang tao. Sobrang galing kasi ng ninang ko pagdating sa pananahi. Pang-world class ang dating.

“Okay po.” Sabi ko saka umupo nalang sa waiting area.

Ngumiti siya sa akin bago sila pumasok sa isang kwarto kung saan doon yata susukatan si Sun.

“Kamusta ka Michaella?” Rinig kong tanong ni Ninang sa kaniya.

“Okay lang po, ito maganda pa den.” Rinig kong sagot ng asungot at nag-tawanan silang dalawa.

Bigla akong nangulila sa kaingayan niya pero ginusto ko to, kailangan kong pangatawanan.

NATAPOS na ang pagsusukat naming dalawa, nandito na kami sa loob ng kotse ko ngayon. Tahimik pa din Sun at naka-focus lang siya sa cellphone na hawak niya. Mukhang ka-chat niya na naman yung lalaking nakilala niya sa profoundly kagabi.

“Uhm... galing ako kay Lolo kaya ako ginabi. Sinabihan niya ako na baka daw pwede mo siyang bisitahin minsan.” Sabi ko, pambabasag ng katahimikan.

Inaasahan ko ang maraming tanong niya pagkatapos kong sabihin yon pero na-dissapoint ako sa sinagot niya.

“Ah, okay.”

Beautiful Lie ll Huening Kai ✔️जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें