I

175 16 8
                                    

Chapter 16
I MAKE BEAUTIFUL LIES FOR YOU

“Hoy Dominic Catreras, saan mo na naman ako dadalhing shokoy ka?” Tanong ko sa kaniya.

Hawak-hawak niya ang kamay ko at hinihila ako sa kung saan. Aba, kahit sobrang cool at attractive niyang tignan ngayon ay magpapahatak nalang ako basta. Hindi ako marupok no.

Jok lang, marupok ako kaya nga nagpapahila ako di ba? Suri na, ang gwapo niya lang kasi ngayon, sobra. Pinagtitinginan tuloy siya ng mga pokpok dito sa daan. Kung makatingin sa kaibigan ko akala mo naman lalamunin ng buhay.

Hmp! Ipakain ko kayo sa alaga kong ahas makita nila.

“May bago kasing bukas na amusement park sa bayan, gusto lang kitang dalhin doon.” Masaya niyang sabi sa akin.

Natigilan ako dahil sa sinabi niya. Bigla akong may naalala tungkol sa amusement park achuchu na yan. Bigla kong naalala si Kai, naalala ko yung pumunta kami sa amusement park at sumakay kami sa mga rides. Sumali sa isang palaro at doon ko din binigay sa kaniya ang first kiss ko.

Sa isang iglap, napuno ng kalungkutan ang puso ko. Bigla ko na namang naalala ang lalaking yon. Ang happy moments namin na mag-kasama. Ngayon, bigla akong nangulila sa kaniya—ay hindi! Hindi ko siya namimiss.

Ano ba, Sun! Di ba kinakalimutan mo na siya? Isa lang siyang hindi magandang pangyayari na dumaan sa buhay mo. Hindi mo dapat siya namimiss. Umayos ka!

Bumagsak ang balikat ko at parang bigla akong nawalan ng gana sa lahat. Napa-buntong hininga nalang ako saka pinalis ang nararamdaman ko. Hindi magandang ipakita kay Dominic na malungkot ako, ayokong masira ang mood niya dahil sa akin.

“May problema ba, Sun?” Nag-aalalang tanong sa akin ni Dom. “May masakit ba sayo?”

Nag-angat ako ng tingin saka nginitian siya. “Ah wala. Iniisip ko lang kung bakit ang cool at attractive mong tignan ngayon. Pinagtitinginan ka tuloy, lalo na ng mga malalandi.”

Nasabi ko na ba sa inyo na ang gwapo niya talaga ngayon? Ay oo nga pala, simula pa lang ng point of view ko sinabi ko na agad yun sa inyo. Hay naku, Sun, nasobrahan ka na naman sa kape.

Sa suot niyang oversized t-shirt at isang simpleng rip jeans na pinartneran niya lang ng sneakers, parang naging isang model na agad siya. Samahan mo pa ng yummy na mukha, jusko, heaven mga dai!

Nag-salubong ang dalawang makakapal na kilay niya saka nilibot ng tingin ang paligid. Doon niya lang yata napansin na marami ngang nakatingin sa kaniya.

“Oh di ba? Masiyado ka kasing naka-focus sa kagandahan ko kaya hindi mo napansin. Myghad, Dominic.” Pagbibiro ko na ikinatawa niya pa.

“Pasensya na, masiyado kalang kasi talagang maganda.” Pagsakay niya sa biro.

“Hele! Ekew telege!” Pabebe ko pa siyang hinampas sa braso. “Oy! Baka ma-inlove ka sa akin ha! Alam kong maganda ako pero wag—”

“Wag kang mag-alala. Hindi ako mahuhulog sayo. Kaibigan lang talaga ang turing ko sayo—” Hindi pa siya tapos mag-salita ng umarte na akong nasasaktan.

“Ouch!” Madrama kong hinawakan ang dibdib ko— ay, wala pala akong dibdib. Basta yung part kung nasaan yung puso ko. “Ang sakit non, Dom. Bakit? Bakit ka ganiyan? Bakiitt?!” Inalog-alog ko pa ang balikat niya saka umarte pa lalo.

Nakuha tuloy namin yung atensyon ng iba. Akala nila mag-jowa kami tas may LQ. Doon na ako tumigil sa pag-arte tsaka ngumiti ng awkward na ngiti.

“Hehe. Saan nga ulit tayo pupunta, Dominic?” Tanong ko kay Dominic na ngayon nagpipigil ng tawa.

“Sa amusement park. Tara na nga.” Inakbayan niya ako at ginaya ako sa paglalakad.

Pagsakay namin ng trycicle biglang nag-vibrate ang phone sa bulsa ko. Tinignan ko yun, may nakita akong message at nakita kong ang unknown number na naman ang nag-text sa akin.

From: 09*********

Nothing is cooler and more attractive than a big comeback, and that’ll be me.

Kumabog ng malakas ang puso ko ng mabasa ang buong message. Ang mga paru-parong matagal ng natutulog sa tiyan ay biglang nagising sa hindi ko malamang dahilan.

Pasimple kong hinawakan ang dibdib ko kung nasaan ang puso ko para pakalmahin yon pero walang nangyari. Pumikit ako at huminga ng malalim.

Imposible naman na siya ang nag-text sa akin non di ba? Hindi naman siya yun di ba? Hindi si Kai yun... di ba? Pero wala namang nakakagawa ng ganito sa akin. Walang sino mang tao ang ganito ang epekto sa akin kundi siya.

Si Kai lang.

Nag-vibrate muli ang phone ko pero nawalan na ako ng pagkakataon na basahin pa ang message doon dahil hinila na ako ni Dominic palabas. Nandito na pala kami sa amusement park na sinasabi niya. Hindi ko man lang namalayan na nakarating na pala kami dito. Masiyado akong binabagabag ng unknown number na yon.

“Ayos ka lang? Bakit namumutla ka?” Napansin yata ni Dominic ang pag-kabalisa ko kaya siya napatanong.

“Ah wala to, ayos lang ako.” Pagtanggi ko saka iniba ang topic. “Tara dali! Sakay tayong vikings!” Sigaw ko saka nauna ng tumakbo.

“Teka lang, Sun!”

Pumila kami sa pila ng bibilhan ng ticket para makasakay ng vikings. Naalis ng nararamdaman kong pagka-excite ang pagka-bagabag ko kanina. Tuwang-tuwa ako dahil ito ang unang beses na makakasakay ako sa vikings. Noong huli ko kasing punta sa amusement park, hindi ako nakasakay dahil nahihilo at nasusuka na yung hunghang kong kasama noon.

Nang makuha na namin ang ticket; si Dom ang nagbayad. Agad ko siyang hinila pasakay sa ride. Doon kami pumwesto sa pinaka-likod dahil doon daw pinaka-masaya at mas memorable. Siguraduhin lang nila, naku.

Magkatabi kami ni Dom sa upuan at pareho kaming-excited.

“Ready ka na ba, Dom?” Tanong ko sa kaniya.

“Ready pa sa ready!” Sigaw niya at doon na nagsimula ang ride.

Totoo nga amg sabi nila, pinaka-masaya kapag nasa dulo ka. Sigaw ako ng sigaw at minsan ay nasasabunutan ko pa yung babaeng katabi ko dahil gusto ko ng makakapitan na iba.

“Ang panget moooo, Dominiiiic!” Sigaw ko ng nasa pataas na kami. Si Dominic ay natatawa lang sa akin. “Hoy hunghang! Hindi mo man to naririnig pero alam mo bang miss na miss na kitang bwiset kaa!!” Sigaw ko habang pigil ang emosyon.

MATAPOS naming sakyan ang lahat ng rides at nagkanda-hilo-hilo. Dito kami bumagsak aa isang food court. Bumili kami ng napaka-raming pagkain dahil pareho kaming ginutom sa mga pinag-gagagawa natin.

“Grabe, napagod ako sa mga ginawa natin ngayon. Parang gusto ko ding masuka.” Reklamo ko saka nilamutak ang binili kong burger.

“Hindi ka ba napaos sa kakasigaw mo kanina? Grabeng lalamuna naman ang meron ka.” Komento ni Dominic.

“Ganon talaga ako, pinaglihi daw kasi ako ni Nanay sa leeg ng manok kayo matibay ang lalamunan ko. Rare ako, ano ka ba.” Pabiro pa akong umirap. “Ay teka lang, baka nag-text na yung nanay ko.” Sabi ko saka kinuha yung phone sa bulsa ko.

Pagbukas na pagbukas ko, sumalubong agad sa akin ang text mula sa unknown number na yon. Ito na naman tuloy ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Binuksan ko ang message na yon gamit ang nanginginig kong daliri. At napaawang nalang ang labi ko sa nabasa ko.

From: 09*********

Love, stop making me jealous.

Ito yata yung text na hindi ko nabasa kanina. Lalo akong nanginig nang mabasa ang pangalawang text.

From: 09*********

I miss you too, baby. Wait for me, babalikan kita. And I will punish you for letting that bastard hold your hand. I will make you feel the pleasure punishment.

“Bakit namumutla ka na naman, Sun?”

“D-Dom, pwede bang umuwi na tayo?”

Beautiful Lie ll Huening Kai ✔️Où les histoires vivent. Découvrez maintenant