U

192 15 9
                                    

Last Chapter - Chapter 24
I MAKE BEAUTIFUL LIES FOR YOU

“Mahal na mahal ka namin, anak. Masaya kami na ipagkatiwala ka sa isang lalaki na may respeto at mabuting tao.” Sabi ni Tatay sa akin habang nasa labas kami ng simbahan.

Oo, tama kayo, ngayon ang araw ng kasal namin ng hunghang na yon. Nagulat kayo no? Paki ko sa inyo.

“Tay...” Naibulong ko nalang saka ko naramdaman pag-init ng sulok ng mga mata ko.

“Oh anak, wag kang umiyak. Baka masira ang make-up mo.” Paalala ni Nanay sa akin.

“Wow, Nay, ini-expect ko na sasabihan mo din ako ng sweetwords katulad ni Tatay pero yung make-up ko pa talaga ang inalala mo. Mahal na mahal niyo talaga ako e, no?” Sarkastikong sabi ko.

“Anak, ayoko kasing mag-drama bago ka namin ihatid ng tatay ko sa altar kung saan naghihintay si Kai. Ayaw kong umiyak ka dahil masisira ang kagandahan mo. Ang ganda-ganda mo pa naman ngayon, sayang yung effort ng mga nag-ayos sayo no. Mahiya ka naman. Alam mo ba kung ilang oras nilang tiniis yang pagmumukha mo para magmukha kang tao?” Sabi niya na ikinanguso ko nalang.

Pakipaalala nga sa akin na Nanay ko tong katabi ko.

October 24, 2025. Araw ng kasal namin ni Kai ngayon. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat ko maramdaman. Saya ba? Kaba ba? Pressure ba? O excitement ba? Halo-halo lahat ang mga emosyon na yon sa loob ko.

Noong September ako niyaya ni Kai na magpa-kasal. Ang engrande nga lang dahil sa Paris pa talaga siya nag-propose sa akin. Kavog mga te!

Hanggang ngayon, tinatanong ko pa din yung sarili ko na bakit ganito? Deserve ko ba talaga si Kai na mapangasawa ko? Bakit ako? Marami namang mas magandang babae diyan na pwede niyang mahalin at sa lahat ng yon, ako pa talaga ang napili niya.

Iba talaga ang alindog ng mga Gracias.

Ngayong araw na to ay maraming nag-didiwang. Ang mommy ni Kai, ang mga magulang ko at siguradong nagdidiwang din sa langit ang lolo niya. Siguradong masayang-masaya ito.

Haay.

Minsan, iniisip ko na nananaginip lang talaga ako. Isipin niyo ba naman kasi kung gaano ako ka-swerte sa lalaking papakasalan ko. Isang lalaki na hindi ko aakalain na mamahalin ko.

Si Huening Kai.

Ano bang magandang nagawa ko noong unang panahon at biniyayaan ako ng isang katulad niya? Siguro nagligtas ako ng buhay noon kaya ganito.

Suot-suot ko na ang wedding gown na ito, noong bata pa ako, pinapangarap ko lang na masuot to at ngayon natupad na. Si Tatay din, ang pangarap niyang ihatid ako sa altar ay natupad na.

Basta. Madaming magagandang pangyayari ang nangyari sa buhay ko simula noong papsukin ko si Kai sa buhay ko. Imaginin niyo, isang bilyonaryong lalaki na nahulog sa isang simpleng babae. Isang hunghang tsaka isang lapastanga. Pwede pala yun no? Akala ko dati imposible ng mangyari yun dahil sa mundong katulad nito ngayon.

Okay. Tama na ang drama. Hindi ako ma-drama kaya wag kayong mag-expect na mag-sasabi ako ng nakakaiyak. In your dreams. Ha!

Otomatikong bumilis ang tibok ng puso ko ng magbukas na ang napakalaking pinto ng simbahan na ito. Dumiretso ako ng tayo at inayos ko din ang pagkaka-hawak ko sa bugkos ng bulaklak na hawak ko.

Pareho kong ibinigkis ang kamay ko sa parehong braso ng mga magulang ko at nag-lakad papasok kasabay ng pagtugtog ng napili naming wedding song.

Kahit nasa malayo pa lang ako, agad ko ng natanawan ang lalaking mahal na mahal ko. Nakangiti ito habang nakatingin sa akin na akala mo ay ako lang ang nag-iisang tao na nakita niya dito.

Habang nakatingin sa kaniya, hindi ko maiwasang hindi maalala yung unang araw na una kaming nagkakilala.

“Shete! Malelate na ako sa interview ko! Piste na yun! Nai-scam pako ng driver ng taxi na yun ng wala sa oras!” Nanggagalaiti kong saad; walang pakialam sa tingin ng mga tao.

Nakakainis! Bakit ba ang malas-malas ko ngayong araw na to?! Na-late na nga ako ng gising, na-scam pako ng taxi na nasakyan ko! Paano ba naman kasi! Yung bill ko sa taxi ay 123 pesos, edi binigay ko yung 500 ko since wala akong barya, wala e, richkid ako, pake niyo ba? Tapos nagulat nalang ako ng pumaharurot yung taxi na yun palayo sa akin.

Sinubukan ko yung habulin kaso ano nga bang laban ko sa isang sasakyan? Alangang mag-ala flash ako di ba? Wag nalang, baka ma-discover ako niyan bigla mahirap na.

Napakamot nalang ako ng ulo dahil sa inis ko. Nagulo tuloy yung buhok ko dahil na din sa dami ng hair pin na nilagay ko doon. Lalo akong nainis kaya pinabayaan ko nalang yun.

Naglakad nalang ako kung saan ako dadalhin ng mga paa ko since hindi na din naman ako mai-interview ng kumpanyang papasukan ko. Bawal kasi ang ma-late dahil kapag na-late ka, mawawalan ka na ng chance na magkaroon ng trabaho.

Habang naglalakad ako, merong nakabangga sa aking lalaki na tatanga-tangang nagse-cellphone habang naglalakad.

“Ay, tae ka!” Napasigaw ako dahil sa salpukan—este, banggaan. Ang laswa ng salpukan, ano? Manok na pula ang peg?

Nalaglag ang bag ko na may laman ng mga gamit ko kaya agad akong yumuko saka pinulot yon isa-isa.

“Miss, sa susunod kung ayaw mong makasira ng ibang gamit tumingin ka sa dinadaanan mo. Alam mo ba kung gaano kamahal to?” Sabi nung lalaki sa akin habang hawak-hawak ag cellphone niyang basag-basag ang screen.

Buti nga sa kaniya. Ang bobo kasi.

“Hoy lalaki, ikaw pa ang may gana na pagsalitaan ako ng ganiyan e, ikaw tong tatanga-tangang nagse-cellphone habang naglalakad. Mga tao nga naman ngayon, pinapairal ang kabobohan.” Tinaasan ko pa siya ng kilay.

Napaawang ang labi niya dahil doon. “Sinasabi mo bang bobo ako?” Di makapaniwalang tanong niya.

“Oo. Sino ba naman kasing tanga ang magse-cellphone habang naglalakad tapos kapag nabangga siya pa ang may ganang manisi. Gwapo ka sana, wala ka lang utak.” Inirapan ko muna siya bago ko siya tuluyang lampasan.

Hmp! Wag niya akong iniinis lalo na't ngayon na mainit ang ulo ko ha! Hunghang siya!

Yun ang araw na nakilala ko yung lalaking hindi ko aakalain na magiging parte ng buhay ko. At ngayon, sa harap ng altar, pinangakuan namin ang isa't-isa na mamumuhay ng mag-kasama at mag-mamahalan sa hirap at ginhawa.

“...you may now kiss the bride.” Sabi ni Father na naging sanhi ng pag-iingay ng mga tao sa loob ng simbahan.

Jusko poo! Mrs. Huening na ako ngayon!

Dahan-dahang itinaas ni Kai ang belo ko saka pinagkatitigan ako sa mga mata. Wala akong ibang makita sa mga mga niya kundi kasiyahan.

“I can't believe that it all started with just a lie.” Hinawakan niya ang dalawang pisngi ko at pinagdikit ang noo naming dalawa. “And you are the most beautiful lie that ever happened into my life.”

Beautiful Lie ll Huening Kai ✔️Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora