L

183 17 4
                                    

Chapter 15
I MAKE BEAUTIFUL LIES FOR YOU

Sabihin niyo nga sa akin kung paano ko mapapatahimik itong kapatid ko. Aba e, kanina pa talak ng talak dito tungkol sa jowa niyang ginayuma niya yata. Kung anu-ano ang mga pinag-sasabi. Konti nalang tatabasan ko na yung dila nito gamit ang lagari e.

“Tapos alam mo ba ate?” At ito na naman po siya.

“Hindi.” Walang kwentang sagot ko saka nilipat ng channel ang tv.

“Ang sabi niya sa akin ay ako daw ang pinaka-magandang babae—”

“Mananahimik ka sisikmuraan kita?” Pagpapatigil ko sa kaniya

“Naku ate, ayan ka na naman. Ganiyan ba talaga ang epekto kapag ang taong gusto mo ay nakabuntis ng ibang babae? Nagiging bitter?” Pang-aasar na naman sa aking ng imapaktang to.

Jusko naman kasi. Bakit ka ba naman kasi na-kwento sa bruhang to ang pagiging heart broken ko noong nakaraang dalawang buwan pag-kauwi ko, ayan tuloy, may pang-asar na siya sa akin.

Nas-stress na ako ah.

Dalawang buwan na simula noong umalis ako sa mansyon ng mga Huening. Dalawang buwan na simula noong iwanan ko ang buhay ko doon, ang buhay kong punong-puno ng kasinungalingan doon ay nawala na sa pag-uwi ko dito. Sinubukan kong kalimutan ang lahat ng nagyari doon kaso parang nakatatak na yon sa puso't isip ko at naging permanente na.

Hindi ko na yun makalimutan at imposible ko rin yatang makalimutan. Makita ko lang itong bagong bahay namin ay otomatikong maaalala ko na agad ang mga nangyari noong nakaraang dalawang buwan.

Ang perang pinadala niya ay ginamit ko sa pagpapatayo ng bahay at pagbili ng lupa. Nagpatayo na din ako ng negosyo para kay Nanay at nagawa ko na ding ipagamot si Tatay kaya bumuti na ang lagay niya ngayon.

Sobrang laki kasi ng pinadala niyang pera, padalhan ka ba naman ng 10 milyon, ewan ko nalang kung hindi ka mawiwindang. Balak ko sanang ibalik yun sa kaniya dahil sobra-sobra pero sa sobreng pinaglagyan non, sinabihan niya ako na wag na. Hanggang ngayon nga ay nasa akin pa yung sobre na yun. Hehe. Wala lang, paki niyo ba?

Nagtaka nga ang pamilya ko kung saan ko ba nakuha yung ganung kalaking pera, napaghinalaan pa nga akong pusher ng mga hinayupak pero ang sabi ko, meron akong napanalunan na palaro at ganon kalaki yung prize dahil puro mayayaman ang kasali. Noong una ay hindi sila naniwala pero naniwala din naman sila di kalaunan.

Kaya ayun, sa lahat ng bagay dito sa paligid ko may kinalaman si Kai kaya siguro hindi ko siya magawang kalimutan.

Puro Kai. Lahat nalang si Kai.

Si Kai na hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit namimiss ko. Dalawang buwan lang kaming nag-kasamang dalawa pero ganito na agad ako mangulila sa kaniya. Ang mga naging away namin noon, yung mga pamamasyal at iba pa naming alaala, hindi mabura-bura yon sa isip ko.

Hindi ko siya magawang kalimutan. Pero sabagay, dalawang buwan pa naman. Sariwa pa kaya hindi ko pa agad makakalimutan. Tama ka, Sun. Ang talino mo talaga tapos ang ganda pa.

At naisip ko, mas maganda na din na nangyari na to. Atleast matitigil na ang kasinungalingang ginagawa namin sa mommy at lolo niya. Nakokonsensya na din kasi talaga ako.

“Hindi ko nga siya gusto. At hindi ako bitter.” Pagtanggi ko.

Hindi ko alam dito kay Shine kung bakit niya nasasabi ko na gusto ko yung hunghang na yon. Parang wala naman akong maalalang may sinabi ako sa kaniyang ganung bagay.

Siguro kay Boy Abunda ni Nanay pinaglihi tong si Shine, napakama-issue e, jusko. Ang sarap sapakan ng kamao ang bibig. Talo niya pa yung kapitbahay namin na boksingera tapos chismosa kung makatalak.

“Hindi daw bitter. Kahit, ate? Aminin mo na kasi, may gusto ka sa lalaking yon.”

“Pano mo naman nasabi?”

“Kasi iniyakan mo siya.” Simpleng sagot niya

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. “Ano naman ngayon kung iniyakan ko siya?”

“Ate, hindi ka iyakin. Sa loob nga ng isang taon kung umiyak ka mabibilang ko lang sa daliri. Hindi mo basta-basta iniiyakan ang isang bagay na hindi mahalaga sayo. Iiyak ka lang kapag nasaktan ka at sobrang nalulungkot ka. Kilala kita dahil kabisado ko na ang buong pagkatao mo. Kahit nga insultuhin ka ang bugbugin ka hindi ka umiiyak e. Baka din siguro masiyado ng makapal ang libag mo kaya hindi mo maramdaman.” Pang-aasar niya sa akin.

“Aba, loka kang impakta ka ah.” Sabi ko saka akmang sasabunutan siya ng ituloy niya ang sinasabi niya.

“At yung lalaking yun, iniyakan mo siya dahil nalaman mong may ibang babae siyang nabuntis. Bakit mo naman yun iiyakan di ba? Hindi ka naman iiyak kung hindi ka nasaktan dahil sa nangyaring yun at hindi ka din masasaktan kung wala kang nararamdaman para sa lalaking yun. Kaya aminin mo na, huwag mo ng itanggi sa sarili mo, may gusto ka talaga sa kaniya.”

NANDITO ako ngayon sa kama ko habang nakatingala sa kisame ng kwarto ko. Iniisip ko pa din yung mga sinabi sa akin ni Shine kanina.

Hindi nga kaya may gusto ako sa hunghang na yon? Totoo kaya yung mga sinabi ni Shine? Totoo nga kaya na gusto ko siya kaya ko siya iniyakan? Totoo kasi ang sinabi ni Shine, hinding-hindi mo agad ako mapapaiyak dahil lang sa isang bagay. Matibay ako at hindi ganon kababaw na tao kaya kahit sampal-sampalin mo ako, hinding-hindi ako iiyak sa harap mo.

Pero bakit pagdating kay Kai, ganon kabilis mag-react ang puso at mga luha ko? Noong malaman ko na nakabuntis siya, bakit umiyak ako e, dapat nga ay wala akong pakialam dahil wala namang namamagitan sa aming dalawa. Dapat ay parang wala lang sa akin yun pero bakit ako umiyak?

Bakit?

Naputol ang pag-iisip ko ng may narinig ako sa bintana ko. Tumayo ako saka tinungo yon, may bumato na naman doon at alam ko na agad kung sino yun.

Binuksan ko ang bintana ko at doon ko nakita si Dominic na nakadungaw din sa bintana niya. Siya ang kauna-unahan kong naging kaibigan dito sa bagong baryo na kinatitirikan ng bahay namin ng pamilya ko.

Gwapo si Dominic, hindi maipapagkaila yon. Ang bait niya pa tapos matalino. Hindi na din nakakapag-taka na hinahabol-habol siya ng mga babae dito. Ako, hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang ma-attract sa kaniya, basta, kaibigan lang siya sa akin.

Ngumiti agad siya ng matamis ng makita ako. Magkatapat lang kasi ang bintana naming dalawa kaya malaya kaming makakapag-usap.

“Ano na namang kailangan mo, Dom? Namiss mo na naman ang kagandahan ko no?” Biro ko na ikinatawa niya.

“Paano mo naman nalaman, Sun?”

Medyo kinilig ako sa sinabi niya. Nilagay ko ang buhok ko sa gilid ng tenga ko in a pabebe way. “Hele, weg ke ngeng genyen.” Sabi ko gamit ang maliit na boses.

Halos dalawang oras kaming mag-kausap sa bintana at nagku-kwentuhan. Kung hindi lang siya sinaway ng mama niya ay hindi pa siya titigil sa pakikipag-usap sa akin.

Bumalik ako sa kama ng may ngiti sa labi. Atleast, dahil kay Dominic nabawasan ang lungkot ko ngayon. Ang sarap talaga kapag may kaibigan ka pero mas masaya kung masarap mismo yung kaibigan—charot lang uy.

Binuksan ko yung phone ko dahil mag-aalarm ako. Kailangan ko kasing maaga magising dahil tutulungan ko pa si Nanay bukas maghanda ng mga paninda niyang kakanin.

Habang siniset ko yung alarm ko, biglang may nag-notif na message sa phone ko. Tinignan ko kung sino yun pero walang pangalan, number lang ang nakalagay.

Huh? Sino naman kaya ang magte-text sa akin ng ganitong oras ng gabi? Ah, siguro scam to pero malay mo importante pala ang sasabihin. Binuksan ko yung message pero mas lalo akong nagtaka ng makita ang laman ng message.

From: 09*********

I hate the idea of anyone else having you.

Beautiful Lie ll Huening Kai ✔️Where stories live. Discover now