I

280 22 5
                                    

Chapter 1
I MAKE BEAUTIFUL LIES FOR YOU

“Teka lang, ang sinasabi mo ay may isang babae nang gustong ipakasal sayo ang lolo mo?” Tanong sa akin ni Nio habang kumakain ng nachos na binili ko.

Nandito ako sa unit niya, dito ako dumiretso pagkatapos kong ihatid si Lolo sa mansyon niya.

Bakit ba naman kasi sakto pang nandon siya sa lugar na yon, ang tanda na ni Lolo pero may lakas pa para gumala, partida may taning na ang buhay niyan. Kainis. Tapos sakto pang nakita niya ako at babaeng yon na nag-aaway, akala niya tuloy girlfriend ko yung lapastangan na yon at nagkakaroon kami ng LQ.

Pwe! Nakakadiri!

“Bingi ka? Kakasabi ko lang sayo kanina, tukmol.” Sabi ko saka binato siya ng isang pirasong nacho. “Puro ka kasi lamon na kulot ka.” Asar ko sa kaniya.

Agad niya akong binawian, binato niya ako ng throw pillow kaya bumagsak agad ako sa sahig.

“Sinisigurado ko lang! Hindi mo nako kailangang asarin. Sarap mong ipa-gang rape.” Inis niyang sambit.

Natuwa naman ko dahil napikon ko siya. Asar talo talaga ang loko.

“Okay lang, sanay naman na ako.”

“Kapal ng libag mo.” Inirapan niya ako. “Back to the topic. Totoo ba yung mga sinabi mo?”

Tumango ako saka sumandal sa hamba ng sofa. “Oo nga. Nababaliw na nga ako sa kakaisip kung anong gagawin ko. Bwiset kasi yung impaktang yun e, sinira na nga yung phone ko pati ba naman yung buhay ko.”

Nakuyom ko ang kamao ko nang maalala ang pagmumukha ng babaeng yon. Ang inosente ng mukha pero talo pa ang tambay sa mga pananalita. Anak ka nga naman ng tipaklong. Tapos siya pa talaga yung gusto ni Lolo na pakasalan ko. Ano bang nagustuhan niya sa babaeng yon? Hindi niya siguro narinig kung pano magsalita yung lapastangan na yon.

Nakakainis talaga! Argh!

“Siguro hindi maganda yung babae kaya hindi mo gusto.” Aniya.

“Tanga! Mukha ngang inosente e, kaso bungangera. Parang laking tambay. Ayoko ng ganun. Tapos akalain mo pa, sinabihan ba naman akong bobo.” Inis na sabi ko saka hinagod ang buhok ko.

“Bobo! Ang gulo mo din e. Di ba naghahanap ka ng babaeng mukhang inosente? Yung magugustuhan ng lolo mo? Yung iba sa mga babaeng wina-one night stand mong bwakanang ka. Tapos ngayon nahanap mo na, tapos nagustuhan na ng lolo mo, uma-ayaw ka pa. Tama nga lang yung sinabihan ka nung babae na bobo.”

“Hindi mo kasi nakita yung babae at hindi ikaw yung nainsulto kaya nasasabi mo yan.”

“Hay nako, Huening Kai. Dalawa na nga ang ulo mo hindi ka pa nag-iisip ng maayos.” Umayos siya ng upo saka lumagok ng juice.

“Personalan?”

“Bakit ba ayaw mo dun sa babae? Maganda na nga siya tapos gusto pa siya ng lolo mo. Bakit ka pa magsasayang ng oras na maghanap ng iba kung nandiyan naman na siya? Hindi ka na mapapagod, tanga. Baka din naman kasi kasalanan mo kaya nasabihan ka niya ng ganon.”

“Kahit na. Kilala mo ako, Nio. Ayoko ng iniinsulto ako.”

“Baka naman kasi kainsu-insulto ka.”

“Wala ka talagang kwenta.” Sinamaan ko siya ng tingin pero nginisihan niya lang ako.

“Tiisin mo nalang yung babae, tol. Edi pagkatapos mong makuha yung mana mo at ma-tegi yung lolo mo, hiwalayan mo na agad. Kilala mo naman yung lolo mo, gagawin nun lahat ng paraan masunod lang ang gusto niya. Kaya gawin mo nalang kung anong sinabi niya.”

Doon ko naalala ang huling sinabi sa akin ni Lolo. Kapag hindi ko siya sinunod ay sisirain niya ang kaisa-isang kasiyahan ni Mommy. Hindi ko hahayaang mangyari yon.

Huminga ako ng malalim saka nag-desisyon. Gagawin ko ang lahat para sumaya si Mommy, kahit pa mag-pakasal ako sa isang babaeng lapastangan.

“GOOD evening, sir Kai.” Bati sa akin ng guard namin sa bahay, si mang Oscar. Ngumiti ito sa akin, ngumiti naman ako pabalik sa kaniya saka binigay ang susi ko.

“Good evening po, paki-park nalang po yung kotse ko.” Agad itong tumango pagkatapos kong sabihin yon.

“Sir, may bago po yatang maga-apply na kasambahay sa inyo. Maganda po siya sir, ang inosente ng mukha.” Sabi nito sa akin na halatang may gusto doon sa kung sino mang babae na yon.

“Wala akong pakialam sa kaniya, kuya. May babae akong kailangan na hanapin.” Tinapik ko siya sa balikat bago ko nilakad ang napakahabang grand entrance ng mansyon.

Pagpasok ko ng bahay ay bukas pa ang ilaw sa sala na madalang ko nalang maabutan kapag umuuwi ako. Magha-hating gabi na ngayon at sa mga oras na to ay tulog na si Mommy, siguro totoo nga yung sinabi ni mang Oscar. May bago nga kaming kasambahay. Ganito kasi talaga si Mommy kapag kumikilatis siya ng bagong tao na papasok sa bahay namin. Umaabot talaga ng ilang oras.

Weird ni Mommy. Ewan ko ba.

“Okay lang po.”

Sinundan ko ang boses na yun at napunta ako sa garden. Doon ko nakita si Mommy na masayang nakikipag-usap sa isang babae. Nanliit ang mga mata ko ng makita ang babaeng yon, parang pamilyar siya sa akin.

Lumapit ako ng kaunti sa kanila para mas lalong makita ang mukha ng babae.

Inosenteng mukha...

Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko siya. Pero agad din akong napangisi ng makabawi. Mukhang tumutugma ang mga plano ko sa akin ah. Akalain mo yun, hindi ko na siya kailangan pang hanapin dahil siya na mismo ang nakahanap sa akin.

Siya yung sinasabi ni mang Oscar na maga-apply bilang bagong kasabahay.

“Ano nga ba ang gusto mong pasukin dito?” Tanong ni Mommy sa kaniya pero mabilis akong naglakad papunta sa kanila at inakbayan yung babae.

“Love, nandito ka na pala hindi mo man lang ako sinabihan.” Tsaka ko siya hinalikan sa pisngi.

Parang gusto kong masuka.

Nanlaki ang mga mata nito saka napanganga. “Ikaw?!” Duro niya sa akin.

“Love?” Nabaling ang tingin ko kay Mom nang magsalita siya.

Ngumiti ako sa kaniya saka hinigpitan ang pagkaka-akbay sa lapastangan. Napa-aray siya sa sakit pero hindi ko na yon pinansin.

“Yes Mom. She is my girlfriend— nah, fiance pala.” Sabi ko.

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ni Mom, napatakip pa siya ng bibig sa gulat. Masaya ako na nakikita kong masaya ang emosyon sa mga mata niya.

“Hindi mo ako fian— hmmp!” Agad kong tinakpan ang bibig ng lapastangan na babaeng to bago niya pa ako ibuking.

“Oh my gosh! I didn't know! Congratulations for the both of you! I'm so happy! Sasabihin ko na agad to sa lolo mo. I'm sure, he will be very glad.” Masaya nitong sabi.

“Ahm, but for now, pupunta muna kami sa kwarto namin dahil may away pa kaming hindi naaayos. Goodnight, Mom!” Sabi ko bago buhatin na parang sako ang babae sa tabi ko.

“Okay. Goodnight, Kai and also to you, Sun.” Sabi ni Mommy.

Hindi ko na siya nagawa pang ngitian dahil pumasok na kami agad sa loob bago pa makatakas sa kamay ko ang babaeng to.

“Ibaba mo nga akong hinayupak ka!” Ito na nga po, nagwawala na siya.

Beautiful Lie ll Huening Kai ✔️Where stories live. Discover now