F

170 15 4
                                    

Chapter 12
I MAKE BEAUTIFUL LIES FOR YOU

“Taray mo na ate ah. Pa-messenger-messenger ka nalang ngayon.” Asar sa akin ng impaktita kong kapatid na hindi naliligo ng dalawang linggo.

“Ganon talaga kapag magaganda at naliligo. Umaasenso ang buhay. Ikaw kasi, bat di mo i-try maligo araw-araw di ba?” Bawi ko saka inirapan siya.

“Katamad kaya. Tsaka ayaw mo nun, hindi mapapagod si nanay sa paglalaba dahil konti lang ang labahin niya.” Sabi niya saka nag-kamot ng ulo. “Uy ate, tignan mo may kuto akong nakuha! Dalawa pa sila at magka-patong. Jusko, pati ba naman sa mundo ng mga kuto uso ang mga pokpok.” Aniya sabay tiris sa nakuha niyang kuto.

“Kadiri kang impaktita ka. Mag-suyod ka nga minsan ha! Ang laki-laki mo na ang dugyot-dugyot mong tignan. Parang hindi kita kapatid.”

“Woow! Sus ate, hiyang-hiya naman ako sa waterfalls mo kapag natutulog ka. Samahan mo pa ng shining shimmering mong mga muta.” Bawi niya.

Babawian ko sana siya ulit kaso bigla ng umiksena itong nanay ko at kinuha ang phone sa kapatid ko. Hinarap niya ang mukha niya sa camera kaya kitang-kita ko tuloy ang butas ng ilong niya. Itong si Nanay talaga, rated spg na ang pinapakita sa akin.

“Hello, maganda kong nanay!” Masaya kong bati sa kaniya. Medyo hininaan ko lang dahil dahil natutulog pala yung hunghang sa loob ng kwarto.

Nandito ako ngayon sa veranda ng kwarto naming dalawa, gumaling na ako kagabi at siya naman tong pagod sa kakaalaga sa akin ay nakatulog. Hinayaan ko nalang siya doon at hindi na ginising dahil nagpapahinga pa siya.

Ang tagal niya ngang magising, gusto ko ng kainin yung fries tsaka sundae na binili niya para sa akin. Excited na akong matikman ang tunay na lasap ng sarap.

“Hello sayo panget kong anak.” Sabi ni Nanay na ikina-simangot ko.

“Wow Nay, thank you sa support. Halatang mahal na mahal mo ako e, no?” Sarkastikong sabi ko sa kaniya.

“Binibiro lang kita, anak. Kamusta ka na diyan? Bakit ngayon kalang napa-tawag ha?”

“Para namang may selpon ako, Inay.” Umirap pa ako sa ere.

“Oh ano tong gamit mo ngayon at natawagan mo kami, ha?” Tinaasan niya ako ng kilay.

“Siyempre, Nay, wala akong selpon noong una kong punta dito kaya ngayon ko lang kayo natawagan. Jusko ha, walang commonsense, Inay?”

“Naku, Michaella Gracias, wag mo akong ginaganyan ha? Nasaan na nga pala ang padala mo? Isang buwan kana diyan pero wala pa din. Aba e, kailan mo balak magpa-dala aber? Alam mo namang kailangan natin ng pambili ng maintenance ng itay mo.” Sabi nito sa akin.

May sakit kasi ang tatay ko, na-stroke siya noong nakaraang buwan dahil sa sobrang init. Nagkataon din kasing naputulan kami ng kuryente noon kaya sobrang init talaga.

Kaya din ako napunta dito sa Maynila para makapag-trabaho at makapag-padala ng pera sa mga magulang ko. Ang beauty ko nalang kasi ang inaasahan nila dahil wala namang mabuting madudulot yung kapatid ko sa lipunan dahil bukod sa hindi siya naliligo ay napaka-tamad pa.

Ako lang ang maaasahan nila kaya ako ang nagta-trabaho. Hindi din kasi pwede na si Nanay ang mag-trabaho dahil inaalagaan niya si Tatay. No choice tuloy ang lola niyo kundi pumunta ng Maynila at swerte namang nakilala ko yung hunghang na yun at nagkaroon ako ng trabaho.

Tapos sobrang laki pa ng sahod ko tapos pinatira pa ako dito sa napaka-laki nilang mansyon. Kaso, ang hirap lang dahil sa trabaho kong ito ay marami akong; kaming naloloko na tao. Isa na doon ang mommy ni Kai.

“Itong nanay ko napaka-high blood. Opo, ipapadala ko sa inyo once na maibigay na sa akin ng boss ko yung sahod ko.

Sasabihin ko nalang kay Kai na bigyan na ako ng sahod; I mean, ibigay na sa akin yung sahod ko para makapag-padala na ako sa probinsya. Isasabay ko na din yung panty at brief na napanalunan namin sa amusement park.

Ngayon palang naaawa na ako sa panty na gagamitin ng kapatid ko, doon niya maaamoy ang amoy na nabubulok na isda.

“Mabuti. Siya nga pala, anong trabaho mo diyan? Aba, baka GRO ka ah? Tandaan mo hindi ka marunong sumayaw.”

“Papasukin ko na nga dapat yun, Inay, kaso naalala kong hindi pala ako marunong kumendeng. Hehe.”

“Tsaka wala ka namang maganda katawan na ibabalandra sa mga tao, ate. Baka batuhin ka lang nila ng bote bigla sa inis sayo.” Sabi ng walang kwenta kong kapatid at humalakhak pa.

“Bhe, ikaw din hindi ka sexy, wag kang papatalo.”

“Atleast ako may jowa ikaw wala.”

Baka kapag sinabi ko ditong ikakasal na ako mabaliw siya bigla.

“Aba! May pumatol pa sayo sa lagay mong yan ah? At Nanay, bakit mo naman pinayagang mag-jowa ang maharot na to? Hindi ka ba naaawa sa boyfriend niyan?” Sabi ko.

“Hindi ko nga alam, anak, kung anong nakain ng boyfriend niya at nagustuhan siya. Siguro ginayuma niya kaya siya nagustuhan.”

“Himala yata at may nag-kagusto sayo. Hulaan ko, walang pang-amoy yung lalaki no?” Asar ko sa kapatid.

“Naku, ate, naiinggit ka lang sa akin kaya ganiyan ang mga pinagsasasabi mo.” Tinarayan pa ako ng bruha.

“Hoy Mirasol, hinding-hindi ako maiinggit sayo dahil mas maganda ako sayo no!”

“Tama na yan, kayong dalawa talaga. Shine, maghugas ka na ng plato doon.” Utos ni Nanay sa kapatid ko bago ako harapin. “At anak, papatayin ko muna to dahil kailangan na ako ng tatay mo. Mag-iingat ka diyan.”

“Kayo din, Nay. Ikamusta mo nalang ako kay Tatay. Babye!” Kumaway muna ako sa kanila bago ko i-end ang video call namin.

Masaya kong tinago ang phone sa bulsa ko saka bumalik sa loob. Tulog pa yung hunghang kaya naisipan ko nalang na bumaba muna. Parang gusto ko na mag-luto ngayon.

Pagka-baba ko, sakto namang may isang babaeng dumating. Kasunod nito si mang Oscar na mukhag pinipigilan siya sa pagpasok.

“Ma'am, bawal nga po—” Magsasalita sana si mang Oscar ng pigilan agad siya nung babae.

“Shut up.” Mataray nitong saad. “Go away, you idiot.” Pagpapalayas niya dito.

Aba, ang angas nito ah.

Lumapit ako sa kanila. Napatingin sa akin si mang Oscar na parang humihingi ito ng tawad. Nginitian ko nalang siya at sinabing ako na ang bahala dito.

Nang makaalis na siya, doon ko na hinarap ang babaeng trespassing na to. Siguraduhin niya lang na aabot siya ng 1% ng kamalditahan ko. Mukha kasi siyang mataray pero mas mataray ako.

“Who are you? And where's Kai?” Tanong nito sa akin saka tinignan ako mula ulo hanggang paa. Nakataas pa ang drawing na kanang kilay niya.

“Ako lang naman ang fiance ng lalaking hinahanap mo. Ikaw? Sino ka ba at anong ginagawa mo dito?” Siyempre mga bhe, hindi ako nagpatalo, tinaasan ko din siya ng kilay.

“You're the fiance? I can't believe that Kai doesn't have a taste on womens now.” Umirap pa siya. “My name is Eva, I'm his girlfriend.”

Beautiful Lie ll Huening Kai ✔️Where stories live. Discover now