O

174 15 2
                                    

Chapter 20
I MAKE BEAUTIFUL LIES FOR YOU

Araw ng linggo ngayon. Hindi ko alam kung bakit ang ganda-ganda ng gising ko. Alam niyo ba yung tipong, sakto yung tulog mo, walang bad vibes na lumalapit sayo, yung chill lang. Yung tama lang ang lahat.

Kaya pagbaba ko sa sala, napansin agad nila Nanay na ang ganda daw ng gising ko.

“Ang ganda yata ng gising natin ngayon, anak ah.” Sabi niya sa akin habang hinahanda ang hapag para makapag-almusal kami.

“Hindi papatalo yung gumising, nay. Mas maganda yon.” Biro ko saka hinalikan silang dalawa ni tatay sa piangi. “Magandang umaga ho.”

“Magandang umaga din, anak.” Ngiting sabi sa akin ni Tatay.

“Walang maganda sa umaga kung mukha mo ang makikita ko.” Sabat ng atrabida kong kapatid.

Mataray ko siyang tinaasan ng kilay tsaka nilagay ang likod ng palad ko sa baba ko. “Hoy Shine Mira o Mirasol, alam mo ba kung gaano kadaming lalaki ang nabaliw sa mukhang to? Alam mo ba kung ilang sila na gustong makita ang mukha ko para gumanda ang mga umaga nila?”

“Sa sobrang dami nila wala kang matandaan ni isa no?” Sabi nito sa akin.

Napapalakpak naman ako saka ngumiti sa kaniya. “Ang talino mo talaga, sis. Good morning sayo.”

“Good morning din, ate.”

“Kailangan ba talaga na mag-asaran na muna kayong dalawa bago mag-batian?” Sabi ni Nanay.

“Yes, Nay. Dahil kapag hindi nangyari yon, guguho ang mundo.” Sagot ko saka tumabi na sa kapatid ko.

Ewan ko ba. Hindi yata nabubuo yung araw naming dalawa kapag hindi naaasar ang isa't-isa. Parang ang boring ng mundo kapag hindi kami nag-aaway. Alam niyo yun? Kapag sanay ka na talaga parang nagiging natural nalang.

Nag-dasal muna kaming lahat bago sumadok ng kanin at ulam bago kumain.

“Mag-sisimba po ba tayo ngayon?” Tanong ni Shine bigla.

Tumango si Nanay. “Oo, anak. Bakit? May lakad ka?”

Agad na umiling si Shine. “Ah, wala po. Natanong ko lang dahil hindi tayo nakapag-simba nakaraan.”

Hindi kami nakapag-simba nakaraan dahil biglang sumama ang pakiramdam ni Nanay. Marahil ay sa sobrang pagod at matanda na kasi ang lola niyo kaya normal ng maramdaman niya yun.

Hindi naman namin siya pwedeng iwanan dahil busy din si Tatay sa babuyan niya. Kaya no choice kami, naiwan kami sa bahay lara alagaan si Nanay at hindi muna nakapag-simba.

Kakaloka di ba?

“Ikaw, Shine? Kamusta kayo ng boyfriend mo?” Pag-iiba ng topic ni Nanay.

“Ayos lang naman po. Ito, getting stronger.” Masayang sabi ni Shine.

Sanaol getting stronger.

“Sus, getting stronger ka pa diyan e, magbe-break din naman kayo non. Hihiwalayan ka din non kapag nakahanap na siya ng mas mabango sayo.” Biro ko na ikinatawa ng mga magulang ko.

“Naku, ate. Inggit ka lang dahil, ako, kahit mabaho ako, may jowa ako. Ikaw, maganda ka nga at mabango, wala namang jowa. Di ka naman lab ng lab mo— asdfghj!” Di na niya naituloy ang dapat na sasabihin niya ng pasakan ko ng isang buong hotdog ang bibig niya.

“Tumigil ka na, nanri-realtalk ka ng bwiset ka e.” Sabi ko sa kaniya saka sumubo ng kanin.

Pagkatapos naming kumain, nag-gayak na kami para makapunta agad kaming simbahan. Nakasuot lang ako ng simpleng dress; off shoulder dress. Kulay puti yon at pinartneran ko lang ng doll shoes at konting kolorete sa mukha.

Sinuot yung kwintas na binigay sa akin ni Nanay noong birthday ko nakaraang taon saka nag-wisik ng pabango at rampa na! Laban na to mga bes.

Pagbaba ko sa sala, ako nalang pala ang hinihintay kaya ayun imbis na si Nanay ang tumalak sa akin, yung kapatid ko pala talaga yung nagagalit. Jusko, wag niyo sana akong parurusahan kapag nilagari ko ang dila nitong kapatid ko.

Pagpasok namin ng simbahan, sakto at nakita ko si Dominic doon kasama ang buong pamilya niya. Mukhang nag-sisimba sila; malamang, kaya nga masa simbahan di ba? Hay naku, Sun, maganda ka nga obob naman.

Kinalabit ko siya saka kinamusta. Dalawang araw ding hindi nagtagpo ang landas naming dalawa ng lalaking ito.

“Kamusta?” Tanong ko sa kaniya.

“Okay lang naman, nakita na kita e.” Biro niya na ikinaharot ko.

“Enebe! Weg keng genye! Nasa simbahan tayo, Dominic. Mamaya mo na ako landiin kapag nasa labas na tayo.” Sabi ko. Binatukan naman ako ng kapatid ko dahil sa kaharutan ko. Nagsisimula na daw kasi yung misa at ito ako, lumalandi.

Nanahimik na kaming dalawa ni Dominic at nakinig na sa lesson na tinuturo ni Father. Pinagalitan pa nga ni Nanay si Shine dahil gumagamit ng cellphone sa loob ng simbahan, chinachat daw kasi ang boyfriend uWu.

Sanaol may boyfriend.

Jok lang!

Dumating na yung part ng misa kung saan maghahawak kamay na yung mga tao. Umalis si Dominic non dahil naiihi daw siya, sayang naman, hindi ko tuloy mahahawakan ang kamay niya.

Chour lang. Jusko naman, Sun, sa kaka-sanaol mo yan e. Pati kaibigan nilalandi ang potek.

May biglang tumabing lalaki sa akin. At mga dai, ang tangkad tapos ang bango pa. Napatingin ako sa mukha ni kuya kaso sayang dahil may mask siya, hindi ko din makita yung mukha dahil ang haba ng buhok.

Awww! Oh men! *insert swiper's voice*

Kumanta na yung choir at naghawak kamay na mga kami. Nang magdampi ang kamay namin ng estrangherong lalaking to, hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng libo-libong boltahe sa katawan ko. Nagulat ako ng pagsiklupin niya ang kamay naming dalawa, magpo-protesta sana ako kaso parang walang lumalabas sa bibig ko at hindi din kumikilos ang katawan ko para gumawa ng aksyon.

Bumilis din bigla ang tibok ng puso ko. Ang mga gamu-gamo— este, paru-paro para ay nagmistulang nakawala sa isang hawla kung magwala.

Hindi ko maintindihan. Kay Kai ko lang naman nararamdaman ang ganitong sensasyon pero bakit pati sa lalaking to? Sino ba ang lalaking to?

Juskomiyo, mukhang may natamaan na sa kaka-parinig ko ng sanaol ah.

Pero seryoso. Nagtataka ako. Nagtataka din ako sa sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman.

Hanggang sa natapos na yung kanta ay nagtataka ako. Nakaramdam ako ng lungkot ng bitawan nung lalaki yung kamay ko at nung umalis siya dahil biglang bumalik si Dom sa upuan niya.

“Sorry, natagalan.” Pag-hingi niya ng pasensya. Ngumiti nalang ako para sabihing ayos lang saka sinundan yung tingin yung lalaki.

Nakita ko siya malapit sa pinto at lalong lumakas ang kabog ng puso ko ng magtama ang tingin naming dalawa. At halos sumabog ang nararamdaman kong emosyon ngayon ng tanggalin niya ang suot niyang mask at ngumiti sa akin.

Totoo ba to? Hindi ba to isang ilusyon lang?

Si Kai ba talaga to?

Beautiful Lie ll Huening Kai ✔️حيث تعيش القصص. اكتشف الآن