Y

184 14 12
                                    

Chapter 22
I MAKE BEAUTIFUL LIES FOR YOU

“Ate, ang gwapo ha.” Bulong ng malandi kong kapatid sa akin habang nakatingin kay Kai.

“Hoy, manamihimik ka ha. Akin yon.” Sabi ko saka sinamaan siya ng tingin.

Muli kong ibinalik ang tingin kay Kai na kausap si Tatay ngayon. Pagkatapos ng pangyayari sa amin kahapon sa kwarto; at gusto ko lang sabihin sa inyo, sad to say, walang nagyaring jugjugan.

Ayaw pa ni Kai na gawin naming dalawa yon hangga't hindi pa kami nakasal. Natuwa naman ako dahil alam kong nag-mahal ako ng isang lalaki na may respeto sa babae. Nakakatuwa dahil hindi ako nag-kamaling mahalin siya.

Para makaalis siya ng bahay kahapon, dumaan siya sa bintana kung saan din siya pumasok. At bumalik siya ngayon dahil gusto niya daw kunin ang kamay ko mula kay Tatay. Hindi ko alam kung bilag girlfriend o asawa na pero sana asawa na. Tsaka, girlfriend niya naman na ako di ba? Nagka-aminan na nga kami kahapon at may nangyari na ding tukaan sa pagitan naming dalawa.

Haay. Ang sarap sa feeling na gusto ka din ng taong gusto mo. Yung tipong mahal niyo ang isa't-isa. Akalain niyo yun, yung dating kasinungalingan lang malapit ng magkatotoo.

Ayan tuloy, napapa-sanaol yung author.

Habang nakatitig kay Kai, ngayon ko lang na-appreciate ang kapogia niya. Dati kasi parang wala lang sakin yung itsura niya pero ngayon, na-realize ko na ang gwapo pala ng boyfriend ko. Shete, ang sarap sa tenga. Ang sarap sabihin na boyfriend ko na siya. Myghad, ang gwapo ng boyfriend ko.

Kaya sa mga future anak ko, wag kayong mag-alala dahil gwapo ang tatay niyo. Bonus pa dahil pang-beauty queen ang level ng kagandahan ng nanay niyo.

“As if naman na aagawin ko siya sayo, ate. At as if din na magpapa-agaw siya. Yung mga tinginan niya palang sayo halata ng mahal na mahal ka niya e.” Sabi niya.

“Siyempre, kamahal-mahal naman talaga ang kagandahan ko e.” Sabi ko. Bigla niya akong binatukan. “Aray ko naman! Bakit ka ba namamatok?!”

“Wala lang. Gusto ko lang alugin yang utak mo.”

“Ikaw, wala ka talagang ka-support-support e, no? Wala kang kwentang kapatid ah!”

“Kapal mo!”

“Inggit ka lang siguro dahil nandito yung boyfriend ko at yung sayo wala.” Pagmamayabang ko.

Napataas ang kanang kilay niya dahil sa sinabi ko. “Aba, ang yabang mo na porket may boyfriend ka na ah.”

“Ganon talaga kapag magaganda.”

“Naku, ate, tigil-tigilan mo nga ako sa kaka-ganyan mo dahil umiinit ang ulo ko ah.”

“ANONG pinag-usapan niyo ni Tatay?” Tanong ko sa kaniya nang kaming dalawa nalang ang magka-sama.

Nakaupo kami ngayon sa isang malaking puno dito sa medyo mataas na bahagi ng lupa namin. Dinala ko siya dito para makapag-usap kaming dalawa at siyempre, pasolo ang isa't-isa.

Niyakap ko siya sa bewang at ipinatong ang ulo ko sa dibdib niya. Rinig na rinig ko ang malakas na pagtibok ng puso niya kagaya sa akin. Tapos amoy na amoy ko din ang mabango niyang amoy na nakaka-adik.

Ang sarap ng pakiramdam na ganito. Kayakap mo yung taong mahal mo.

Nilagay niya naman sa balikat ko ang kamay niya at hinimas-himas yon.

“Wala naman. Sinabi niya lang sa akin na papatayin niya daw ako kapag pinaiyak kita.” Gulat akong napatingin sa kaniya ng sabihin niya yon.

Naloka ako bigla mga, te.

“Sinabi ni yon sayo?” Di makapaniwalang tanong ko.

Tumango siya. “Hindi naman ako natakot. Natuwa pa nga ako dahil pino-protektahan ka ng tatay mo.”

“Pag-pasensyahan mo na yun. Ganon lang talaga siya. Anyway, anong nangyari kay Eva nang malaman mong hindi mo anak yung nasa sinapupunan niya?” Tanong ko.

Luka-lukang Eva yon. Humanda yun sa akin kapag nanganak na siya. Napaka-walang modo, pati anak ginagamit para lang makapan-loko at makakuha ng pera.

“Of course, I got mad, at first. Pero nung malaman ko na tinakwil siya ng mga magulang niya dahil sa pagbubuntis niya ng maaga, pinatawad ko na din siya. Nagawa niya lang daw yun dahil walang susuporta sa kaniya at hindi niya pa daw alam non na si Nio ang ama ng batang dinadala niya. Hindi ko alam kung anong gustong mangyari ng tadhana at kung bakit ginawa niya pang mangyari yun sa atin.”

“Oo nga e, ang laks ng amats.” Natatawang sabi ko. “Ano ding nangyari kay Nio nang malaman niyang may anak na siya?” Nang itanong ko yun, bigla siyang humalakhak.

“Hindi ka maniniwala. Hahahaha! Nang malaman niyang magiging ama na siya at si Eva pa ang ina, parang gusto niya nalang daw magpati-wakal, sinabi niya yon ng magising siya dahil nahimatay siya bigla.” Halos hindi na siya makahinga sa sobrang tawa niya. May nalaman pang pahawak ng tiyan ang hunghang.

“Alam mo, alam ko na kung bakit nangyari sayo yun at sa kaibigan mo.”

“Oh bakit? Sige nga.”

“Kasi mga manloloko kayo. Ginagamit niyo noon yung mga babae para pasiyahin yung sarili. Mga pakboy akala mo naman ka-gwapuhan. Ayan tuloy, pinarusahan kayo.” Sabi ko saka inungusan siya.

“Wow, kung hindi ako gwapo bakit mahal mo ako?”

“Aba, hoy! Minahal kita noong panget na panget pa ako sayo no! Kaya wag mong sabihin na sa itsura ako bumabase. Hunghang ka talagang depungal ka.”

“Hunghang na nga, depungal pa. Grabe, ramdam na ramdam ko talaga ang pagmamahal mo sa akin.” Sarkastiko niyang sabi sa akin.

Natawa nalang ako saka niyakap siya ulit. Ang sarap-sarap niyang yakapin. Ha! Mainggit kayo!

“Nga pala, kamusta na si Tita? Maayos na ba kayo?” Tanong ko.

Nakita ko ang pagdaan ng kalungkutan sa mga mata niya pero agad yong nawala. Parang ayaw niyang makita ko siyang makungkot.

“Simula noong dumating si Eva sa buhay ko at nung umalis ka, masiyadong maraming hindi maganda na pangyayari ang nangyari sa buhay ko.” Dumako ang tingin niya sa malawak na lupain. “Una, noong nawalan ng tiwala ang Mommy ko sa akin. Ni hindi niya ako pinapansin kapag nagkaka-salubong kaming dalawa. Madalang nalang din kami kung kumain ng magkasama. Pangalawa, hindi ko magawang mahawakan ang kumpanya dahil wala pa akong lakas. Hindi pa kasi kita nababalik sa buhay ko.”

Habang sinasabi niya ang mga yon, ramdam na ramdam ko na nalulungkot siya. Na-imagine ko siya bigla noong naghihirap siya, kung mababalik lang ang oras, gusto ko siyang yakapin ng mahigpit.

“And lastly, habang buhay kong pag-sisihan na ng dahil sa akin... namatay si Lolo.”

Beautiful Lie ll Huening Kai ✔️Where stories live. Discover now