L

165 17 3
                                    

Chapter 14
I MAKE BEAUTIFUL LIES FOR YOU

Sinubukan kong habulin si Sun kaso nasaraduhan niya na agad ako ng pinto. Tinry kong buksan yon kaso naka-lock na.

Ano bang sinasabi niya? Mag-ina ko? May mag-ina na ako? Kelan pa ako naging tatay? At ano tong sinasabi niya na tapos na ang kontrata? Sh*t. Hindi pwede.

“Sun! Sun! Buksan mo to! Sabihin mo sa akin kung anong problema. Di ba maayos na tayo kagabi? Mag-aaway na naman ba tayo?”

Nang sabihin niya ang mga salitang yon, otomatikong bumilis ang kabog ng puso ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Parang panandaliang huminto ang mundo ko ng sabihin niya yon kaya bahagya akong natulala saglit. Yun din ang naging dahilan kaya hindi ko siya nahabol agad.

Si Eva. Nakita ko si Eva kanina. Malamang may kinalaman siya dito.

Agad akong bumaba para alamin kung bakit, bakit nasabi ni Sun sa akin ang mga bagay na yon. Pagkababa ko, sumalubong sa akin si Mommy na umiiyak. Nang makita niya ako, agad niya akong sinalubong ng sampal.

“I'm so dissapointed at you, Kai. I didn't raised you like this. Nagkulang ba ako? Ha? Anak?” Tanong nito sa akin habag umiiyak kaya parang pinupunit ang puso ko habang nakatingin sa kaniya.

“M-Mom, what do you mean? Hindi ko maintindihan.” Litong tanong ko.

“She's Eva,” Turo niya kay Eva. “at dinadala niya sa sinapupunan niya ang anak niyong dalawa.” Aniya na ikinalaglag ng panga ko.

Para akong nabingi nang sabihin niya yon pero pinilit ko ang sarili ko na umayos.

“W-Wh-What? Buntis siya at ako ang ama?” Hindi makapaniwalang tanong ko.

“Kinunsinte ko ang pagiging babaero mo dati dahil alam kong responsable ka at alam mo ang mga limitasyon mo pero parang nag-kamali ako. Parang hindi kita pinalaki na mabuting tao. Sinaktan mo si Sun, ginawa mo siyang kabit. I can't believe you.” Pinunasan ni Mommy ang luha niya saka sinabi sa akin ang mga salitang nagpatigil sa pag-ikot ng mundo ko. “Hindi na matutuloy ang kasal ninyo ni Sun dahil si Eva na ang papakasalan mo. Kailangan mong panagutan to.”

“What?! No! Hindi ako papayag, Mom! Ayoko!” Sigaw ko bilang pagtutol.

“At hindi din ako papayag na lalaki ang apo ko na walang ama! This is your punishment for being a irresponsible man. Ginawa mo to, kaya dapat panagutan mo.” Yun ang huling sinabi niya bago ako iwanan na nakatulala sa hagdanan.

Napasabunot nalang ako ng buhok dahil sa frustration na nararamdaman ko. Knowing na si Eva na ang papakasalan ko at hindi na si Sun ay parang binibiyak na ang buong pagkatao ko at magkakaroon na din kami ng anak.

Paano nangyari to? Please, someone tell me that this is just a dream. That this is just a nightmare.

I'm not ready to be a father at ayoko ding maging ama lalo na kung si Eva ang ina. Ayoko siyang pakasalan, gusto ko pa din si Sun.

Oo, alam kong peke lang naman ang magiging kasal na mangyayari sa aming dalawa pero kahit ganon, siya pa din ang babaeng gusto kong pakasalan at hindi itong babaeng to na bigla na lang susulpot at sisirain ang buhay ko.

Hinarap ko si Eva na nakatayo lang ngayon sa harap ko. Nilapitan ko siya saka hinawakan ng mahigpit sa balikat. Gusto ko siyang saktan. Naghahalo-halo na ang emosyon sa buong pagkatao ko. Galit ako, naiinis, naiirita, nalulungkot. Para akong nababaliw sa mga nangyayari.

“Sabihin mo, sabihin mo na nag-sisinungaling ka lang. Hindi kita nabuntis. Naaalala ko pa na gumamit ako ng proteksyon noong gabing yon kaya imposibleng mabuntis kita, Eva. Tell me the truth before I cut your throat.” Pananakot ko sa kaniya na siyang ikina-putla niya.

“I-I'm telling the truth, trust me. Ikaw lang ang huling lalaki na nakasama ko sa kama kaya imposibleng mabuntis pa ako sa iba.” Sabi niya sa akin na may bahid ng takot ang boses.

“I'm not believing you. Kailangan kong mapatunayan na hindi ko anak yang dinadala mo, kahit magpa-imbestiga pa ako. Gagawin ko ang lahat wag lang maikasal sayo.” Sabi ko saka tinalikuran siya.

Mabilis akong umakyat pataas ng kwarto. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero hindi ko na siya nilingon. Kailangan kong makausap si Sun, kailangan ko siyang pigilan na tapusin ang kontrata naming dalawa.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, kung bakit ako nababaliw ng ganito knowing na hindi na matutuloy ang pekeng kasal namin ni Sun. Parang unti-unting nasisira ang pagkatao ko.

Bakit ganito? Bakit kung kailan nagiging maayos na ang lahat ay may biglang isang darating na unos para sirain ang lahat ng basta-basta.

Ng dahil kay Eva, hindi na matutuloy ang kasal namin ni Sun. Nang dahil sa babaeng yun ay na-dissapoint ko si Mommy na ayokong nangyayari. Nasaktan ko ang damdamin ng dalawang babae sa buhay ko dahil sa katarantaduhan ko noon.

Nakakainis. Hindi ako makapaniwala na nangyayari to. Para akong nasa isang bangungot at hindi ako magising-gising.

Parang kagabi, masaya pa kaming nag-uusap ni Sun at ngayon, bigla nalang sumulpot ang problema na to.

Sa sobrang desperado ko na makausap si Sun, hindi na ako kumatok sa pinto at kinuha nalang basta ang spare key sa bulsa ko at binuksan yon. Pipihitin ko na sana ang door knob nang maunahan na ako ni Sun.

Naghina ako bigla ng makita ang mga mata niyang namumula at namamaga. Halatang galing lang siya sa pag-iyak.

“Ahm, Kai, pwede ko na bang kunin yung sahod ko? Kasi... kasi ano, kailangan ko na ding magpa-dala sa probinsya tapos uuwi na din ako doon.” Sabi niya nang hindi man lang ako tinitignan.

Nakayuko lang siya habang nag-sasalita. Parang iwas na iwas siya na tignan ako.

“Sun, hintayin natin yung resulta ng imbestigasyon na ipapagawa ko para malaman kung anak ko ba talaga yung dina—” Hindi pa ako tapos magsalita ng mag-angat na siya ng tingin at mag-salita.

“Hindi na kailangan. Mukhang nagsasabi namang ng totoo si Eva, tanggapin mo nalang na isa ka ng ama.” Ngumiti siya sa akin bigla. “Masaya ako para sayo, Kai, pero hindi din ako natutuwa dahil sa pagiging iresponsable mo. Medyo nasaktan lang din ako sa mga nalaman ko pero ayos na yon, hindi dapat ako masiyadong maging apektado dahil wala namang namamagitan sa ating dalawa.”

“Sun...”

“Peke lang ang lahat ng ito. Isang purong kasinungalingan lang ang meron tayo at dito na yon nagtatapos.” Biglang tumulo ang luha sa mata niya na agad niya ding pinunasan. “Pero ayos na din to, atleast hindi na natin kailangang umamin sa kanila di ba? Edi napadali pa ang trabaho natin. Haha.” Tumawa pa siya na halata namang peke.

“Sun, please—” Sinubukan kong hawakan siya pero umiwas siya.

“Naging masaya ako sa loob ng isang buwan na nagpapanggap tayo. Salamat dahil pinatira mo ako dito sa mansyon niyo at binilhan mo pa ako ng mga mamahaling damit. Balak ko sanang ibalik sayo kaso naisip ko na wag nalang, binigay mo na sa akin kaya wala ng bawian.”

Paano niya nagagawang magbiro ng ganiyan sa ganitong sitwasyon? Paano niya nagagawang mag-panggap na masaya kahit kabaliktaran naman ang pinapakita ng mga mata niya?

“Sun, please...”

“Pakisabi nalang kay tita na salamat dahil tinuring niya akong anak. Sabihin mo sorry dahil hindi ako nagpaalam sa kaniya na ngayon ang alis ko. Tsaka na din kay Lolo, sabihin mo na inumin ang mga gamot niya, sabihin mo sabi ko. At ikaw, alagaan mo ang magiging mag-ina mo, huwag mong uulitin ang pagkakamaling ginawa ng daddy mo sa inyo. Magpaka-lalaki ka ha? Hunghang ka pa naman. O siya, ipadala mo nalang sa smart padala yung sahod ko dahil aalis na ako ngayon, ikaw na ang bahala kung magkano since wala tayong napag-usapan. Mag-iingat ka lagi.” Sabi niya at hinawakan bigla ako sa balikat. Doon ko na naman naramdaman ang kakaibang kuryente kapag hinahawakan niya ako.

“Goodbye, love. Mamimiss kita.” Sabi niya bago ako tuluyang iwan.

Naramdaman ko ang pag-agos ng luha pababa sa pisngi ko bago ko ituloy ang salita na kanina ko pa gustong sabihin sa kaniya. “Stay.”

Beautiful Lie ll Huening Kai ✔️Where stories live. Discover now