O

161 14 5
                                    

Chapter 23
I MAKE BEAUTIFUL LIES FOR YOU

“Hoy, sigurado ka ba na hindi galit sa akin si tita? Hindi ba siya nagtatampo sa akin dahil hindi ako nakapag-paalam sa kaniya noon? O kaya, nagtampo?” Nag-aalalang tanong ko sa kaniya ng sabihin niyang malapit na kami sa mansyon nila.

Natatakot kasi ako at kinakabahan. Baka kasi galit sa akin si tita o may sama ng loob. Grabe pa naman yun kung magalit, nakita ko na siya noong magalit siya kay Eva. At mga siz, nakakatakot talaga siya.

Maloloka kayo ng bongga.

Nandito kami ngayon sa loob ng kotse niya at tinatahak ang daan papuntang mansyon nila. Pagkatapos ng isang linggo niyang pags-stay sa amin, napag-desisyunan niya din sa wakas na umuwi na.

Sinama pa talaga ako ng loko. Mabuti na nga lang at pumayag ang mga magulang ko, suportado pa nga ako sa kalandian ko e. Oh di ba? Mapapa-sanaol nalang kayo.

Astig ang parents ko. Dzuh.

Natatawa naman niyang kinuha ang kamay ko saka pinag-siklop ang kamay naming dalawa. Ito ang hilig niyang gawin kapag mag-kasama kami. Lagi, gustong-gusto niyang hawak lang ang kamay ko, natatakot siya na kapag binitawan niya ay baka mawala na naman ako sa kaniya.

Edi siyempre kinilig ang mga lamang loob ko sa sinabi niya. Dai! Ang swerte-swerte ko sa boyfriend ko! Bleh!

“Why would she? Masiyado ka niyang gusto para magalit sayo. Mas anak pa nga ang turing niya sayo kaysa sa akin e.” Ngumuso pa siya at umarteng nagtatampo. “Siguradong matutuwa yon kapag nakita niyang kasama na kita. I can't wait to see her reaction.”

“Mukha ka pang excited diyan samantalang ako dito kinakabahan.”

“Nasaan na ang lapastangang Sun na kilala ko na sobrang kapal ng mukha? Himala yata at nakaramdam ka ng hiya ngayon? For the first time in forever.” Pang-aasar niya sa akin.

“Bwiset ka talagang hunghang ka.” Sabi ko saka inungusan siya.

“Mas bwiset ka, wag kang papatalo.”

“Akin na nga yung kamay ko!” Sabi ko saka pilit na inaalis yung kamay ko na nakahawak sa kaniya. Mas hinigpitan niya pa yung paghawak doon kaya hindi ko magawang makuha.

“Wag ka ngang malikot. Kapag tayo nabangga, sige ka, mamamatay kang virgin.” Pananakot niya.

Agad akong nanahimik saka ngumuso nalang sa isang sulok. Ayoko ngang mamatay ng virgin. Gusto ko pang matikman ang hotdog niya no, ano kayang lasa non? Hmm...

Nae-excite ako pero sayang dahil matagal-tagal pa naming gagawin yon. Napabuntong-hininga nalang ako saka malungkot na tumingin sa labas ng bintana.

Sadlayp mga bes.

Wala ng nag-salita sa aming dalawa. Naka-focus lang ako sa labas ng bintana habang siya naman ay sa daan.

Sa buong isang linggo naming mag-kasamang dalawa, wala kaming ginawa kundi bwisitin at mahalin ang isa't-isa, hehe kenekeleg ake! Nakakainis lang minsan dahil kapag sa oras ng asaran, magkakampihan talaga sila ng kapatid ko para lang inisin ako.

Kaya minsan parang ang sarap manakit e. Char lang.

At ang loko, may inamin sa akin. Siya daw talaga yung unknown number na nag-tetext sa akin. Sinasabi ko na nga ba e, tama ako. Talino ko talaga. Kinwento niya pa nga sa akin nung panahon na hinanap ko siya sa paligid at nagsisisigaw pa ako. Noong una ay gusto kong magalit sa kaniya dahil siyempre, nakakatakot at creepy yung ginawa niya pero noong marinig ko ang dahilan niya, otomatikong natunaw ang galit sa puso ko.

So guys, hindi lahat ng marurupok Zeinab ang pangalan, minsan, Sun din.

Nagpapa-salamat din ako dahil sa loob ng isang linggo na yon, walang nangyaring hindi maganda. Naging masaya kaming mag-kakasama lalo na kapag pinapasyal kami ni Kai sa ibang lugar, sa beach, sa mga park at sa iba pang tourist attraction na lugar malapit dito sa amin.

Mas lalo siyang napalapit sa mga magulang ko, kung nababasa ko lang ang isip ng mga magulang ko, malamang sinasabi nila na sana si Kai nalang ang naging anak nila.

Jok lang.

Hinding-hindi ipagpapalit ng mga magulang ko ang ganito kagandang mukha no. Ang ganda-ganda ko kaya, tapos matalino pa, tapos mabait pa, tapos—

“Aray ko naman!” Reklamo ko nang mauntog ang ulo ko sa bintana dahil sa biglaang pag-preno ng bobong driver ng sasakyan na to.

Ano, bastusan?! Pinupuri ko pa kaya yung sarili ko! Bwiset to.

“Sorry, biglang huminto yung sasakyan sa harapan ko e.” Paghingi ng paumanhin ni Kai.

Inirapan ko siya saka nagsalita. “Ayus-ayusin mo next time ah? Ayoko ng ganiyan.”

“Gusto ka ba?”

“Gusto mo, mag-break tayong dalawa?” Pananakot ko sa kaniya habang nakataas ang kanang kilay.

“Kiss nalang kita.” Pang-uuto niya sa akin na agad kong pinayagan.

Siyempre! Kiss na yon, tatanggi pa ba ako?

“Ang rupok mo talagang lapastangan ka.”

“SUN?! Oh my gosh! Is that really you?!” Sigaw ni tita ng makita ang pinaka-magandang babae na nakita niya sa balat ng tinalupan.

“Ay, hindi po tita, picture ko lang po ito.”

Natawa naman siya dahil doon kaya ang ending, tumatawa siya habang naglalakad sa akin. Nang mapunta siya sa harapan ko, hinawakan niya muna ako sa pisngi saka tinitigan ng mabuti na parang sinisigurado niya pang totoo nga ako.

Bigla ko tuloy naalala noong ginawa ko kay Kai yun.

Niyakap niya ako bigla na ikinagulat ko. May pagka-wild din pala tong si tita, ngayon alam ko na kung saan nagmana tong si Kai.

“Aww, I miss you, Sun.” Sabi niya sa akin gamit ang malambing na boses.

Agad na napawi ang kabang nararamdaman ko ng sabihin niya yon. Mukhang tama nga ang sinabi ni Kai sa akin, hindi kayang magalit sa akin ni tita dahil masiyado niya akong lab. Hihi.

“Ehem!” Biglang umubo si Kai kaya nabaling ang atensyon naming dalwa sa kaniya.

Nagulat ako ng biglang tumulo ang luha ni tita sa mga mata saka tumakbo papunta sa anak niya at niyakap ito. Ang sarap nilang pagmasdan na magka-yakap, ramdam na ramdam ko kung gaano nila na-miss ang isa't-isa.

“I'm sorry for ignoring you, baby. I miss you so much.”

“I'm sorry for everything, Mom. I promise, babawi ako.” Sabi ni Kai saka tumingin sa akin at maluwang na ngumiti. Wala akong ginawa kundi ngitian siya pabalik.

Pagkatapos naming mag-kamustahan, ang sunod naming ginawa ay binisita ang lolo ni Kai. Nalungkot ako dahil noong mga panahon na naghihingalo si Lolo at malungkot si Kai ay wala ako para makiramay. Nasasayangan talaga ako sa mga panahong umalis ako. Pisti kasing Eva to e, panira.

Pagkatapos naming pumunta sa sementeryo, nagpunta kami ulit sa amusement park na pinuntahan namin noon. Ang saya, promise. Parang biglang bumalik kami sa panahon noon. Sana nga lang ay ang magagandang pangyayari lang ang bumalik.

So guys, ayun na nga, road to happily ever after na kami nitong hunghang na to.

Beautiful Lie ll Huening Kai ✔️Where stories live. Discover now