Prologue

546 22 10
                                    

Prologue
I MAKE BEAUTIFUL LIES FOR YOU

“Kailangan mo ng makahanap ng babaeng ipapakilala mo sa Lolo mo dahil hindi mo matatanggap ang mana mo hangga't hindi ka pa nagpapa-kasal.” Sabi sa akin ng nanay ko habang nakapang-dekwatro sa harap ko.

Nandito kami ngayon sa loob ng library dahil pinatawag niya ako. Kailangan daw naming mag-usap tungkol sa isang bagay at tungkol yun sa pagkakaroon ko na naman ng matinong ka-relasyon.

May taning na ang buhay ng lolo ko dahil sa isang malalang sakit na wala ng gamot at sa akin lahat mapupunta ang lahat ng mana niya since wala na si Daddy, sumakabilang bahay na sa Australia. Wala ding tiwala si Lolo kay Mommy dahil simula pa lang ay ayaw niya na dito.

At ako lang naman ang nag-iisang apo niya kaya wala akong choice, I am the only heir of this family and I will be the one who would be the responsible for taking care of his wealth. Fu*kingsh*t.

Rumolyo ang mga mata ko sa pagkaurat. Ito na naman kami sa usapan na ito, bakit kasi kailangan ko pang magkaroon ng asawa bago matanggap ang mana. Wala naman talaga akong paki sa mana-mana na yan kaso yan ang gusto ni Mommy. Hindi ko siya kayang tanggihan sa mga gusto niya lalo na't ako nalang ang inaasahan niya ngayon. I have no choice but to accept it. Gusto ko lagi siyang masaya.

Ayokong magkaroon ng asawa, ni-girlfriend nga wala ako, asawa pa kaya? That thing was too much impossible for me to happen, but since my mom want it, I will make it possible.

“Mamaya, ipapakilala ko sa kaniya ang girlfriend ko.” Sabi ko kahit wala naman talaga akong girlfriend. Fling lang ang meron ako.

“Siguraduhin mo lang na matinong babae ang ipapakilala mo sa Lolo mo. You know him, alam niya na agad kung anong klaseng tao ang isang tao base sa itsura.” Paalala niya saka tumayo. “I need to go now, bubuksan ko pa yung café.” Paalam niya saka hinalikan ako sa pisngi.

“Bye, take care, Mom.” Sabi ko. Ngumiti siya sa akin bago tuluyang umalis.

Napahilot naman ako ng sintido saka bumuntong hininga. Sino naman kaya ang ipapakilala ko kay Lolo? Si Jessy? Si Michaella? Si Cherry? Si Eva?

Nagulo ko nalang ang buhok ko sa inis.

“Arrggghh! I hate this.” Naibulong ko.

Wala akong maipapakilala sa kaniya kasi wala namang mukhag matino sa kanilang lahat. Unang tingin pa lang sa kanila malalaman agad ni Lolo na gold diggers sila.

Tumayo ako saka dumiretso palabas ng silid na yon. Kailangan kong makahanap ng babaeng mukhang matino, yung babaeng papayag na maging... argh... maging asawa ko...

For the mean time.

HINDI ko alam kung bakit nasa isang restaurant ako ngayon. Bigla nalang akong hinatak ng mga paa ko papasok dito, ngayon, natagpuan ko nalang ang sarili ko na hinihintay ang inorder kong pagkain. This is what you called Tawag ng pagkain.

Silly tummy.

Hanggang sa dumating ang order ko ay nagse-cellphone lang ako at tumitingin ng babaeng pwedeng asawahin sa instagram. Kaso wala. Pusanggala naman.

Natapos na ako sa pagkain at lahat-lahat ay wala pa din. Naiinis na ako dahil wala akong mahanap sa facebook o instagram ng babeng mukhang matino. Bakit ba kasi ang hilig ko sa mga babaeng mukhang tipaklong?

Binayaran ko na ang bill ko saka lumabas na ng resto. Patuloy lang ako sa pagbabaka-sakali na makahanap ng babae.

“Ay, tae ka!” Nabitawan ko ang hawak kong phone nang may makabanggan ako.

Nalaglag ang mga gamit nito sa sahig. Babae ito na nakasuot ng lumang pantalon at kulay pink na damit na kupas na ang kulay. Ang buhok niya ay nagkanda-gulo-gulo na dahil sa suot niyang maraming hair clip.

Inis kong kinuha ang phone ko na nalaglag, chineck ko kung may basag ba yon o wala. Ganon nalang ang galit ko ng makitang basag na basag yon. Malamang mababasag yon dahil masiyasong malakas ang pagka-bagsak.

Inis kong hinarap ang babae na ngayon ay nakatayo na.

“Miss, sa susunod kung ayaw mong makasira ng ibang gamit tumingin ka sa dinadaanan mo.” Sabi ko habang pilit na pinapakalma amg boses ko. “Alam mo ba kung gaano kamahal to?”

Masiyadong maraming files at alaala ang meron sa phone na ito, ingat na ingat ko to na kahit gasgas man lang ay ayaw ko. Pero ngayon, nasira na agad sa isang iglap.

Umangat ang tingin niya sa akin kaya doon ko nakita ang mukha niya. Ang mga inosente niyang mata ay dumako sa akin, ang maliit niyang mukha na kumikinang ngayon dahil siguro sa pawis, namumula-mula pa yon dahil sa araw. Mukha siyang inosente pero nang taasan niya ako ng kilay, nag-iba agad ang tingin ko sa kaniya.

“Hoy lalaki, ikaw pa ang may gana na pagsalitaan ako ng ganiyan e, ikaw tong tatanga-tangang nagse-cellphone habang naglalakad. Mga tao nga naman ngayon, pinapairal ang kabobohan.” Aniya habang masama ang tingin sa akin.

Napaawang ang labi ko dahil sa term na ginamit niya. “Sinasabi mo bang bobo ako?” Di makapaniwalang tanong ko habang nakaturo pa sa sarili ko.

In my 23 years of existence, that was the most harsh and insulting word that I ever receive from someone. How dare her!

“Oo. Sino ba naman kasing tanga ang magse-cellphone habang naglalakad tapos kapag nabangga siya pa ang may ganang manisi. Gwapo ka sana, wala ka lang utak.” Tinarayan niya pa ako bago ako lampasan.

Nagngitngit ang mga ngipin ko sa galit at pinigilan ko ang sarili ko para habulin siya at bawian. Baka kung ano pa ang mga masabi ko sa kaniya.

“Don't let your girlfriend leave with a heavy feeling.” Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang pamilyar na boses sa likod ko.

Nilingon konagad kung sino yun at tama nga ako. “Lolo...” Naibulong ko.

Hindi niya ako pinansin at patuloy lang siya sa pagsunod ng tingin doon sa estrangherang babaeng yon. Bahagya siyang nakangiti habang nakatanaw sa kaniya bago ako harapin.

“She's different among your past girlfriends. I like her. I want you to get married with her.” Sabi niya na ikinanigas ko sa kinatatayuan ko.

“But Lolo—” I tried to tell him the truth but he stopped me.

“Get married with her or else I will destroy your mother.” He blackmailed me.

Bumagsak ang dalawang balikat ko at wala sa sariling hininabol ng tingin ang lapastangang babaeng yon.

Anak ka ng kulugo, bakit siya paaa?! I don't want to get married with her!

◎ㆁ◎

A FanFiction novel written by.
Angelkim_10

Edited: okay, so I wrote this when I was 15... i think. and it has a lot of typo-grammatical errors and my ass' too lazy to fix that. i'll edit it one day when i feel like it hshs


Beautiful Lie ll Huening Kai ✔️जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें