Tumigil si Athos ng makapa niya ang strap kung nasaan naroon ang pistol. Kinuha niya iyon at maliksing iniabot sa dalaga.

Kinagat ni Samuela ang labi niya ng kinuha iyon. Tinitigan siya ng binata.

"I will come after you. Tyler is on the eight floor. Shott everyone who tries to hurt you. Tyler will agkabukas ng pintuan at agad kang tumakbo paakyat ng staircase. Do not use elevator."

Napanganga siya roon. Twenty six floors ang hotel na ito. At nasa second floor pa lang sila!

Hindi na siya nakapagsalita pa dahil mabilis na binuksa ni Athos ang pipe chase at pinaputukan niya ang tatlong naroon.

"Run!" Sigaw niya kay Samuela na agad sinunod nito.

Hindi niya nagawang lumingon gaya ng inutos ng binata. Patuloy ang takbo niya sa staircase nagdadasal na wala siyang makasalubong.

Nasa ika-apat na palapag pa lang ay narinig niya ang boses na pababa ng hagdanan. Sa takot niya, tumakbo siya sa pinakamalapit na trash bin at pumasok doon.

Pikit mata si sa loob noon. Ang amoy ng basura ay hindi niya makayanan. Takot ang bumalot sa kanya ng magsalita ang isa sa mga security.

" Utos ni Ma'am Catherine na patayin ang sinumang tutulong sa babae. Kailangan nating makita ang putang iyon kung ayaw niyong masisante!"

Napanganga siya sa utos na iyon. Mariin niyang niyakap ang pistol. Wala na siyang agam agam pa sa paggamit noon. Gaya ng sabi ni Major, sasaktan niya ang susubok na manakit sa kanya.

Natigilan lamang siya sa iniisip ng gumalaw ang bin. Napakapit siya sa gown ng marinig ang yabag kasabay ng paggalaw ng kinalalagyan.

"Samuela?" Tawag ni Athos.

Di niya magawang sumagot sa takot na marinig ng kung sinuman ang nagtutulak sa kanya.

"Samuela! Fuck, answer me!" Tawag muli ni Athos sa linya.

"Ma'am? Attorney?" Tawag ni Tyler sa linya.

Gusto man niyang magsalita ay takot na takot siyang marinig. Hindi niya pa alam kung saan siya dadalahin ng kung sinuman.

"Tyler! Nasaan si Samuela?" Tanong ni Athos.

"Sir. Inaabangan ko po siya rito sa seventh floor pero di pa dumadating."

Idiots! I'm in a trash bin and I cannot talk! Mura niya sa isipan kahit pa takot na takot siya.

"Fuck. Bumaba ka Tyler at hanapin mo. Aakyat na din ako ngayon din." Utos ni Athos at sinundan iyon ng ilang putukan.

"Nasaan ang iba? Hanapin niyo si Attorney!" Sigaw ni Athos. Halata ang galit.

"Sir

Napapikit si Samuela. How could they never anticipate something like this? Akala nila ay hindi sila mapapansin sa party na ito. All because of that fucking guest list!

Now, para silang mga daga na hinahunting sa party na ito.

Narinig niya ang pagbukas at pagsara ng isang pintuan at ang pagtigil ng bin na kinalalagyan nila.

"Makakalabas ka na."

Boses iyon ng isang lalaki. Pumikit siya at mahigpit na hinawakan ang baril bago mabilis na itinutok sa lalaking nagsalita ngunit mabilis ito at inagaw ang kanyang pistol bago pa man niya makalabit ang gatilyo nito.

Humugot ang lalaki ng swiss knife at lumapit sa kanya.

"What are you doing?" Tanong niya at umatras.

Battle Scars (Querio Series #2)Where stories live. Discover now