Kinaumagahan ay pumasok siya sa trabaho. Normal ang araw niya. Hindi na doon dumiretso si Stephen dahil may hearing ang kaso nito.

Nasa kanyang office siya at may kliyente ng bumukas ang pintuan at pumasok ang sekretarya niya.

"Good morning, Attorney." Bati nito.

Tumango siya at sumimsim sa kanyang kape.

"Good morning, Jessa. What's the problem. Nasa kalagitnaan kami ni Mr. Garcia."

Tumingin si Jessa sa labas at ngumuso. Seryoso naman si Samuela rito.

"Ma'am, nagpipilit po makausap kayo eh... Mr. Querio po?"

Tumango si Samuela.

"It's okay, Jessa. Dalhin mo na lang siya sa kabilang conference room. I will just finish this."

"Okay po."

Nang maisara ni Jessa ang pintuan ay nagpatuloy siya sa pagdidiscuss ng mga bagay sa kliyente. Thirty minutes din ang itinagal noon.

Nang maihatid ni Jessa ang kliyente papalabas, ay tumungo siya sa conference room.

Hindi na niya kailangan pang buksan ang pintuan. Bukas na ito at nakikita doon ang pagtawa ng isang babae kay Major Querio.

May hawak itong tasa ng kape at nakikipag usap kay Rachel. Hindi maiwasang umirap ni Samuela.

At bakit ito ang nagbibigay ng kape?

"Major," she went in.

Mabilis na bumaling si Athos at tumayo para salubungin ang abogada.

"Attorney," he nodded.

Napawi naman ang ngisi ni Rachel ng makita siya. Tumikhim si Samuela at binalingan ito.

"Why are you here, Rachel?" Tanong niya.

"Uh! Naghatid lang ako ng kape rito. Madami kasing ginagawa si Jessa kaya tinulungan ko na siya sa client na ito. Wala naman kasi si Stephen, Samuela..."

She clenched her jaw.

Stephen? Samuela?

Hindi sa pagmamataas pero bakit ganoon niya tawaging ang kanyang mga boss? Nasa opisina sila kaya dapat ay gumalang sila.

"Okay. Thank you for making my friend comfortable, Rachel. You can go back to your desk and do your actual work." She said seriously and motioned her to went out.

Nakanguso namang sumunod si Rachel at sumulyap pa ng isa kay Athos.

"Major," tawag niya para magpaalam. Tumango lang si Athos bago maisara ang pintuan.

Malalim na huminga si Samuela sa halo halong inis. Nakanguso naman si Athos at sumimsim sa kape niya.

"Why are you here at this early hour, Athos?" Tanong niya.

Alas otso y media pa lang.

"I have to discuss the plan for tomorrow. You will be an asset."

Tumaas ang kilay ni Samuela at ngumuso.

"Go, on." Aniya at sumandal pa.

Umiling si Athos.

"I can't discuss it here. This is confidential. You should come with me. Ipapakilala kita sa team ko."

She sighed.

"Well, let me get my bag."

Lumabas na siya at pumasok sa loob ng kanyang opisina. Binilinan din niya si Jessa.

Battle Scars (Querio Series #2)Where stories live. Discover now