Chapter I

5.7K 111 0
                                    

"Huwag mo akong iwan, pakiuasap!" Tugon ng isang diwatang umiibig sa isang tao.

"This is for your own sake, I love you no matter what" tugon ng mortal sa diwata. Walang nagawa ang diwata kundi ang umiyak, gustuhin man nyang gamitan ng mahika ang iniibig, di nya magawa sa kadahilanang paubos na ang kapangyarihan nya. Pinilit nyang maging mortal kahit ang kapalit ay sarili nyang kaharian, kapangyarihan nyang mauubos hanggang sa mawala na ng lubusan, ngunit kapag sya ay iniwan, kamatayan ang kahahantungan...

"CUT!!! Goodjob everyone! Let's call it a day, pack up na! Thank you Ms. Ellena Carly" sigaw ng direktor. Ang punong punong emosyon sa mukha ni Ellena na gumanap bilang diwata ay biglang nawala, bumalik ang mukha nya sa walang emoayon at walang atubili'y nag-ayos, kinausap saglit ang direktor at manager, kinuha ang mga gamit at umalis.

"Haayy! Kelan ba matututo yang Ellena Carly na yan na makisalamuha man lang! MAGANDA at TALENTED nga, suplada naman!" Sabi ng isa sa kasamahan nyang artista na si Sayuri, pinaguusapan si Ellena na kaa-alis lamang sakay ng sasakyan nya.

"Well, at least may ibubuga! Pak na pak ang ganda at talento" Sabi naman ng isang makeup artist na tagahanga ng dalaga.

"Well, yung iniidolo nyo, lalaos din yan! Talent with terrible attitude" May pagmamayabang na utas ni Tiffany, isang co-atress ni Ellena at kaaway nya sa lahat ng bagay.

"Echusera!!" bulong ngunit paggalit na sabi ng mga beki nung marinig ang sinabi ni Tiffany. Ayaw nila dito sapagkat puro kaartehan lamang daw ang alam, mas gugustuhin pa daw nila si Ellena na kahit sobrang tahimik ay hindi naman pabida.

***

"Where are you?" Maikling tanong ni Adrian kay Ellena, si Adrian ay ang matyagang nanliligaw kay Ellena ngunit pitong taon na itong di binibigyang pansin ng dalaga.

"Why the hell did you call?" Tanong ni Ellena na hindi manlang sinagot ang tanong ng binata.

"I-I just want to-" Hindi na pinatapos ni Ellena ang sasabihin ng binata dahil agad na nyang binabaan ito ng tawag. Inihagis ng mahina ang telepono sa passenger seat ng kanyang sasakyan katabi lamang ng kanyang ibang mga gamit at pinagpatuloy ang pagmamaneho.

Binuksan nya ang radio ng kanyang sasakyan at tahimik na nakinig, gabi na at kakaunti na lamang ang nagdadaan na sasakyan, malayo pa ang kanyang bahay, mayroon naman syang condo unit ngunit ayaw nya doon kaya naman kahit malayo ay umuuwi sya sa bahay nila.

*SCCRREEEEEEEEECCHHHH*

Biglang preno si Ellena dahil sa may biglaang pusang itim na dumaan. Tumingin sya sa front mirror at side mirror at may nakita syang parang anino ng tao kaya naman mabilis pa sa alas kwatrong nilisan nya ang lugar na iyon. Hindi sya matatakutin, ngunit nitong mga nakaraang araw ay lagi syang ginugulat ng itim na pusa at makaka-aninag sya ng anino, minsan ay magugulat na lamang sya at nasa condo unit nya ang pusa, makikitang nakabukas ang bintana kahit sarado naman iyon, o di kaya'y may pusang gagala kapag nasa taping o photoshoot sya.

Iniisip na lamang nya na kailangan nya ang magingat dahil may matang nakamasid sa kanya, araw man o gabi.

***

"Ellena!" Napatingin sya sa sumigaw at napataas ang kilay nya nang makita si Adrian na nasa gate ng kanyang mansyon.

"Let him in" utos nya sa mga maids nya at dali namang lumapit sa kanya si Adrian.

"What brought you here, Adrian?" Seryosong tanong ng dalaga kay Adrian.

"Ang pormal ah? Gusto lang naman kita makita eh!" Sabi ng binata at naupo kaharap ang dalaga, si Ellena naman ay di na umimik at tumingin lang sa kawalan.

"You better distance yourself away from me..  for your own sake anyway" biglang nagsalita si Ellena na ikinagulat ng binata. Nalito sya kung bakit ganon nalamang ang sinasabi ng dalaga sa kanya.

"W-why? What do you mean? Something's bothering you?" Nagtatakang tanong ng binata kay Ellena, tumingin sa kanya ang dalaga ngunit nagbawi din naman agad.

"You'll be in danger if you stay close to me." Iyon na lamang ang sinabi ng dalaga pagkatapos ay umalis at iniwan na lamang sya.

Lalo syang nagulat sa inaasal ng dalaga, ngunit ang lubos na ikinapagtaka nito ay ang pagtingin sa kanya ni Ellena sa mata, oo nga't saglit lamang iyon pero huling huli nya ang mga mata nito, wari'y natatakot, nag-aalala pero 'BAKIT?' Nahihiwagaan sya sa dalaga dahil kahit kailan, hindi ito tumitingin sa mata ng kausap, kahit pa sa mga taping nya ay sa talukap ito ng mata ng kaharap tumitingin, may iba sa ikinikilos ng dalaga, yun ang nasa isip nya. At kailangan nyang alamin iyon.

***

"Scared to Death?" Natawa ng bahagya si Ellena nang mabasa nya ang isang portfolio na bigay sa kanya ng kayang manager, ito ay ang script ng kanyang bagong pelikula. Tiningnan tingnan nya ito at nakitang 'Vampire' ang tema nito. Sya ay gaganap na bidang mortal, at ang leading man nya ay isang Bampira.

"Just a common story" komento nya. Halos lahat naman ng nagiging kwento sa telebisyon ay parepareho lamang, ngunit nasa gumaganap ito kung pano ito bibigyan ng orihinalidad. Sa script nya ay may karamdamang nakamamatay na dumapo sa kanya kaya't gagawin syang bampira ngunit ang kamatayan niya ay hindi mapigilan. Hindi happy ending ang kwento ngunit may itatatak sa bawat manunuod o magbabasa ng kwentong iyon.

"Hindi mo ba tatanungin kung sino ang magiging leading man mo?" Tanong ng kanyang manager kaya't humarap ang dalaga sa kanya at tumingin sa talukap ng mata nito at bahagyang nagtaas ng kilay.

"What if I don't?" Malamig na sabi nya na nakapangilabot sa manager nya. Ang manager nya ay isang bading at takot sa kanya. Hindi nya intensyong manakot ng tao o kung sino mang kakausap sa kanya, ngunit iyon ang pinili nyang pagkakakilanlan sa kanya upang maiwasan ang bagay na ayaw na nyang balikan pa. Isang masayang Ellena noong nabubuhay pa ang kanyang ina.

"S-Si Daryll Vince Walden" sambit nito. Nagpantig naman ang tenga ni Ellena. Parang may mali sa narinig nya. Kinabahan sya na tipong gusto na nyang makita ang leading actor. Hindi nya pa to naranasan sa iba kaya't napaisip sya. Bakit ngayon lang nya narinig ang pangalan ng artistang yon? Sino nga ba yun.

"And who the hell is that man?" tanong nya at nagdaydream naman ang baklang manager nya. Na-imagine na nyang isang gwapo iyon kaya't ganon na lamang ang reaksyon ng manager nya.

"O'right! I'll go ahead." Sabi nya at lumabas na ng opisina. Pagdating nya sa kotse nya at may nakita syang pulang papel. Hindi ito basta bastang papel na nahulog lang dahil nasa loob ito mismo ng sasakyan nya. Kinuha nya iyon at binuksan.. Isang sulat ngunit hindi nya maintindihan.

The day that you'll be one of us...

Ang nabasa nya. Nilukot nya ang papel ang tumingin sa paligid. Nahuli naman ng tingin nya ang isang lalaking naka-itim at nakasumbrero na nakatingin sa kanya. Mabilis nya itong nilapitan nang tumalikod ito, hinapit nya ang braso nito at laking gulat na lamang nya na babae pala ito.

"Who are you?" Malamig ang tonong tinanong nya ang babae ngunit ngumiti lang ito at sa isang iglap ay nawala. Kumabog ang dibdib nya nang masaksihan iyon, ano iyon? Naglaho ito. Hindi iyon tao.

Niyakap nya ang sarili nang madama ang malamig na hangin dahil nasa basement sya.

"What the hell was that?" Bulong nya sa kanyang sarili habang nagmamadaling binuksan ang sasakyan, pagkapasok ay napasapo ang palad nya sa kanyang mukha. Nakakakilabot iyon. Tumingin pang muli sya sa paligid, inaaninag kung nandon ang tao---hindi iyon tao, isang halimaw o kung ano man.

"I will find it out soon.."matapang na utas nya habang nakatingin sa porseras na naiwan ng babae sa kamay nya..

The Vampire's MateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon