Chapter Twenty-Second: TASTES SO GOOD

2.3K 95 9
                                    

IKA

Nagising ako sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana. Marahan kong iminulat ang aking mga mata at tila nagulat sa nabungaran kong paligid.

"Oo nga pala. Dito nga pala ako natulog sa kwarto ni George."

Nilingon ko ang bandang kanan ko ngunit tanging unan na lamang ang nakikita kong nakahimlay sa espasyong kinatatabihan ko. Wala na si George sa tabi ko.

Hinanap ng paningin ko ang orasan na nakapatong sa side table ng kama ni George. Napasingkit ang mga mata ko nang makita konh mag-aalas'sais pa lamang ng umaga.

Pagkalipas lamang ng ilang segundo ay may iniluwal sa pintuan ng banyo na animo'y isang napakagandang Diyosa. Napatitig ako dito mula sa halatang basa pa rin nitong mga paa pataas sa kanyang mahahabang binti patungo sa balingkinitan nitong bewang hanggang sa mukha nitong may kasama pang nakakapang-akit na ngiti. At nakalimutan ko bang banggitin na siya'y hubo't hubad sa aking harapan?

Kaya naman agaran kong iniwas rito ang aking mga mata. Halos ramdam ko rin ang biglang paginiy ng aking mga pisngi.

"Love what you are seeing, Sweetheart?"

"George! Bakit ka nakahubad?"

"Why? Meron bang taong naliligo na may saplot ang katawan?"

"Ang ibig kong sabihin bakit ka lumabas ng banyong nakahubad lang? Pwede ka namang magtakip matapos maligo." Reklamo ko dito ng hindi pa rin ito tinitignan.

Sus! Ayaw mo ba talaga ang nakita mo? Sumbat sa loob-loob ko.

"Won't you give me my morning kiss?" Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala ito.

Naramdaman ko rin ang pagtulo ng tubig na nagmumula sa basang buhok nitong pumapatak sa aking balat. Konting konti na lang din ay halos magdikit na rin ang mukha ko sa mukha nito ngunit buong lakas ko itong itinulak at agad naman akong tumayo at lumayo rito.

"Hey. That's not the proper way to say good morning to your girlfriend."

"George tumigil ka ha. Magang maga nang-aano ka nanaman."

"At magang-maga anjan ka nanaman sa salitang nang-aano."

"Magbihis ka na nga."

"Give me my kiss first." At ng akma itong lalapit sa akin ay sinenyasan ko itong tumigil.

"What?" May inis sa tinig nitong sambit.

"Ah-eh.. Magsisipilyo muna ako." Sabay takip ng kamay sa aking bibig.

Bahagya naman itong tumawa at ipinagpatuloy ang paglakad papalapit sa akin.

Dahan dahan naman akong napaatras hanggang sa matama ang likod ko sa malamig na pader.

"Hindi mo na nga ako pinagbigyan kagabi, pati ba naman ang morning kiss ko ipagkakait mo pa sa akin?"

Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba ito dahil seryoso ang ekspresyon ng mukhang ipinapakita nito sa akin.

Parang itong tigre na naghihintay na lamang ng tamang oras bago kainin ng buo ang pagkaing nasa harapan nito.

Hindi ko naman napigilan ang aking mga matang maglakbay sa hubad na katawan nito. Tila mapagmalaki at tayong tayo pa ang dibdib nito na sanhi ng parang pagkauhaw na ngayo'y nararamdaman ko.

"G-george. K-kelangan ko m-munang magsipilyo." Halos mautal-utal kong bigkas.

"I don't care if you haven't brush your teeth even if it is for years. I would still love to taste your lips and savor your mouth. Just how I love to do it right now."

SWEET SERENDIPITY (GxG) SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon