Chapter Nineteenth: PARADISE

2.2K 111 10
                                    


ICA


"We're here." Walang ka-emosyong wika nito matapos nitong ipasok ang sasakyan sa loob ng higanteng gate na tila kusang nagbukas.

Bumungad naman sa amin ang daan patungo sa hindi ko malaman na lugar. At sa bawat gilid ng kalsadang tinatahak namin ay ang nag gagandahang mga halaman na may iba't ibang hugis.

Ngunit ang mas nakaagaw ng aking atensyon ay ang pinaka dulo nito. Kung hindi ako nagkakamali ay para itong isang malaking bulwagan na nakahugis ng pabilog na maihahantulad mo sa isang Mary-Go-Round. Kulay puti ang pintura nito at halatang alagang alaga rin.

"What are you waiting for? Unbuckle your belt." Paggising naman nito sa aking pagmumuni-muni.

Tsk! Napaka bipolar tlaga ng babaeng ito. Kanina lamang akala mo kung sinong napaka maalalahanin sa akin. Nagbalik nanaman ata ang tigreng espirito nito. Bulong ko sa sarili ko.

"Were you saying something?"

"Wala. Heto na nga oh bababa na!"

Pagkababa ko ng sasakyan ay mas lalo akong namangha sa kapaligiran.

Napakalinis ng lugar at napakasarap langhapin ang simoy ng hangin. May iba't ibang uri rin ng halaman sa paligid at matatayog na punong hindi pangakaraniwang nakikita sa labas. Lahat ay halatang naalagaan ng husto dahil sa napakalinis at pagkaganda ng mga ito.

"Keep moving." Utos naman nito saka naglakad papalayo.

"H-hoy sandali lang!" Taranta kong sagot ng sa isang iglap ay wala na ito sa tabi ko. Patakbo na akong naglakad upang makasabay rito.

Gusto ko sana siyang tanungin kung nasaan kami at kung anong ginagawa namin sa lugar na ito ngunit mas pinili ko na lamang manahimik. Dahil pakiramdam ko talaga'y sumanib nanaman dito ang tigreng kaluluwa nito.

Tsk. Napakasungit.

"This is one of the properties that I own. A place where I used to go when I was a kid. It is my place for play and fun. My own place of paradise" Wika nito ng makarating kami sa malaki at puting gazebo nito.

Sinulyapan ko ito ng palihim matapos kong marinig ang pahayag nito. There is something I felt about her that I can not explain. Para kasing may gusto pa siyang sabihin but it's like something is keeping her.

"Wow. P-pond ba yan?" Tanong ko rito ng masilayan ito sa di kalayuan mula sa kinatatayuan namin.

"Yes. And that's one reason why I love this place. And one reason why it is one of my favourite places ever since I was a kid up until now. Pero napaka tagal ko ng hindi nakakabisita rito mula ng mag-aral ako sa State. But everything are still in place and the same. Just how I wanted it to be."

"Kung gayon bakit hindi ka nalang nagpatayo dito ng bahay mo? Napakalaki pa ng espasyo oh. Tiyak magugustuhan din dito ng..." Bigla ko namang tinakpan ang bibig ko upang hindi maituloy ang dapat na sasabihin kong magugustuhan din naman rito ng kanyang nasirang asawa.

Ughh. Monica shut your mouth up!

"There's a reason why I brought you here." Pag-iiba nito ng usapan.

"The reason why we're here is because I want you to make this place as the venue of the party. Just like what I've said earlier, this is one of my favourite places when I was a kid. So use it. Use it on Sophia's party." pagpapatuloy nito.

"S-seryoso ka ba? I-ipapagamit mo ito para sa kaarawan ni S-sophia?" Mautal-utak kong bigkas.

"Mukha ba akong nagbibigro?" Tanong nito saka dahan dahang humarap sa akin. Kung kanina ay mukha na itong kalmado, ngayon nama'y bigla itong naging seryoso na ano mang oras ay mag-aanyong tigre na!

SWEET SERENDIPITY (GxG) SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon