Chapter One : PARTY ANIMAL

9.3K 227 5
                                    


MONICA

TUGS TUGS TUGS TUGS 

TUGS TUGS TUGS TUGS

"Woooh! Let's party monkeys!" Sigaw ko habang nakataas pa ang kamay kong may hawak na isang Applentini Vodka.

Nakakailang baso narin ako ng iba't ibang cocktail drinks mula nang dumating ako rito sa pinakapaborito kong Club. Mula sa unang baso ko ng Mojito, pumangalawang Vodka Martini at dalawang magkasunod na shot ng Alice in Wonderland.

Pagewang gewang man ay buong lakas akong lumapit sa dance floor kasabay ng pagindak at pagkembot ng katawan ko.

"Woooops!" Sambit ko nang bigla akong matapilok.

"Dance with me Missy?" Pag-aya ng isang may katangkarang lalake na nakasalo sa akin mula sa sana'y pagbagsak ko sa sahig.

"Hi shuperman." I answered him flirtily habang ang mga bisig nito'y nakapalibot sa aking bewang.

"Monica andiyan ka lang pala. Ihahatid na kita pauwi. Malalagot ako kila Tito nito eh. Lasing na lasing kana."

"Shhhh. Asssshhher shindi ako lasheng. Owkey? Meet Shuperman."

"Excuse me" Wika nito sa lalakeng nakasalo sa akin sabay agaw ng baso ko saka iniabot nito kay Superman.

"I'm the owner of this club and this is my cousin. I need to bring her home." Baling ulit ng pinsan kong si Asher sa lalakeng sumalo sa akin sabay bawi niya sa'kin mula sa mga bisig nito saka niya ako inalalayan sa paglakad.

Ayoko pang umuwi pero wala na akong lakas para makipag argumento pa sa pinsan ko. Palibhasa ito ang nagmamay-ari ng club na ito't malamang sa malamang ay alam ng mga magulang kong dito ako naglalagi sa club nito.

"Puwede ba Monica sa uli-uli huwag ka nang iinom kung hindi mo naman kaya. Ano? Kung hindi pa kita nakita kanina kasama ang lalakeng iyon eh di narape ka na?" Sermon naman nito sa akin nang makalabas na kami ng club nito.

"Ma'am okay lang po ba kayo?" Tanong naman ng isa sa mga bouncer ng club nito nang makita kami ni Asher sa lobby ng club nito.

"Heto ang susi paki buksan ang kotse ng Brat na 'to." Utos naman nito dito habang taban parin ako mula sa aking tagiliran.

Agad namang kinuha ng bouncer niya ang susi ng kotse kong iniabot ni Asher. Dalidaling binuksan nito ang kotse kong nakaparada sa parking space na 'di kalayuan mula sa entance ng club.

"Coushy ay lab yow."

"Tumigil ka nga Monica. Kung hindi ako makapag timpi sayo ipapaban na talaga kita dito sa bar ko."

Natawa ako sa sinabi nito.

Pang ilan na ba niyang pagbabanta sa akin ito?

Isa?

Dalawa?

Tatlo?

Apat?

No, sampu.

Ay hindi labing isa?

Hindi ko na maalala. Basta ang alam ko, hindi ko na ito mabilang isama mo pa ang mga daliri sa dalawa kong paa.

"Ayoko pang umuwi coush." Was all I said nang maipasok na ako nito sa kotse ko and before I knew it I passed out.

---

"Wake up young lady!"

"Egghhrrr..."

"Monica! I said wake up!"

Napamulat ako unti unti ng mga mata dahil sa lakas ng boses na naririnig ko.

"Kelan ka ba titino ha Monica?! Gabi gabi ka nalang nagpaparty at umuuwing lasing! Wala ka nang ginawa kundi lustayin ang pera ko sa mga walang kabuhulang pagpaparty mo! Kelan ka ba magtitino ha?!" It was my Dad scolding me.

I gazed on my bed's side table to look for my digital clock. It's only 7 in the morning.

Fudge! Aga aga naman manermon. At himala andito pa ito sa ganitong oras na kadalasa'y nasa opisina na ito at di ko na naaabutan pa.

"Bernardo don't be too harsh on Monica. Kagigising lang niya. Let her sleep first." Pagsaway naman ng Mommy ko rito.

Oh yes my savior. I silenlty rejoiced in my mind.

"Husk! Kaya lumalaki ang ulo ng anak mo eh! Kinukunsinti mo!"

"Bernardo please. She's our only child. And who do you want me to spoil? You?"

Lihim naman akong natawa sa tinurin ng Mommy ko. Ngunit hindi parin ako bumabangon at nagkunwaring natulog muli.

"No! Fix yourself now young lady or else you'll be grounded for the rest of your life and that's an order!" Sigaw nito sabay duro pa sakin.

Napamulat naman ako ng mga mata matapos nitong banggitin ang salitang "grounded" saka ito tumalikod at naglakad palabas ng kuwarto ko kasabay si Mommy.

"Urgh! I hate this life!" I exclaimed the moment my Mom shut my door close.

Wala na akong nagawa kundi bumangon at tinungo ang banyo upang maligo't magpalit ng damit. Knowing my Dad, whenever he's not in the mood or simply just furious gagawin at gagawin nito ang ano mang sabihin nito even if he said it out of his anger.

Matapos akong maligo'y dumeretsyo na ako sa wardrobe ko. Isang floral sabrina pink dress ang napili kong suotin na halos isang dangkal ang taas mula sa tuhod ko. I blowdried my hair then later set my big wave curled hair. I put a light make up on my face and slid my pink soft matte lip cream on my lips.

"You're amazingly stunning." I said to myself cockily in front of my human sized mirror.

Tumayo na ako at isinuot ang white birkenstock mandals ko since nasa loob lang naman ako ng mansion saka lumabas ng kuwarto ko.

"Señorita, pinapapunta ho kayo ng Señor sa study room niya." Magalang na sabi ng isa sa mga katulong namin.

Nakadama ng kakaibang pakiramdam nang sabihin nito ang bilin ni Daddy. Napaka biihira lang kasi akong papuntahin ni Daddy sa study room nito at kadalasan ay puro mga kasosyo niya lang sa negosyo ang mga nakakapasok rito o hindi naman kaya'y may problema sa kumpanya kaya nagagawi ito roon.

Agad naman akong umakyat ng hagdan papunta sa ikatlong palapag ng mansion. Naroroon kasi ang study room ni Daddy katabi ng silid aklatan ni Mommy.

Ano kaya ang sasabihin nito? Hindi kaya totohanin na nito ang pag ground sa akin? Oh no!!!!!

============•••============

First Part of Chapter 1 done ^_^ And I'm dedicating this whole Chapter 1 to all of my active voters and readers from Collide ^

Sarang Hei!

2016©TheRedPhantom

SWEET SERENDIPITY (GxG) SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon