Chapter Four : DISASTER

4.7K 194 21
                                    


MONICA

Hindi ko akalain na ganun karami ang mga tao sa terminal na pinagbabaan sakin. Hindi rin ako pamilyar sa lugar na ito. Palibhasa ay hindi pa naman ako nakakasakay kailanman ng pampasaherong bus. Napabuntong hininga ako saka palinga linga sa paligid.

"Miss miss saan kayo pupunta?" Tanong ng mamang naka puting tshirt at maong na pantalon.

"Ah eh sa probinsya ho."

"Eh ano bang probinsiya Miss?"

"Ah ehh." Tinignan ko ang mga karatula ng bus.

Sa sobrang dami ay hindi ko alam kung saan ako rito pupunta. Napakamot ako sa ulo ko nang biglang hinawakan ako nito sa siko.

"Huwag kang papalag kung ayaw mong masaktan." Napamulat ako ng mga mata at biglang kinabahan.

Naramdaman kong may tila itinutusok ito sa tagiliran ko.

Oh no! Lord please help me! Dasal ko sa loob loob ko.

Wala na akong nagawa kundi sumunod dito.

Agad naman ako nitong inakay sa maliit na eskenita malapit sa terminal. Halos walang nagagawi sa bandang iyon at saka niya ako itinulak sa dingding.

"Akin na ang mga bag mo!"

"Huwag po. Maawa po kayo sa akin."

"Akin na ang mga bag mo sabi eh!" Sabay agaw nito sa hawak kong luggage.

Halos naiiyak na ako sa takot.

"Iyang isa pa." Napahigpit ako sa sling bag ko.

"Parang awa niyo na po huwag po ito." Pagmamakaawa ko.

Itinutok naman nito sa akin ang hawak nitong kutsilyo saka nagbanta.

"Ibibigay mo o papatayin nalang kita."

Sa takot ko ay aga ko nang inalis at iniabot rito ang sling bag ko na karga ang iphone ko't wallet ko.

"Hubarin mo mga alahas mo." At nanginginig man ay tinaggal ko ang mga nakasuot na alahas sa katawan mo.

"Yang relo mo pa!"

"Parang awa niyo na po, nakuha niyo na lahat, iwan niyo nalang po sa akin ito. Mahalaga po ito sa akin." Sabay hawak ko ng mahigpit sa relo ko.

It's a Ronde Solo De Cartier Pavé watch. Regalo pa ito ng lola ko sa akin bago ito pumanaw. Dahil nagiisa niya akong apo ay talaga namang mas spoiled pa ako rito kaya naman hinding hindi ko ito ibibigay sa unggoy na lalakeng nasa harapan ko ngayon.

"Hmn ayaw mong ibigay? Mas mabuting huwag mo na nga lang ibigay. Katawan mo nalang ang kukunin ko."

Pagkarinig ko rito ay mabilis pa sa alas kuwatro ko itong inalis saka ibinigay sa kanya.

Tumawa naman ito ngunit natigil nang biglang may mga parating sa gawi namin. Mabilis itong lumisan at iniwan akong tulala. At hindi ko na napigilan ang mga luhang nagsibagsakan sa mga mata ko.

Is this my karma? Ito na ba ang mga kabayaran sa ginawa kong paglalayas? No, hindi ako babalik ng mansyon hanggat hindi titigil si Daddy sa plano niyang ipakasal ako sa lalakeng hindi ko gusto.

Pinunasan ko ang mga luha sa mukha ko saka nagsimulang maglakad palabas ng eskenitang iyon.

Hindi ko alam kung saan ako tutungo. Hindi ko narin alam kung anong gagawin ko. Wala ako ni isang sentimong duling dahil nadukutan ako. Halos gabi na at heto parin ako patuloy na naglalakad lakad sa di pamilyar sa akin na kalsada. Gutom na gutom narin ako at pakiramdam ko ay nahihilo narin ako.

SWEET SERENDIPITY (GxG) SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon