Chapter Three : THE RUNAWAY

4.7K 166 3
                                    

MONICA

Halos isang linggo na akong nakakulong sa kuwarto ko. Mula kasi nang magkasagutan kami ni Daddy ay hindi narin ako lumabas pa ng kuwarto ko. Mabuti nalamang at may inside lock ang pintuan ko. Dahil kung hindi at sa malamang ay nabuksan na nila ito gamit ang spare key na nasa katulong.

Mayroon naman akong mini refrigerator sa loob ng kuwarto ko. Ipinalagay ko ito nung highschool ako dahil tinatamad na akong bumaba pa para kumuha ng makakain o anumang nais kong kainin sa kusina. Mabuti na lamang at napuno ko na ito bago pa man nangyari ang sagutan namin ni Daddy. Kaya walang kaso sa akin kung hindi man ako lumabas ng kuwarto ko.

Swiiissshhh

Tunog ito ng cellphone ko. Agad ko naman itong kinuha mula sa pagkakalapag mula sa study desk ko.

1 Message from Asher

"Hey cousy! Congrats! Narinig ko sa usapan nila Dad at Tito Bernardo ang engagement party mo sa susunod na araw. Malihim kana ngayon ah."

Napamulat ako sa text nito.

Engagement party? Sa susunod na araw? I mumbled to myself.

This can't be true. I don't want to be engaged and be married to someone I never met. Hindi ako makakapayag. Hell! I can't even imagine it! Malay ko ba kung matandang binata ang gustong ipakasal sakin kaya nagmamadali na silang ikasal kami. No way! Over my sexy and gorgeous body!

I need to make a plan. Ayoko at kahit kailan ay hinding hindi ako papayag sa ninanais ni Daddy!

Inilagay ko ang hintuturong daliri ko sa baba ko at saka nagsimulang magisip.

Aha! Isang ideya ang pumasok sa isipan ko.

Agad akong tumakbo papalapit sa wardrobe ko. I pulled out my Louis Vuitton Sirus soft luggage bag from the buttom space of my cabinet and started packing. Saktong damit lang ang mga kinuha ko since I knew I won't be out that long.

Nagiisa ata akong anak ng mag-asawang Santana. At alam kong gagawin nila ang lahat para hanapin ako and in the end alam kong susunod din ang mga ito sa kagustuhan ko. That's my plan. *evil grin*

Matapos kong magimpake ay kinuha ko naman ang LV maroon Speedy sling bag ko saka nilagay rito ang wallet ko na naglalaman ng saktong cash worth 50k at iphone ko. I'm all set. Ang paglabas ko nalang ang poproblemahin ko.

Hindi ko puwedeng dalhin ang kotse ko sapagkat naka gps activated ito at anytime ay pupuwede matrace ang kinaroroonan ko. I have no choice. I need to take a cab.

Pero teka saan ako tutuloy? Hindi naman ako puwedeng maghotel dahil matratrace parin ako nila Dad. Ganoon siya kaimpluwensiya.

I think I need to go somewhere na alam kong hindi nila maiisipang naroroon ako.

Sa probinsya! Sigaw ng isip ko.

Pero wala akong kilalang taga probinsya o kung saan mang probinsya ako pupunta.

Bahala na. Sagot ko sa loob loob ko.

Tinungo ko ang kama ko saka umupo at tinignan ang kabuuan ng kuwarto ko sa huling pagkakataon. Pinagmasdan ko ang mga mamahaling gamit ko mula sa silya ng kuwarto kong binili pa sa italya, ang mini chandillier na animo'y mga kristal na nagniningning na siyang nagbibigay liwanag sa aking silid, ang mga paborito kong manikang binila pa sa europa at ang wardrobe kong punong puno ng mga mamahaling damit, sapatos at bags.

I'm going to miss my room and my life as a princess. But I'm going to prove something to you Dad. I am better than what you think of me.

Huminga ako ng malalim saka tumayo at kinuha ang luggage bag ko't isinuot ang sling bag ko. At dahan dahan ay nagtungo sa pintuan ng kuwarto ko.

Dahan dahan ko itong binuksan at saka sumilip sandali. Pinakiramdaman ko ang paligid. Para akong magnanakaw na may misyong tumakas matapos kuhanin ang mga bagay na ninakaw at manigurong walang sinoman ang makakakita o makakahuli sa akin.

The house is clear. Pakanta kong bulong sa sarili ko.

Inuwang ko pa ng kaunti ang pintuan ko saka dahan dahang lumabas. Inilock ko muna ito bago lumabas para hindi isipin ng mga itong wala ako sa loob.

Palinga linga ako sa paligid at nang masiguro kong walang nagkalat na mga katulong ay agad na akong bumaba ng hagdan.

I am wearing a simple navy skinny jeans, fitted black shirt and a red high cut sneakers. I preferred to wear something comfortable to benefit me on my escape.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang pababa ako ng hagdan. Palinga linga parin ako sa paligid at nang makababa ako'y nakita ko ang isang katulong na naglalakad. Agad naman akong tumakbo sa may bintana at nagtago sa liko ng higanteng kurtina. Laking pasasalat ko nang hindi ako nito nakita.

Nang maramdaman kong wala na ito'y agad ko nang nilisan ang kurtina saka dali daling tinungo ang front door.

Mukhang pabor sa akin ang langit sapagkat nakita kong umalis ang guwardya naming nagbabantay sa gate patungo sa gilid ng mansyon. At sa pagkakataong iyon ay mabilis akong tumakbo saka lumabas ng gte.

Sakto namang may padaang taxi. Pinara ko ito't sumakay.

"Manong sa pinakamalapit pong terminal ng bus." Sabay tango naman ng drayber.

Wew! I'm free! I rejoiced silently.

===========###===========

I intended to make few chapters short but don't worry, long chapters are soon to be published.. Just spare with me ladies ^_^ 

What do you think about this story btw? Lame or shame? Lols! Please feel free to tap and comment your thoughts below.. I'm glad to hear it from you myLoves! ❤️


Xoxo!


2016©theRedPhantom

SWEET SERENDIPITY (GxG) SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon