Chapter Sixteenth - JELLY BEANIE

3.7K 191 26
                                    


MONICA

Hindi ko maiwasan ang hindi kabahan habang naglalakad kami papasok ng mall. Paano naman kasi, sa dinami dami pa ng mall na pupuntahan namin ay dito pa talaga sa madalas ko na tambayan noon. Nagaalangan ako na baka may makakita sa akin na siyang maaaring makarating kina Daddy.

But what shall I expect? Kung tutuusin nga'y mas mayaman pang di hamak sa angkan ko itong si George kaya hindi na nakapagtataka kung itong Mall ang mapili niyang puntahan.

Yumuko na lamang ako habang naglalakad kami at sinusundan ang amo kong tigre. Ngunit hindi ko rin maiwasan ang silayan ito paminsan-minsan.

Gaano kadalas ang minsan? Tukso ng isipan ko.

Napailing ako sa biglang tugon ng mahaderang utak ko. Kahit kasi nakatalikod si Georgina ay hindi pa rin maitatago ang balingkinitang hubog ng katawan nito. She have that perfect curves any girl could die for.

Nasa ganoong pagiisip ako ng sa hindi ko inaasahan ay ang bigla nitong paglingon na siyang dahilan ng pagtama ng mga mata namin. Pakiwari ko'y bigla ding uminit at namula ang mga pisngi ko lalo na ng masilayan ko ang isang pilyang ngiti na mula dito. Ngunit mabilis din niyang pinutol ang titig sa akin at walang pasabing huminto sa tapat ng isang malaking pambatang boutique.

"Guess this is the right place." Aniya at tuluyan na siyang pumanhik sa loob habang kami naman ni Manang Sonya ay walang kibong sumunod lamang sa kanya.

I know this boutique. Dito ako madalas bumili ng mga panregalo ko sa tuwing naiimbitahan ako sa mga binyag o kaarawan ng mga inaanak ko. They sell all kinds of stuffs for neonates to toddlers and even pre-teens. Kumpleto din ito mula sa mga feeding bottles, to cribs and every necessities of a child. Ngunit hindi basta-basta ang mga paninda rito. All are indeed branded and classy.

Sa isiping iyon ay bigla naman akong nabahala.

Kung hindi ako nagkakamali, sa isang damit pa lamang dito ay nagkakahalaga na ito ng libo libo. Daig pa ang damit ng pang-adult!

At bakit nga ba hindi ako mababahala? Pitong libo lang naman ang dala kong pera! Paano ko pagkakasyahin ang pitong libo sa mga kinakailangang damit ng Sophia? Baka dalawang piraso lamang ang makaya nitong mabiling damit.

Urgh! Kung bakit ko pa kasi nasabi sa tigreng ito na ako na ang bahalang gagastos.

"Ika, akin na si Sophia at sundan mo na lang si George. Kung kailangan niyo kami ay andun lamang kami sa may upuan sa gawi roon." Turo nito sa di kalayuang sofa sa loob ng boutique.

"Sige ho." Magalang kong tugon sabay abot ko rito kay Sophia.

Hinanap ng paningin ko si Goerge na ngayo'y abala na sa pamimili. Napangiti ako sa itsura nito.

Halos hindi ko na kasi mabilang ang mga hibla ng mga linya sa noo nito habang pinagmamasdan nito ang mga mini dresses na nasa harapan nito. Lalapitan ko na sana ito ng bigla nalamang nitong pinagkukuha ang mga iyon saka inilagay sa malaking shopping bag na taban nito. Halatang hindi nito alam kung anong kukuhanin kaya naman lahat na ata ng matabanan nito'y kinukuha niya. Tahimik na napailing na lamang ako rito.

Iginaya ko ang piningin sa paligid. Everything around me are so cute and fancy. Namiss ko tuloy mag shopping.

Haiys. Monica, this is the life you chose. I sighed.

Pero pansamantala lang ito, Monica so cheer up. Kailangan mo lang iparealize sa magaling mong ama na kaya mong tumayo sa sarili mong mga paa. Kesa sa magpakasal sa mayaman nga ngunit uugod-ugod na.

SWEET SERENDIPITY (GxG) SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon