"Halika na!" yakad ko kay benji ng makabili na ako ng mga bulaklak.

"Minsan kasi magtatanong muna bago mag-assume para hindi napapahiya ha." natatawang sabi ko sa kanya habang naglalakad kami papunta sa puntod ng pagbibigyan ko ng mga dala kong bulaklak.

"Para kanino ba yang mga bulaklak na yan?" tanong nya sakin habang nakatingin sa mga dala kong mga bulaklak.

Hindi ko na muna sya sinagot at pinansin dahil nakita ko na ang hinahanap kong puntod.

"Para sa kanya." sagot ko kay benji habang tinuturo ang puntod na nasa harapan namin ngayon.

RIP
Maderine M. Reyes
May 8, 1947-Nov 15, 2013

"Maderine Reyes?"nagtatakang tanong sakin ni benji ngunit mas tinuon ko ang aking pansin sa matagal ko nang hindi nakikita,ang aking NANAY.

"Hi nay!" nakangiting bati ko sa puntod ni nanay.

Nilagay ko muna sa magkabilang gilid ang dalawang pasong bulaklak na dala ko bago umupo sa tabi ng puntod ni nanay.

"Kamusta ka na dyan nay? Alam ko masaya ka na dyan ngayon sa langit dahil kasama mo na sina lolo at lola." napatingin naman ako kay benji na katayo parin hanggang ngayon.

"Ay nga pala nay may ipapakilala po pala ako sa inyo." biglang sabi ko nanay.

"Nay si benji po pala. Benji, nanay ko." pakilala ko kay benji kay nanay at si nanay kay benji.

"Hi po tita!" nakangiting bati ni benji habang kumakaway sa puntod ni nanay.

"Nay miss na miss ko na po talaga kayo pero masaya na po ako dahil nandyan kana sa langit ngayon kung saan walang sakit at lungkot kaysa nandito nga kayo kasama namin pero pinapahirapan naman kayo ng cancer nyo." naiiyak na sabi ko kay nanay.

"Pasensya din po pala nay at ngayon lang po ulit ako nakabisita sa inyo. masyado lang po ako ngayon abala sa school at sa mga sideline ko. Si tatay nga po pala nagtratrabaho na po sya ngayon sa maynila kaya nabayadan na po namin lahat ng utang natin." Hindi ko napigilan ang luha ko at kusa na itong pumatak ng sunod-sunod.

Matagal tagal din akong nakipag-usap kay nanay. Kwenento ko sa kanya halos lahat ng mahahalagang nangyari sakin pati na rin ang mga kwento sa akin ni tatay tungkol sa trabaho nya sa maynila.

Makalipas ng isang oras ay napagpaalam na din ako kay nanay.

"Sige po nay pupuntahan naman po namin ang puntod ni benji." paalam ko kay nanay.

"sige po tita alis na po kami." sabi ni benji kay nanay bago kami tuluyang umalis para pumunta naman ngayon sa kanyang puntod.

May iilan din tao ngayon dito sa sementeryo. May nagtitirik ng kandila, naglalagay ng bulaklak at meron din masayang nagpipicnic.

"Nakakakita ka rin ba ng ibang multo?" biglang tanong ko kay benji habang naglalakad kami.

"Ha?" napatigil naman sya sa paglalakad kaya tumigil din ako at humarap sa kanya.

"Nakakausap mo rin ba ang mga kapwa mong multo?" tanong ko sa kanya.

"Ahhh hindi. Wala pa nga akong ibang nakikitang multo." Sagot nya sakin at hindi ko naman napigilan maging malungkot.

Akala ko kasi dahil multo sya nakakakita at nakakausap nya din ang ibang multo. Na baka nakikita at pwedeng nyang makausap ang kaluluwa ni nanay.

"Ahhh ganun ba... akala ko pa naman... nevermind nasan na ba yung puntod mo?" pagiiba ko ng usapan at pinilit ngumiti ulit sa harapan nya.

"Ayun o!" mabilis na sagot nya sabay turo sa puntod na malapit na nga sa amin ngayon.

"Wag kang mag-alala cath pag nabigyan ko na ng hustisya ang pagkamatay ko ang una kong hahanapin sa langit ay si tita Maderine." out of nowhere na sabi nya. Na-touch naman ako dun pero ayoko ng umiyak dahil kanina pa akong kota sa puntod ni nanay kaya pinilit ko na lang pagaanin ang paguusap naming dalawa.

"Sigurado ka bang sa langit din ang punta mo" natatawang tanong ko sa kanya.

"Alam mo panira moment ka cath! Papunta na tayo dun sa momentum e... dapat matotouch ka at magsasabi ng mahabang speech habang naiyak pero ano ginagawo? Moment-wrecker! " Inis na sabi nya sakin.

Natouch naman ako sa sinabi nya pero ayoko lang lang talaga magdrama ngayon kaya imbes na patulan pa ang pagdradrama nya ngayon ay iniwan ko na sya at nagsimula ng maglakad papuntang puntod nya pero napatigil din naman ako kaagad.

"Bakit ka tumigil moment wrecker?" tanong ni benji sa akin.

"Sigurado ka ba talaga na dun ang puntod mo?" Baka mali lang ang alala nya at yung katabing puntod naman talaga ang sa kanya at hindi yung tinuro nya kanina.

"Oo naman sigurado ako." sagot nya sakin.

"E sino yung nasa may puntod mo?" tanong ko sa kanya habang tinuturo ang babaeng kalalagay lang ng bulaklak sa puntod nya.

Malapit-lapit na din naman kami sa puntod nya kaya kitang-kita namin dito ngayon ang babae pero dahil nakatalikod sya ay hindi ko makita ang mukha nya.

"sya yung..." laking gulat ko naman ng biglang tumagilig sya at sapat na yun para makilala ko sya. Oo kilala ko ang babaeng umiiyak ngayon sa harapan ng puntod ni benji.

Paano ko ba makakalimutan ang napakang mukha nya. Sya yung babaeng nakita ko sa may bulletin board noon na wagas kung makatingin sa picture ni benji. Wait ano nga ulit ang pangalan nya...

"PAIGE?" "MAHAL!"

---------------------------<3

happy halloween guys! ^_^

<3

I am courted by a GHOST! ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon