My head jerked toward her.

“Naloko ko siya?”

“Hinulaan ko lang,” sagot niya. “Diba babae siya? No doubt kung gano’n ang rason niya.”

Hindi ako umimik. Bigla siyang ngumiti at bumitaw sa kamay ko. Dumukot siya sa wallet niya at sinabing, “Wait, dito ka lang, ah? Bibili ako ng ice cream.”

Tumawid siya sa kabilang highway para pumunta sa isang ice cream stand na nandoon. Gaya ng sinabi niya, nag-stay ako sa sidewalk, habang pinagmamasdan lang ang mga taong dumadaan sa paligid ko. Pagtingin ko sa kanya, hawak niya na ang dalawang cup patawid.

Tumayo ako mula sa pagkakasandal ko sa poste nang marinig ko ang harurot ng sasakyan sa kabilang lane. Nilingon ko agad si Irish na wala man lang idea sa paparating na kotse sa daraanan niya.

I ran toward her, as fast as I could imagine. I swear my heart skipped a tiny beat.

Dali-dali kong hinila ang braso niya papunta sa gitna ng lane—eksakto sa pagharurot ng black tinted Nissan car.

Mabilis ang takbo ng sasakyan pero mas matalas ang mata ko para sundan ang plate number niya.

I nearly froze when I saw the number. Why?

 
“Okay lang ba kayo?!”

Bumalik ang ulirat ko nang lumapit sa’min ang isang matandang lalake na malamang, nakasaksi sa nangyari. Hindi ko siya nasagot. Pinagmasdan ko lang ang katawan ni Irish kung may sugat o wala.

“Shit, it almost killed you,” I hissed.

Kahit si Irish, hindi na nakapagsalita. Naramdaman ko rin ang panlalamig niya. Malamang, nabigla rin siya sa nangyari. May ilang tao na napahinto sa ginagawa nila, at nakatingin sa amin. Alam kong natataranta si Irish kaya niyakap ko na lang nang mahigpit.

Hinila ko ang kamay niya pabalik sa parking lot. Pinasakay ko siya sa kotse, pinakabit ng seatbelt at nag-drive ako palabas.

“Irish, pwede ba mag-ingat ka naman,” naiinis na sabi ko sa kanya habang nagmamaneho. “Pa’no na lang kung wala ako kanina? Kung walang nakakita sa sasakyan?”

She covered her face with both hands, sighing.

“I’m sorry! Hindi ko naman alam!”

“Hindi palaging magkasama tayo! Siguro nga naswertehan ka lang kanina, pero pa’no kung—“ nag-preno ako sa stoplight at hinampas ang manibela. “Muntik ka nang mamatay kanina!”

“Sige na, kasalanan ko na!” Inalis niya ang kamay niya sa mukha. “Sorry kung sobrang saya ko at di na ako aware sa paligid ko!”

Humigpit ang hawak ko sa manibela, at humarap sa bintana. “Concern lang naman ako.”

Pinaandar ko na ulit ang sasakyan bago siya umimik.

“Hindi ko makita ang point kung bakit ka galit. Concern?” she scoffed. “Kung concern ka, hindi ganyan ang tono mo. Hindi mo ‘ko sinasagawan, at hindi ka galit!”

“Because I was fucking scared!” Bumusina ako sa kotse sa harap. “Puta, tabi!”

“I’m alive!” tinaas niya ang mga kamay niya. “Wala kang dapat ikatakot kasi buhay. Ako.”

 
It took me a few exhales to relax.

“I’m sorry.”

Tumahimik na ulit ang kotse kaya mas kumalma na ang utak ko. Pero hindi ibig sabihin no’n, palalagpasin ko ang taong nagmamaneho ng sasakyan kanina.

Nag-merienda kami ni Irish sa isang fast food chain at hindi gaanong nag-usap. Wala na rin ako sa mood para magsalita nang magsalita. Pakiramdam ko, lahat ng lumalabas sa bibig ko, magsisimula ng away namin.

Pagkatapos no’n, bumalik din kami sa sasakyan para ihatid siya sa unit niya. I had much energy na ihatid siya hanggang sa pinto, pero nang yayain niya akong mag-stay, tumanggi na lang ako.

“Di na. May importante pa kasi akong pupuntahan,” sabi ko sabay tingin sa wristwatch.

“Sigurado ka? Mukha ka kasing pagod.”

“I’m okay.” I curved my lips upward. “I’m okay.”

“Sige, bye.” She tiptoed to reach for my cheeks. “Mag-text ka sakin kapag nakauwi ka na, ha.”

Tumango na lang ako at hinintay siyang pumasok sa loob. Pagkasara niya, nag-dial agad ako sa cellphone at tinawagan si Jeff—isa ring HoA member na kaibigan ni Gio.

“Hey, what’s the matter?” he asked beforehand. “First time mo yatang d-in-ial ang number ko.”

“Si Gio?”

“Gio?”

Pumasok na ako sa elevator, kasabay ang isang matandang babae, at pinindot ko ang ground floor.

“Oo, si Gio. Nasa’n siya? Kailangan ko siyang kausapin.”

“Uh…, actually kapapasok niya lang sa bar na pinagtatrabahuhan ko. Umiinom sa sulok, e. Gusto mo tawagin ko?”

“Hinde.”

“Oh,” nahalata ko ang pagtataka niya. “Okay.”

“Don’t tell him I asked.”

“Okay…”

Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]Where stories live. Discover now