Chapter 10

3.5K 82 9
                                    

© Shupershimmer


"Si Ivan..." narinig kong bulong ni Irish habang nakapikit ako. "Never siyang natulog sa tabi ko. Sabi niya ayaw niya dahil di raw siya makatulog."

"Hindi niya ginawa 'to?" tanong ko habang nakapikit parin sabay higpit ng yakap sa kanya.

Tumango siya.

"You mean, never kayong nagtabi sa kama?" sarcastic yung pagkakatanong ko. "That's bullshit."

Narinig ko yung pag-ngisi niya. "Duh. Nagtatabi kami, pero hindi hanggang sa makatulog. You know."

I got it.

"Pwedeng magtanong?" tanong ko sabay dilat.

"What?"

"Gusto mo bang makilala ang tatay mo?" tumingala siya sakin habang nakakunot ang noo. "I mean, kung... gusto mo lang."

She smiled with a quiet sound. "Hinde."

"Bakit?"

"Basta. Ayoko." She removed her hand on my waist and laid her back on the mattress, facing the ceiling. "Nakarating naman ako ng 22 years nang wala siya. Keri na."

"Pa'no kung... mayaman na ngayon 'yon?" I grinned. "Ayaw mo no'n? Mayaman ka na? Instant money."

Nag-make-face lang siya, sabay ikot ng mga mata. "Kahit na 'no. Kanyang-kanya na 'yong pera niya. Dalhin niya sa heaven. O kung sa hell man siya."

Hindi na 'ko sumagot. Kung tutuusin, wala palang dapat problemahin si Miguel dito—yung nag-utos na patayin si Irish. Pero wala naman akong magagawa, dahil gaya ng tagline ko, she's meant to die. Malay ko ba kung magbabago ang isip nito?

"Ikaw, nasa'n ang parents mo?" she glanced sideways. "Mukhang mag-isa ka lang sa unit na 'yon."

"Di ko ba nasabi sa'yong lumaki ako sa ampunan?" I lied. "May matandang nag-alaga sakin pero matagal na siyang patay. Diabetes."

She looked so shocked the moment I told her my made-up story. Everytime na may magtatanong sakin—especially my subjects—kung nasaan ang parents ko, 'to lagi ang sinasabi ko. Private information 'yon ng lahat ng kasama ko, at hindi pwedeng ipaalam sa iba.

"Sorry," sabi niya lang.

Natahimik na naman siya dahil nakatitig lang siya sa alikabok ng kisame niya. Ako naman, ini-examine ko ang mukha niya. Hanggang sa iniisip ko kung sa paanong paraan ko siya tatapusin. Injection, gaya kay Selina? Car crash? Nagawa ko na 'yon nang limang beses. Gunshot? Uh, dalawang beses na yata 'yon. Isa kay 2nd at isa kay 6th. Pwede ring takpan ko na lang ng unan ang mukha niya... ngayon mismo.

Bigla siyang lumingon sakin at ngumiti. Nahuli niya kasi yung pagtitig ko sa mukha niya.

"Gustong-gusto mo talaga ako, 'no?" she raised her eyebrow.

"Talk for yourself," sagot ko. "Ikaw nga 'tong nagyayang tumabi sa'yo, e. Di ka ba natatakot?"

"Bakit naman?" tanong niya na may halong tawa.

Ako naman ang nagtaas ng kilay pero bahagya lang. "I'm a man. I can just rip off your clothes, and fuck you here." Napataas din ang kilay niya. "Hindi ka ba natatakot dahil hindi mo boyfriend ang katabi mo?"

"Edi gawin mo," she confidently replied, grinning. "Ano?"

Inalis ko ang tingin ko sa kanya sabay tawa. Umiling lang ako.

"Sorry, pero hindi ako mahilig sa one night stand," sagot ko. "Naghahanap kasi ako ng 'next time.'"

Namula siya, at binalik na naman ang tingin. "So... wala palang 'tayo'?"

Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon