Chapter 13

3.1K 81 17
                                    

© Shupershimmer

“Adam….”

Hinawakan ko si Irish sa balikat. “What happened?”

Hindi niya sinagot ang tanong ko. Bigla na lang siyang umiyak sa dibdib ko habang nakatakip yung dalawang kamay sa mukha niya. Napatingin ako sa pulis na nakaupo sa isang lamesa at tinitignan niya lang din kami.

“Ikaw na ba yung guardian?” tanong sakin nung pulis na parang nagdududa pa yata sa’kin.

“Ako yun.”

Tumango lang siya sabay tayo. “Nagkita sila ng kapatid niya kanina. Tinawag niya lang yung naka-duty sa kalsada na ‘yon kaya nakatakas yung kuya niya.”

“Kuya?” bulong ko kay Irish. “Irish, nakakulong siya, diba?”

“Isang buwan na siyang nawawala sa kulungan,” sagot ng pulis. “Pwede mo na siyang iuwi.”

“Thanks.”

Hinatid ko si Irish sa kotse pero hindi ko muna siya hinatid sa kanya. Hinintay ko muna siyang maka-relax bago ako nagsimulang magtanong.

“Tell me what the hell happened to you,” naiinis na tanong ko sa kanya.

Hindi siya makatingin sa’kin no’n tapos mugtong-mugto pa ang mata niya. Sa tingin ko nga, pwede nang pigain yung panyo ko na binigay ko sa kanya kanina, e.

“Irish.”

“Si Kuya,” she sobbed. “Biglang nagpakita kanina tapos hinawakan ako sa braso.”

“And?”

Yumuko pa siya na parang ayaw niyang sabihin ang nasa isip niya. I could sense she’s nevous and her lips quivered. She looked so pale like she had just seen a scary ghost.

“Pinipilit niya akong magbigay ng pera,” pinunas niya ang panyo sa mata niya. “Adam, tinakot niya akong papatayin niya ako pag di ako nagbigay, e.”

“Alam mo bang nakatakas ang kuya mo?”

Umiling siya. “Hinde. Ngayon ko lang siya nakita.”

Natahimik ako saglit at pinatong ang dalawang kamay ko sa steering wheel. I sighed, and shut my eyes. When I opened them, I threw a question to her.

“Bakit ka umalis kanina nang di sinasabi sakin?” lumingon ako sa kanya. “Ten minutes lang naman ang hiningi ko, e. Tapos aabutan kitang wala?”

“E naiinis ako, e,” diretsong sagot niya na parang hindi niya pinagsisihan yung sinabi niya sakin.

“Naiinis,” ulit ko. “Tignan mo ang nangyari sayo, muntik ka na sa kuya mo. Kung sana, hinintay mo ko—“

“Adam, kanina pa ako naghihintay sayo,” she interjected, raising her eyebrow. “Ang usapan, usapan. Pero ano’ng oras ka dumating? Sino bang di maiinis sa gano’n?”

My mouth suspended in a moment, then closed.

“What?” nakakunot na yung noo ko. “Dahil lang do’n? Ganyan ba kakitid ang utak mo?”

“Oo, makitid.” Tinignan niya ako nang mata sa mata, at kahit ako hindi ko siya magawang tignan. “Nasaan ka ba kagabi? Hindi mo nasagot ang tawag ko.”

“I was drunk.”

“Sino’ng kasama mo?”

Nagpantig na naman ang tenga ko, gaya ng naramdaman ko kanina no’ng tinatanong ako ng detective na ‘yon tungkol sa pagkamatay ni Selina. Nakakapang-init ng ulo.

“I WAS DRUNK. Di pa ba sapat ‘yon para maging dahilan kung ba’t di kita nasipot nang oras?” magsasalita pa sana siya pero pumigil ako. “Stop it, Irish. Ayokong mag-away tayo nang dahil dito.”

Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon