Chapter 29

1.7K 55 14
                                    

© Shupershimmer

I’ve never been this comfortable in my life. Never been this happy.

Kung may bagay siguro akong gustong balikan, ‘yon, e, ang baguhin ang desisyon ko no’ng college ako. Kung pwedeng balikan ang nakaraan, tatanggihan ko ang trabaho na ‘to no’ng nag-aaral pa lang ako.

At kung possible man ‘yon, sana magawa ko ngayon.

I just realized how cruel I was, and I am. Hindi ko alam kung paano at saan ako kumuha ng lakas ng loob na gawin ‘yon—siguro dahil punong-puno ako ng galit buong buhay ko. At ngayong masaya ako, gusto ko nang mag-stay sa ganito.

How I wished Irish never came into my life. I should’ve not thought any of these fucking thoughts.

“Natahimik ka yata?” tanong ni Irish sabay hawak sa kamay ko. “Parang ang lalim-lalim naman ng iniisip mo?”

I gazed at our hands, while walking in the sidewalk. I thought, I still must do it.

 

“How can you know if someone’s having a problem?” I asked her after a couple of thoughts. “You seem to be expert with this.”

Tumaas lang ang isang kilay niya. “Talaga? Hindi ko alam. Masyado ka kasing transparent. Alam na alam ko kung may gumugulo sa’yo.”

“Transparent?” Ako naman ang napataas ang kilay. “Do you see it when I want to just hug you?”

Yumuko siya habang nakangiti sabay tango sakin.

“Do you see it when I want to kiss you?” dagdag ko.

“I see it,” sagot niya saka ako tinignan. “At kahit nag-aaway tayo, I know you feel sorry.”

“I always feel sorry. For you.”

Hindi siya nagsalita pero pinagmasdan niya ako nang ilang segundo. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad tapos hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. I feel sorry.

“Can you keep me a secret?” tanong ko sa kanya.

“Ano?”

“Kung darating ang time na malalaman mong patay ako, wag kang magugulat.” She seemed to be attentive. “I guess, someone’s trying to kill me, Irish.”

“Pa’no mo naman nasabi?”

Nagkatinginan muna kami pero umiwas din ako. Nag-hesitate pa akong magsalita dahil baka mas dumami ang mga tanong niya hanggang sa masabi ko ang di dapat. Nonetheless, I spoke up.

“The incident that happened in my unit, actually, I half-expected it to happen.” I sighed. “Ilang beses din akong nakatanggap ng death threats.”

Hindi ko alam kung naniniwala si Irish sa sinabi ko pero neutral lang ang reaksyon niya. Mukhang hindi niya kaya i-absorb ang sinabi ko dahil sa bigla.

“Na-report mo ba sa pulis ‘yan? May nakasakit na ba sa’yo? K-Kilala mo ba kung sino?”

Hindi ko sinagot ang unang tanong niya. Hindi ako pwedeng magkaroon ng connection sa police dahil baka makalkal pa ang background ko. Mas malaking problema pag nagkataon.

“She’s…” nagdalawang isip ako at tumingin sa mata ni Irish. “She’s… part of my past.”

“She.” Yumuko siya, at biglang natawa nang bahagya. “Siguro obsessed siya sa’yo, Adam? Baka hindi niya matanggap na naloko mo siya. Kasi diba, may mga gano’n? Sa sobrang obsession, nagiging criminal na ang utak. May mga napanuod akong ganyan…”

Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon