Chapter 11

3.3K 79 17
                                    

© Shupershimmer

“So, congratulations!” ch-in-eers ni Gio ang baso ko at baso niya. “Level 3.”

Ininom ko ang alak na laman ng baso ko at nilapag ko agad sa counter. “Not so fast. Wag mo muna ako’ng i-congratulate; nagsisimula pa lang ako. Wala pa akong reward.” I grinned.

Nagsalin ulit siya ng alak sa baso niya at inikot-ikot ang baso sa ibabaw ng counter. Inalis niya ang yosi sa bibig niya at bumuga ng usok.

“Well, at least, karapat-dapat lang i-celebrate. Akala ko masyadong pa-chicks ‘yon, e.”

“Akala ko rin, e.”

We enjoyed our night, drinking beer. Smoking. I didn’t usually smoke—not like Gio—but I did, sometimes.

Paikot-ikot lang ang naging usapan pero di na tungkol sa mga naging subject namin. Napag-usapan lang namin ang isa sa HoA member na ayaw tapusin ang trabaho niya dahil sa ‘nakokonsensya’ na raw siya. Natawa lang ako sa kinuwento ni Gio.

“Gago pala siya, e,” sabi ko sabay iling. “Ba’t siya pumasok sa gan’to kung di niya pala kaya? Engot ba siya?”

Natawa na lang si Gio. “Ewan. Basta ang alam ko, tinatarget na siya ng admin. He’ll be dead.” I laughed.

Naubos na ang six bottles na inorder namin kaya tinawag niya ang bartender para magpakuha ng another six, pero nagsalita ako.

“Gio, ayokong malasing. May lakad ako bukas.”

“What!?” Naamoy ko sa hininga niyang lasing na siya. Nakasandal na rin siya sa counter. “Puta! Ang killjoy mo naman, e!”

“Magkikita kami ni Irish."

He chuckled, almost sarcastic. “Napaka-loyal mo naman. Mag-i-enjoy lang tayo ngayon. Magsaya ka naman; puro ka trabaho, e.”

“Kung gusto mo ikaw na lang uminom.”—I nodded toward his beer—“Malapit lang naman ang unit mo rito.”

“O sige,” sabi niya habang inaayos ang pagkakaupo sa stool. Sinandal niya ang dalawang siko niya sa gilid ng counter at hawak ng kamay niya ang baso ng beer. He gestured around the bar. “Gusto mo ng babae? Ang dami, oh. Ipakilala kita.”

Umiling ako, at tinaasan siya ng kilay. “Talaga lang.”

Dumukot siya sa bulsa ng leather jacket niya at nilabas ang another pack ng yosi. Nagsuksok siya ng isa sa bibig at nagsindi. “Sige! Ano, sino dyan?”

“Tarantado.”

Maya-maya, may kausap na kaming dalawang babaeng magkasama—Shelly at Rob. Basta na lang ako niyaya ni Gio na magpunta sa table nila at pinakilala niya ako bilang barkada.

“Guys, si Adam, tropa ko,” malakas na sabi niya para marinig sabay tapik sa likod ko. “Adam, Shelly, and Rob.” Tinuro niya isa-isa.

Umupo ako sa tabi ni Shelly at di kami nag-uusap. Lasing na si Gio kaya siya ang maingay sa mesa habang kausap silang dalawa. Nakahugot pa siya ng kapal ng mukha na magbitaw ng pinakamababantot na joke sa balat ng lupa. At wala pang isang oras, nakapulupot na ang bewang niya kay Rob. How fast.

Dinampot ko ang pack ng yosi ni Gio sa mesa at kinuha ang natitira. Habang nakaipit ang stick sa labi ko, narealize kong wala akong dalang lighter.

Nilingon ko si Shelly na nagsasalin ng alak. “May lighter ka?”

She smiled, and her white teeth glowed amid the darkness. Even her cheeks went upward when she did it. I gazed at her lips, slightly parted.

“Nagyoyosi ka tapos walang dalang lighter?” biro niya. “Seriously?”

Kiss and Kill [SEASON 1 & 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon