XIII

1.3K 42 1
                                    

Scared

Lumipas ang tatlong araw at balik eskwela na si Luna. Maraming nagbago noong pumasok siya.

During the days na nasa mansyon siya ay nagamit ito sa pagbabalik-tanaw ni Luna noong sa Brookeshire pa siya nakatira. Some of her memories are still foggy but Isaac was there to fill in. Nahihiya pa rin si Luna sa lalaki but she can’t deny the pull she felt towards him when they met at the bread shop.

Pinilit niya si Isaac na pabalikin siya sa pag-aaral dahil hindi pwedeng itigil niya na lang ang buhay niya dahil sa nangyari sa kanya. Di niya tinigilan ang lalaki hangga’t sa di ito pumayag na pabalikin siya. Takot itong baka may mangyari na naman kay Luna na di maganda.

Hindi madaling matakot si Isaac pero pagdating kay Luna ay di niya mapigilang mangamba lalo na't nasa paligid lang ang kalaban.

Naninibago siya sa mga nangyayari dahil una, nakaka-usap niya ang ibang myembro ng Reapers, pangalawa palagi niya itong kasama, at pangatlo ay medyo nahihirapan siyang maghabol sa mga lessons.

Nangangapa pa nga siya nung una dahil sa halos iba ang pinag-aaralan dito sa dati niyang eskwelahan. Medyo naiilang pa nga siya sa mga tingin na binibigay ng mga estudyante sa kanya, lalo na ang mga kababaihan. If looks could kill, she would be six feet under the ground.

Lalo na ngayon at kasama niya sina Ezekiel, Jace at Jad. She felt like she was in a chick flick movie. Wala naman si Umi dahil may ginagawa ito ngayon kasama si Isaac.

Napahilamos si Luna ng mukha dahil naaasiwa siya sa tingin ni Jace sa kanya.

"Gosh Jace! Please lang wag mo akong titigan. Ginagawa mo akong specimen sa mga tingin mong yan, eh," naiirita niyang sabi.

From those days where she was isolated from the world ay naging close na siya sa tatlo, well medyo lang.

"Can't help it. I was just wondering kung ano ang nakita ni Isaac sa'yo. Yes you smell good and you're beautiful, but you're too naive and childish." Ani Jace habang nakasandal sa upuan.

Napangiwi naman si Luna sa sinabi nito she smells good parang kinompare siya sa pagkain. Pero tama naman and sinabi nito sa kanya lalo na yung sa naive at childish part. Simula kasi nung nagising uli, parang nagiba siya, the way she act hindi na siya masyadong tahimik navo-voice out niya na ang gusto niyang sabihin.

She unconsciously retort back when someone argues with her. Lalo na kung si Jace o Ezekiel ang kadebate niya.

"Pakealam mo?! Hindi naman kita inaano diyan, will you stop staring and do something else, nang makakain ako ng matiwasay dito?" Inis niyang sabi, magsasalita sana ulit si Jace ng pinutol iyo ni Luna at tinutukan ito ng tinidor, "Sige! Magsalita ka pa. Sasaksakin kita ng tinidor."

Jace looked at her, bewildered, but at the same time amused. Napailing nalang siya sa ginawa ng babae.

Seriously? She'll stab me with a fork? What an unbelievable girl. Isip niya

Nagpatuloy naman si Luna sa pagkain, hindi niya na lang pinansin ang mga nanlilisik na tingin na binibigay ng mga kababaihan sa kanya. Gutom siya kaya walang makakapigil sa kanya.

Lihim namang napatingin si Ezekiel sa dalaga habang nagbabasa siya ng libro. Hindi niya maintindihan ang sarili, parang may kung ano sa dalaga na humihila sa kanya patungo rito. Sa kanilang tatlo siya ang palaging kasama nito.

Shit! What am I doing?! Umiwas siya ng tingin at binalik ang atensyon sa libro.

Pero huli na, dahil nakita ni Jad ang pagtingin nito sa dalaga. Alam niyang may pagtingin ito sa dalaga, at alam niya ring pinipigilan ng binata ang nararamdaman nito.

That's right Ezekiel, don't try to go in if the doors already close. Isip nito

Nang makauwi na silang lahat ay nagkanya-kanya na silang punta sa kani-kanilang mga kwarto. Sa mansyon na kasi sila ni Cecilia nakatira sa utos na din ni Isaac.

Pagpasok niya sa kwarto ay agad siyang humilata sa kama at napatitig sa kisame, parang sasabog ang utak niya sa patong-patong na assignment na binigay sa kanila ng mga teacher nila. Pero okay na rin yun, para di niya maisip ang mga nangyari.

Then a crazy idea came to her. Naupo siya sa harap ng study table niya at kumuha ng isang ballpen sa pen holder niya at nilapag ito sa harap niya. She closed her eyes and breathed deeply.

Concetrate. Isip niya. She held her right hand in front of her. Glared at  the ballpen.

Lumutang ka. Sige na…

Pero kahit anong gawin niya ay nanatiling nasa lamesa ang ballpen. She sighed exasperatedly. She was confused, paano niya nagawa iyong ginawa niya sa lab. She wants to do it again, but how?

Naisipan niya na lang na maligo muna pagkatapos ay umidlip ng konti bago gawin ang assignments niya. Tumayo siya at pumasok sa banyo at naghubad ng damit.

She turned the on the shower with hot water at naligo, then pinuno niya ng maligamgam na tubig ang bath tub at naglagay ng scented liquid sa dito. She let herself relax habang nagbababad sa tubig. The first time na nasubukan niya ang bath tub ay nagustuhan niya agad ito.

Everything really did change, hindi niya aakalain na magiging ganito ang takbo ng buhay niya. She smiled bitterly, parang kailan lang she was trying to make herself invisible to others. Pero ngayon siya na ang pinag-uusapan.

Hindi niya namalayang nakaidlip na pala siya sa kakaisip.

Kakarating lang ni Isaac sa mansyon dahil may inasikaso pa ito sa ibang lugar. Nakita niyang pababa si Jad sa hagdan.

"Jad, where's Alexie?" Tanong nito sa binata.

Sa kanilang lahat siya lang ang tumatawag sa dalaga sa ikalawang pangalan nito.

"Baka nasa kwarto niya." Nagkibitbalikat ito.

Tumango lamang si Isaac bilang tugon at dumiretso sa kwarto ni Luna. He knocked but no one answered, knocked again but still none. He called out saying he was coming in. Pagpasok niya ay wala si Luna sa loob, he noticed steam coming out below the door to the bathroom and figured out that Luna was inside.

Paalis na sana si Isaac at mamaya na lang niya ito kakausapin ng biglang may narinig siya sigaw. Mabilis pa sa kidlat na pumunta si Isaac sa banyo at nakitang sinasakal ng dalaga ang sarili.

"Alexie!" Inahon ng Isaac si Luna sa tubig at pilit na inaalis ang mga kamay nito sa leeg. "Shit, Alexie!"

Hindi niya pinansin ang hubo't hubad nitong katawan dahil sa sobrang taranta. Ilang sandali pa at muling napasigaw ang dalaga at nawalan ng malay.

Kinuha ni Isaac ang towel, at binalot ito sa dalaga. Dinala niya ito sa kama at inihiga ito.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa ang mga kasama nito sa bahay.

"Narinig naming may sumisigaw!" Natatarantang saad ni Cecelia.

"Was it her?!" Ani Anna

Napatingin silang lahat kay Luna na ngayon ay natutulog. Umupo si Isaac sa tabi ni Luna at hinaplos ang pisngi nito.

"What happened?" Ani Ezekiel

"I don't know. When I was about to leave narinig ko siyang sumigaw." Mahinang saad ni Isaac.

He felt useless, dahil di niya alam kung ano ang nangyayari sa babaeng mahal niya. Ilang sandali pa at unti-unti nang nagigising si Luna.

"Ice..." Wala sa sariling sabi niya.

"I'm here baby, I'm here." Pinahiga niya ang dalaga sa dibdib niya. "What happened, baby. Can you tell me?" Malambing na sabi niya sa dalaga. Tumango naman ito bilang tugon.

"I-I heard voices, marami sila. They were shouting at me, then naramdaman kong may sumasakal sa akin, then bigla itong nagsalita. It has the same voice from the last time, he keeps saying na kukunin niya ako. I'm scared, Ice, I'm scared." Di napigilan ng dalaga ang pag-iyak.

Walang nagawa si Isaac kundi ang ang yakapin ang dalaga and whispering her with comforting words.

The Alluring ScentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon