XII

1.4K 35 1
                                    

Just damn

Matapos ang nangyari kay Luna mas lalong nag-alala at naguluhan ang mga taong nasa paligid niya. Maging si Luna ay takot ang nararamdaman ngayon dahil sa nakita.

Hindi parin maalis sa isip niya ang mga sinabi kanina ni Isaac, pati na rin ang markang nakatatak sa kaamay niya.

Ancient mark...

Paano siya nagkaroon ng ganito? Masyadong maraming nangyari sa araw na ito, kaya ni kumain di niya magawa, kaya mas lalo lang nag-alala ang tiyahin.

"Luna, kumain ka na. Hindi makakatulong sayo ang di pagkain," aniya. Hawak-hawak ni Cecilia ang isang mangkok ng lugaw, ito lang muna ang ipapakain sa kanya madali lang itong malunok ni Luna dahil naghihina pa rin siya.

Sa halip na sagutin ang tiyahin ay nanatiling nakayuko si Luna. Di naman makita ni Cecilia ang mukha ng pamangkin dahil nahaharangan ito ng buhok niya.

Marahang hinawi ng tiyahin ang nakahatang na buhok ng pamangkin para makita ang mukha nito, she was startled to see her niece crying.

"Lu-Luna, please wag kang umiyak," nagaalalang sabi ni Cecilia.

Medyo nagulat naman si Luna sa sinabi ng tiyahin, she didn't even notice na umiiyak na pala siya.

Marami lang talaga siyang iniisip kaya miski ang tumutulo niyang luha at ang gutom ay di niya na maramdaman. She was frustrated, and too confused.

Hindi niya na mapigilan ang nararamdaman at napahagulhol na lamang siya.

Why her? Why would this things happen to her so suddenly? She wanted to stop what is happening to her.

Malungkot na pinagmasdan na lang ni Cecilia ang pamangkin. Sobra siyang nag-aalala para sa buhay ni Luna, madalas ay sinisisi niya ang sarili kung sana ay di na lang siya pumayag na dalhin si Luna sa bayan ay hindi sana ito nangyari.

Pero alam niyang kahit ayaw niya ay hindi pa rin siya ang masusunod dahil ito ang utos ni Isaac sa kanya.

Pinahiga ni Cecilia si Luna sa kama para makapagpahinga ito muli. Mamaya niya na lang ito papakainin. She decided to hum Luna a lullaby habang hinahaplos nito ang buhok ng dalaga.

"Cecilia."

Napa-lingon si Cecilia, at nakitang kay Isaac galing ang boses na iyon.

"Ako na ang bahala dito, maari ka ng magpahinga," ani Isaac.

"Ngunit mahal na prinsipe-" hindi na natapos ni Cecilia ang sasabihin nang napagtanto niyang ayaw ni Isaac ang hindi sinusunod ang inuutos nito. "Paumanhin mahal na prinsipe."

Isaac is born from the lineage of the first vampires and is a candidate for the throne, pero ni minsan hindi ito ninigyang pansin ng lalaki. He only wants to live normally without too many responsibilities with the one he loves.

Dahan-dahang tumayo si Cecilia sa kama dahil nakatulog na si Luna sa kakaiyak at pagod. Cecilia bend down to give Luna a kiss on her hair.

"Lalabas na po ako mahal na prinsipe." Paalam niya sa lalaki, at lumabas na.

Di niya agad naisara ang pinto at nakita ang dahan-dahang pag-upo ng lalaki sa tabi ni Luna at kung paano nito haplosin ang mukha ng dalaga, na para bang isa ito babasagin na isang maling galaw lang ay mawawasak ito.

Cecilia can't help but smile at what she is seeing right now. She knew na wala nang mangyayaring masama sa pamangkin hanggang nasa tabi nito ang prinsipe. She closed the door quietly and went to the kitchen.

Isaac can't help but stare at Luna's beautiful face, kahit na minsan ay kumukunot ang noo nito. Maaaring nananaginip.

"Isaac... Isaac…" She kept repeating his name every once in a while.

The Alluring ScentWhere stories live. Discover now