VI

2K 49 7
                                    

Reapers

Friendship.

Iyan ang nahanap ni Luna kay Umi. Hindi niya alam kung gaano na katagal noong huli siya nagkaroon ng ganitong commitment sa isang tao. Yes, she consider friendship as a commitment not just a shallow relationship. Sometimes Luna becomes overwhelmed by her bright and loud attitude, but she thinks she needs someone like that.

Yumiko would sometimes tell her that she hates his brother kasi sobrang sungit daw. Kaya naman sinasabihan niya ito ng pangit pagnaka-talikod, pero kapag nasa harap niya naman na ang kapatid ay parang anghel naman siya. Hindi niya talaga maintindihan ang magkapatid minsan.

Hindi maiwasan ni Luna ang mainggit sa kaibigan, ni pinsan wala siyang kakilala. It was only her, her parents, lola, and aunt. But instead of thinking of what’s not present in her life, she tries her best to appreciate what she has.

Both of them are heading to the cafeteria nang biglang tumigil sa paglalakad si Umi dahil nakalimutan niyang kunin iyong libro niya na naiwan niya sana sa locker. At dahil nasa likod lang niya si Luna ay nabangga siya sa likod nito.

"Ouch!" Napahawak si Umi sa likod ng ulo niya dahil nagkabanggaan sila ng ulo ni Luna.

"Ops, sorry!" Nag-peace sign na lang si Luna sa kaibigan.

"You know what, you've been spacing out since this morning. Is something going on?"

"Ah, kanina pa kasi ako gutom, eh." True enough, hindi kasi siya nakakain ng maayos noong agahan kakaisip sa nangyari sa kanya kahapon sa town library.

Umi watched her friend smiling at her like nothing is wrong kahit na pakiramdam niya ay meron talaga, she can only sigh. "Ok, mauna ka na sa cafeteria. May naiwan akong libro sa room na ilalagay ko sa locker."

"Sure, sure." She nodded a couple of times.

Hindi muna dumiretso sa cafeteria si Luna, bagkus ay sa locker area muna siya pumunta para ilagay yung gamit niya at kunin yung librong gagamitin para sa susunod na klase. Pagdating niya sa locker area, wala ng tao doon. Siguro nasa cafeteria na or garden ng school may mga tables din kasi doon. Dito niya na lang din hihintayin si Umi

She opened her locker and placed her books neatly. When she was about to close it, she felt someone behind her then began to sniff her neck.

Nanigas si Luna, hindi alam ang gagawin. Then she heard the strangers voice full of desire, like he's the predator and she's his prey.

"Hmm... so you're the one causing that sweet smell." A low growl came out from his mouth, his lips slightly brushing on her ears.

She turned around at tinulak ng malakas ang lalaki, pero nagresulta lang ito sa isang hakbang ng lalaki paatras. Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa, naka-uniform ito katulad ng ibang studyante sa eskwelahan, his hair was brown and messy, may singkit itong mga mata, matangos na ilong, manipis na labi na may piercing. He kinda look like someone.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?!" Galit na sigaw ni Luna. Imbes na sagutin siya nito ay ngumisi lang ito at lumapit sa kanya. "W-wag kang lalapit." Kinakabahan niyang banta sa lalaki.

Lalong ngumisi ang lalaki sa kanya nang makita ang takot sa mga mata ng dalaga. He leaned down and whispered at her.

"Mag-iingat ka. Hindi lang ako ang nakaka-amoy sa iyo. Marami kami, at hindi ka magiging ligtas sa paaralang ito o sa lugar na ito. Mas mabuting umalis ka na lang." She shivered upon hearing those words.

"A-anong ibig mong sabihin?"

"You'll understand soon, but not now." She's still not moving, as if may nagpapatigil ng katawan niya sa paggalaw.

Nang tumalikod ang lalaki para umalis ay naglakas siya ng loob na magsalita. “Teka! Katulad ka rin ba nila? What do you mean na ‘kami’? Marami ba kayo?” She bombarded him with questions, but the guy only paused then continued walking. “Hey!” Tawag niya ulit dito pero parang wala itong narinig at napa-tuloy lang sa paglalakad.

"Luna?" mabilis siyang napalingon sa nagsalita at nalamang si Umi pala iyon. Nagpapalit-palit siya ng tingin kay Luna at sa lalaking papalayo sa kanila.

She felt so frustrated. What the hell is he talking about? Connected ba yung sinabi niya sa pag-atakeng nangyari sa kanya? Dahil sa amoy niya?! Ano ba kasing amoy niya!

“Is everything okay? Ano bang pinag-usapan niyo?” Nag-aalalang tanong ni Umi sa kaibigang hindi na mapakali.

“I-I don’t know! Binantaan niya akong mag-ingat dahil baka may mangyaring masama sa akin. He said that it would be better for me to just leave! Hindi ko na alam ang gagawin Umi. Something weird is going on...”

Umi bit her lip as she was looking at her. Ayaw niyang ganito si Luna, everything is new to her. What the hell was Jace thinking when he decided to confront Luna! Galit na sigaw ni Umi sa kanyang isipan.

Humarap si Luna kay Umi. “Sino ba yung taong iyon, kung makapag-salita siya sa akin parang ang laki ng magiging kasalan ko!”

“He’s a member of the Reapers, kaibigan siya ng kapatid ko. Pinsan ni Jad.” Explain ni Umi.

Luna scoffed. “Para siyang kapatid mo, feeling nila may nagawa akong kasalan sa kanila. No offense, Umi.”

“It’s okay, I understand. I’ll talk to him. Kain na lang tayo?” Anyaya ni Umi. Tumango naman si Luna na ikinahinga ng maluwag ng nauna.

Umi doesn’t want to keep secrets from her friend. The moment she first saw her she knew that they would get along pretty well. She just hopes that nothing dangerous will come in Luna’s way.

"Where have you been?" Ezekiel asked in a serious tone, habang nakatingin sa binabasang libro.

"Sa tabi-tabi lang."Jace shrug his shoulders habang kumukuha ng apple at kakagatin niya na sana pero bigla itong nawala sa kamay niya, "Tsk!" sabi nito habang nakatingin sa dingding kung saan naka tuhog ang mansanas gamit ang isang bread knife.

"Stop playing around, Jace." Ezekiel said with a warning in his voice na binaba na ang librong binabasa.

Nakatingin na lang si Jad sa kanilang dalawa at hinihintay kung anuman ang susunod na mangyayari. Diretsong napatingin si Jace kay Ezekiel, giving him a stern look.

"I just gave her a warning to be careful. All of us here in this room knows they'll be after her, again." He crossed his arms and leaned against the wall.

"Kaya nga nandito tayo. To protect her in the shadows. We Reapers are living in this world because of her and nothing else." He said with finality and then reached his book and read again.

Jace can't help but shake his head. Hinugot niya ang kutsilyo sa dingding at kinagatan ang mansanas. Hindi maalis sa isipan niya ang mga tanong ni Alexei sa kanya, ah Luna na nga pala ang tawag sa kanya. Something must have happened to her without their knowledge para makapag-tanong siya ng ganoon sa kanya. He wondered...

The Alluring ScentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon