XXIV

81 2 0
                                    

Midair

Ramdam sa loob ng mansion ang tensyon. Alam ng lahat na unti-unti ng nagugulo ang katahimikan ng kanilang lugar.

"Ma'am Anna... ma'am?" Kinulbit ng kasam-bahay ang ginang.

Anna whipped her head to the maid looking so startled.

"Ayos lang po ba kayo?"

"Ha-uh ok lang ako. Ano ba iyon?"

Medyo nag-aalinlangan pang magsalita ang kasambahay. "Magtatanong lang po sana ako kung anong lulutuin para sa tanghalian..."

"Ah ganun ba? Wag ka nang mag-alala, ako na ang maghahanda."

"Sigurado po ba kayo?" Makikita ang pag-aalinlangan sa mukha ng dalaga, alam nitong malaki ang problemang kinakaharap ng mga taong kasama niya sa loob ng mansyon.

Nabulabog ang lahat nang marinig ang malakas na alulong kagabi. Tanging si Luna at Alex lang ang hindi nagising. Lahat sila ay naging alerto at wala ng naka-tulog pa sa kanila.

"Oo naman," pilit na ngumiti ang ginang at walang nagawa ang kasambahay kundi ang tumango at lumabas ng kusina.

Nakita ni Cecilia ang pagkabalisa ng matalik na kaibigan kaya naman nilapitan niya ito. She caressed the back of the woman and slightly squeezing her arm.

"Anna..."

Nagpakawala ng malalim na hininga si Anna at napahawak sa kamay ni Cecilia na nakahawak sa braso niya.

"Oh Cecilia, I can't wait for this to end. Gusto kong makita na nasa maayos na ang lahat at makitang malayang nagmamahalan sina Luna at Isaiah ng walang pinoproblema, di tulad sa nangyayari ngayon," her eyes filled with unshed tears as she spoke those words.

"Alam ko Anna. Naawa rin ako ng lubos sa aking pamangkin. Kung totoo man ang kwento ay sana malagpasan nila ito ng walang nasasaktan."

"Mommy Anna, mommy Cecilia asan na po si mama Luna? Di pa po ba kami kakain?"

Parehong napalingon ang dalawang ginang sa pinanggalingan ng boses. Nakita nila si Alexander na nagtatakang naka-tingin sa kanilang dalawa. Agad namang nagpunas ng luha sa mga mata si Anna habang lumapit naman si Cecilia sa bata. Lumuhod ang ginang para mas maka-usap ng maayos ang bata.

"Alex, lumabas muna si Luna kasama si Isaac may pag-uusapan lang sila saglit." Ani Cecilia.

"Matatagalan po ba sila?" Tanong ni Alexander.

"Baka maya-maya andito na sila. Mas mabuti pa sa sala ka muna, manood ka muna ng palabas habang nag-aayos kami ni mommy Anna mo para sa agahan," suhestyon ng ginang, walang magawa ang bata kundi tumango na lamang.

Bumalik na sa kusina si Cecilia para tulungan si Anna sa pagkain maririnig hanggang sa kusina ang tunog na nanggagaling

"What do you think? Is it possible, na iisang tao lang sila?" Agarang tanong ni Luna sa kasintahan.

"It is possible," he went to her then caressed the side of her face. "I'm so mad at myself that I can't protect you even in my own house."

Pakiramdam ni Isaac na pinaglalaruan sila ng kalaban. Bigla na lang itong susulpot. That person is the phantom indeed.

Luna's eyes softened at Isaac's revelation of what he's feeling. Even she wants to end all of what's happening right now and to just live peacefully with Isaac. She leaned her face towards Isaac's palm then held his hand with her's. Then she remembered something that she wanted to discuss with him upon going out of her room.

She pulled Isaac's hand down then looked him in his eyes. "Ice, may sasabihin nga pala ako."

"What is it?"

"Noong nasa CR ako kanina, I noticed something in my eyes parang may lamat or something and then I blinked pagkatapos nawala. The next thing that's more weird is that a marked appeared on my hand. Sinubukan kong kuskusin ng ilang beses pero di nawala, pero noong hinayaan ko na kusa siya nawala. A-am I cursed or something?" Luna breathed out.

Isaac sighed  and grasped her hands in his, gently squeezing it.

Iginaya niya ang mukha ng dalaga para tumingin sa kanya gamit ang isang kamay. "Luna, look at me please. We have our assumptions but we don'thave proof yet. Kaya bumisita si Diane ay dahil sa humingi ako ng tulong sa kanya."

Saglit silang natahimik. Ang mga tauhan ni Isaac ay nagmamasid lamang sa piligid pero hindi maiiwasang marinig ng iba ang pinag-uusapan ng magkasintahan.

"Anong klaseng assumptions?" Tanong ni Luna.

Isaac didn't answer immediately, "It would be better kung kasama si Cecilia sa pagsasabi sa iyo."

Napakunot ng noo si Luna, now facing in the front. Anong kinalaman ng tiyahin sa mga nangyayari sa kanya.

"Luna..."

Luna turned to him. "Hmm?"

"I need to ask you a favor. Will you please not go to school for now? Just until we catch that bastard."

"Oo naman. That's the least I can do."

Among all of them, Luna felt useless the most. Ayaw niyang siya na lang palagi ang pinoprotektahan, pero kahit nagti-training na siya ay alam niyang hindi ito sapat.

Napakuyom ng kamao si Ezekiel habang nakikinig sa dalawa, kung mahuli lang nila ang taong iyon ay matatapos na ang lahat ng ito. Hindi man matutupad na magkaroon ng pagtingin si Luna sa kanya at least makita niya lang itong masaya.

They went back inside. Breakfast was silent, lahat sila ay mukhang pagod halos naka-kunot ang noo. Binalita ni Luna kay Alex na hindi muna ito papasok kaya naman nagtatatalon ito sa saya. Ito lang ata ang masaya sa loob ng bahay.

The both of them went to the library para na rin sa lessons ni Alex. Minabuti ni Luna na siya muna ang magturo para malibang rin siya. Break time nila at kasalukuyang naglalaro ng yo-yo si Alex, na pinilit pa ni Luna, ani ng bata ay aksaya lang daw sa oras ang paglalaro.

Pero nang masulyapan ni Luna ang bata mula sa pagbabasa ng libro ay nakita niya itong sersyosong seryoso sa paglalaro, pilit na ginagaya ang tricks na ipinakita niya rito.

Luna smiled.

Nang ibalik niya na sa libro ang mata ay nakarinig siya ng kalabog. Agad na napatingin si Luna sa bata, Alex was groaning in pain while while holding his chin and the back of his head. Napa-atras ito sa kabinet na nasa likod, nauntog ata ito.

Tumayo si Luna at agad na lumapit sa bata. "Saan masakit? Patingin nga," aniya habang sinisilip ang hinahawakan ng bata.

Habang ginagawa ito ay nakarinig si Luna ng tunog na, something was making a squeaking sound. She thought that it was coming from above kaya naman tumingala siya.

As she looked up, everything seemed to slow down as the globe figurine came undone from its place, above the cabinet, and rolled to their direction. A millisecond was left before it falls onto them. Instincts made her embrace Alex for protection, covering his head.

But nothing came.

"Mama?" A small voice made her open her eyes. The little boy was confused as to why his mother hugged him so suddenly. Hindi naman gaano kasakit yung pagka-untog niya.

Bakit walang masakit? Isip ni Luna.

Luna turned as the door opened and Isaac entered. He was about to say something to her when his eyes averted above them, his eyes alarmed. She followed his gaze, turning her head slowly.

She gasped.

Above them, the globe hanging still in midair.

---
<3

The Alluring ScentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon