I

2.7K 66 4
                                    

Young Master

Nakasakay ngayon si Luna sa kotse ng kanyang tiyahin, pinsan ito ng kanyang ina. Kasalukuyan silang bumabyahe papunta sa bayan na ang tawag ay Brookeshire. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niyang sumama pabalik sa probinsya, kahit naman na wala na ang kanyang lola ay makaka-pamuhay naman siya ng maayos sa syudad dahil scholar naman siya at may naiwang pera ang kanyang mga magulang at lola para sa kanya.

Nakatingin lang siya sa labas ng bintana habang pinapanuod ang mga puno na dumadaan. Hindi na niya matiis ang katahimikan kaya ay humarap siya sa tiyahin at nagsalita.

"Tita, kailangan po ba talagang dito ako tumira? Pwede naman po akong mag working student sa syudad." Nakanguso niyang sabi sa Tita niyang nagmamaneho.

"Hija, sino nalang ang mag-aalaga sa’yo? Patay na si mama, hindi ako kampante na iiwan kitang mag-isa doon, atsaka ay bata ka pa." Sumulyap sa kanya ang tiyahin.

Tumango na lang siya at tumingin muli sa labas, huli na rin naman ang lahat dapat ay noong nasa syudad pa siya ay kinumbinsi niya na ito. Habang papalapit sila sa lugar na lilipatan niya ay pakiramdam niyang naka-punta na siya rito. Mahina siyang napa-buntong hininga at napahawak na lang sa pendant niyang crescent moon na may sun rays sa outer side, ginto ito na may maliliit na rubies sa buwan. Hindi niya alam kung sino ang nagbigay sa kanya nito, basta ay simula noon suot-suot niya na ito. Sa tuwing hinahawakan niya ang pendat ay gumagaan ang kanyang pakiramdam.

Hindi niya na namalayang nakalampas na sila sa town mismo at ngayo’y dahan-dahang huminto ang kotse sa isang malaking gate, kusa itong bumukas ng may ipinakitang I.D. ang tiyahin sa scanner na nasa gilid nito. Luna gaped at the enormous and beautiful mansion that’s getting closer as they drive towards it. Tumigil muli ang sasakyan sa harap nito, naunang lumabas si Luna para pag-masdan ng mabuti ang masyon.

The mansion was white, the main building has a foyer, the double doors were black with golden handles, and designed also with Grecian pillars. Nasa dalawang palapag ito at malapad. The structure on each side of the mansion were in a half circle. The windows were covered with curtains and not all lights were turned on the second floor. The grass around it were trimmed perfectly, plants that were arranged properly in front gave the mansion more elegance. Hindi agad napansin ni Luna ang statue ng isang babae di kalayuan sa harap ng mansyon, its hand was held out in front where water comes out gently. The house somewhat reminded Luna of something that she can’t even remember, but by standing here right now made her feel nostalgic.

Hinarap niya ang tiyahin. "Tita, ang ganda po ng bahay! Ano pong gagawin natin dito?" Kunot-noong tanong niya sa tiyahin.

Her aunt, Cecilia, can’t help but smile at how Luna was amazed. "Saglit lang tayo dito, may kakausapin lang ako." Sagot ng tiyahin. Tumango naman siya.

Bumukas ang napakalaking pinto at lumabas doon ang isang binata, merong itong maitim na buhok, katamtaman ang laki ng katawan, matangkad at maputi.

Kasing edad ko lang ata ‘to. Napaiwas ng tingin si Luna dahil napabaling sa kanya ang atensyon ng binata nang sumulap siya dito ay nakatingin pa rin ito sa kanya. Naguluhan ang dalaga sa reaksyon ng binata dahil kita ang gulat sa mukha nito.

Narinig ni Luna ang kanyang tita na tinawag itong 'young master', kaya napalingon siya sa tiyahin at nakitang yumuko ito bahagya sa direksyon ng binata. Inilipat ulit ni Luna ang tingin sa binata na ngayon ay wala na ang gulat sa mukha nito at napalitan na lang ng malamig na tingin sa kanya.

"Ezekiel! I'm not done talking to you." Lumingon si Luna sa pinanggalingan ng boses at nakita ang isang napaka-gandang babae.

Grabe! Ang ganda parang artista. Isip ni Luna

"I don't care mom. Just do whatever you want." Malamig nitong sabi sa ina na hanggang ngayon ay nakatingin parin kay Luna. Tsk! Walang modo. She glared at the boy na ikina-taas ng kilay ng binata.

The beautiful lady saw her son smirk, kaya sinundan nito ang tingin ng binata. Nagulat ang ginang dahil kilala niya ang babaeng ngayon ay galit na nakatingin sa kanyang anak. The lady recovered from the shock and smile at Cecilia, understanding was seen in each others eyes.

"Magandang hapon, Anna." Bati ni Cecilia sa matalik na kaibigan.

"Oh, Cecilia! Nandito na pala kayo." Lumapit si Cecilia kay Anna at nagyakapan sila, "I am very sorry for your loss. Ito na ba si Alexie?"

Tumango naman si Cecilia, lumapit si Anna kay Luna at tiningnang mabuti ang mukha niya na ikinailang naman ng dalaga. Alexei? Nagtaka si Luna sa tinawang sa kanya ng ginang. Ang pangalang Luna kasi ang tawag sa kanya ng karamihan.

"It is nice seeing you again, hija." Masaya nitong sabi.

"Po?" Nagtaka naman si Luna sa sinabi ni Anna. "Ano po'ng ibig niyong sabihin?"

"Huh?" Takang tumingin si Anna kay Cecilia at tumingin ulit kay Luna, "Oh, wala. ‘Wag mo nang intindihin." Sabay wasiwas ng kanyang kamay, bumaling naman siya kay Cecilia. "Cecilia, pumasok muna kayo para makapag-meryenda," then she turned to her son, "At ikaw naman Ezekiel Clark, we are not that yet, young man."

Nauna nang pumasok si Anna sa loob at sumunod sa kanya si Cecilia, habang si Ezekiel naman ay nakatingin parin kay Luna.

Naramdaman naman si Luna na parang may nakatingin sa kanya kaya lumingon siya kay Ezekiel.

"A-ah, ano... mauna na po ako sa inyo... young master?" hindi alam ni Luna kung paano paki-tunguhan ang binata. Bahagya na lamang siyang yumuko at dali-daling pumasok sa loob.

Hindi naman maiwasan ni Ezekiel na mapangisi sa inakto ng dalaga.

Nakita niya pang medyo lumingon ang dalaga sa kanya at nakitang naka-kunot na ang noo dahil napansin nitong di parin umiiwas ng tingin ang binata sa kanya, nawala ang ngisi sa mga labi ng binata at napa tingin sa itaas ng bahay, bahagyang bukas ang kurtina ng isang bintana.

So it’s her, huh. Napahilig ng ulo ang binata. I guess it’s time. Mas pinili niyang magpahangin muna sa labas bago harapin ang ina.

The Alluring ScentWhere stories live. Discover now