This Annoying Girl 3

Start from the beginning
                                    

"Thank you mga baks.. for everything."

**~

Sa Ice Cream House kami dumiretso dahil sabi ni Miles na nakita daw niya sila Daniel dito. Kaya syempre bilang mahal nila ako, sinoportahan nila ako sa pagkain dito sa napiling lugar.

"Huy mga baks, huwag tayo pa-obvious na sinusundan natin sila. Nako, 'pag makita tayo ni Daniel mapipikon 'yan at siguradong kung ano ano na naman ang lalabas sa bibig niyan tungkol kay Kath." Tama si Julia. Nako, mamaya tuluyan na 'yun magalit sa akin.

"Sige, magpatay malisya nalang tayo. Kunwari 'di natin alam na nandito sila. Tsaka kung makita man tayo ni Daniel, bahala siya sa iisipin nya. 'Di ba puwedeng pumunta tayo dito dahil gusto nating kumain? Wala rin siyang karapatan magalit ng sobra, 'no!  Isa rin pala siyang dakilang assumero kung iisipin niya agad na sinusundan natin siya!" Nag-apir kaming tatlo, oo posible 'yun sa amin. Hahaha!

Pagpasok namin, kunwari nagtatawanan kami. Syempre best actress tayo diyan at talagang 'di kami magpapahalata. Umupo na kami ng medyo malapit sakanila. At dahil ang grupo ni Daniel at grupo ko lang ang tao dito sa Ice Cream House, medyo kinilabutan ako dahil baka mahalata na nila.

'Di naman sila tanga para 'di kami makita. Kaya sana 'di naman magalit si Daniel.

[ DANIEL's POV ]

Nandito kami sa Ice Cream House dahil gusto namin magpalamig at sobrang init ng panahon. Good combo nga ang naisip namin dahil Ice Cream House + may air condition pa 'to. Chill lang kami.

Habang nagkekwentuhan kaming tatlo, may pumasok na tatlong babae at kung 'di ako nagkakamali, sila Kathryn 'yun. What the? Napanganga ako sakanya.

Si Kath nga ba talaga 'yan? Ow, shit. Define nga ang sizzling hot at sexy. Kung ako magdedefine, aba may sagot na ako. One word, seven letters. Kathryn.

Nanlaki mata ko sa mga iniisip ko ngayon. Hindi, hindi! May sayad 'yan, Daniel. Wala kang gusto diyan!

P-pero kasi.. ang sexy niya sa simpleng suot niya. Hindi naman fit ang damit niya. In fact, medyo malaki pa nga 'to sakanya eh. Pero kahit medyo malaki ang damit niya, talagang masasabi ko na may curves siya. Pinagpapawisan na ako.


"Huy, bro, ba't ka nagdadabog?" Nabalik ako sa reyalidad nang kausapin ako ni Khalil. Habang iniisip ko kasi 'yung.. 'yung ka-sexyhan ni Kath, pinupukpok ko 'yung table namin. Aish.

"H-Huh? Wala 'yun. Sorry sorry." Gusto kong batukan ang sarili ko. Kasi totoo naman eh. Ugh! Wala joke lang 'yun. Pero wala akong gusto do'n. Wala. 

"Siraulo, para ka kasing baliw kanina. Pero maiba ako, nandito pala sila Kath oh, ang ganda niya.. sobra." Napatingin ako sakanya. Nakatulala siya kay Kath at nilulusaw na ata ng tingin. Tss, lagi naman eh. Ba't 'di niya ligawan?

"Tss, anong maganda diyan? Parang ang landi nga eh! Tignan mo naman ang laki laki ng t-shirt tapos ang iksi ng shorts, 'di bagay! Tsaka bro, imbis naman na hanggang tingin lang ang ginagawa mo, pormahan mo na kaya!" Sabi ko.

This Annoying Girl! [KathNiel] [BOOK 1]Where stories live. Discover now