4(Mall)

0 0 0
                                    

Scene 4

Myrine POV

Andito kami ngayon sa mall, nag aya kasi itong si Benj ng date. Tinotoo niya nga,  hiniram niya ang motor ng ka trabaho niya, yun ang sinakyan namin dito.

Astig sana siya tignan eh kung kanya lang to, bagay na bagay talaga pero hiram lang eh.

Okay na din to kesa sa habal habal niya.

Ara, tingnan mo si Rendle Alvarez ba yun??

Bat wala nang balita sa kanya?

Naglayas daw ata sya.

Sino ba tong pinag uusapan nila?? Rendle??

Ayy tama yun yung sikat na model ng Alvarez Corp. Narinig ko lang pero di ko pa nakita di naman kasi ako interested sa buhay nila. Ano ngayon kung kilala ko sila, idol ko sila, mabibigyan ba nila ako ng pera?

Pero di nga. Balita ko din sa kanya naglayas. Don no the reason. Bigla nalang siya nawala.

Pero teka, kung siya ang pinag uusapan ngayon dito, asan siya??

Hinanap ko ito, pero wala naman akong makita.

May hinahanap ka love? Tanong bigla ni Benj sakin.

Saan yung sinasabi nilang Rendle Alvarez?? Di ko pa kasi yun minsan nakita? Sabi ko habang naglilibot ng tingin.

Ewan ko. Di ko din naman kilala yun. Tara na nga.

Kinaladkad nalang ako ni Benj. Teka nga, bat nakatingin ang karamihan sakin?

Love, tingnan mo nga muka ko, may dumi ba, may mali?? Likod ko tingnan mo baka may nakasabit dyan na something. Tanong ko nalang kay bisan at kinapkap ang katawan ko baka may something nga pero wala naman.

Anong meron sa kanila??

Wala naman ahh, bakit ba?? Takang tanong niya.

Ehh kasi tingnan mo nga sila, titig na titig sakin parang kinakain ako ng buhay. Pabulong kung sabi sa kanya, tiningnan naman niya ang mga ito.

Hayaan mo lang yan sila, inggit tawag dyan dahil mas maganda ka sa kanila. Bulerong to.

Ano bat binobola mo na naman ako. Lumaki ulo ko nyan, tara na nga.

Pagdating naming Jollibee, panay parin tingin ng mga tao samin. Di ko nalang pinansin, assuming Lang seguro ako.

Nagpresenta naman si Benj na sya nalang oorder, sinundan ko nalang ng tingin.

Ito namang kahera parang timang, lagkit kung makatingin kay Benj akalain mong may pagnanasa, kainis, may pagkakati din.

Napabaling nalang ako sa ibang direksyon baka magkaiksina pa ako dahil lang dyan.

Akalain mong may magnet pala tong boyfriend ko, inaattract lahat ng mata. Di naman sa naiinis ako sa kanya kasi wala naman syang pakialam sa kanila, nag iinit Lang talaga ulo ko.

Maya maya, may biglang pumasok na lalaking nakashades. Makikita mo talaga sa kanyang mayaman sya, damitan palang at grabe gwapo din. Napatingin sya sa gawi ko at nag tagpo ang mga mata namin, kinabahan ako bigla.

Napakurap ako bigla, baka namalikmata Lang pero pagtingin ko ulit nakatingin parin sya sakin.

Di ako nag a assume pero ako Lang kasi tao dito na side. Di nya inaalis tingin nya sakin hanggang sa may dumating na isa pang guy, dun Lang sya nabuhayan.

Nakatingin nga sya and tumingin ulit sya bago pumuntang cashier.

Tsk. Kumalabog puso ko dun ahh. Kilala kaya nya ako?

Bakit naman nya ako kilala, di ko naman sya kilala and di naman ako kakilakilala, ano bat nakakalito.

Dumating naman din si Benj kasabay ang crew. Kumain Lang kami and di ko maiwasang mapaisip sa stranger kanina.

Bat ganon kaya yun makatingin?

Love..love hey! Kumawaykaway na sabi nito.

Di ko namalayan lumalalim na pala pag iisip ko.

Ok ka Lang?? Kanina pa kita kinakausap di ka naman sumasagot parang ang lalim ata ng iniisip moNakangusong usal nya.

Ayy sorry love hehe iniisip ko kasi sasabihin ko sa speech.  Pangrarason ko pa.

Ahh ganon ba, kung nahihirapan ka pwede ka namang magpatulong sakin. Suggestion nya.

Salamat.  Tanging nasabi ko nalang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

" Judge Me"Where stories live. Discover now