2(Gossip)

2 0 0
                                    

Scene 2

Parang nakita ko na siya girl eh..

Ha? Saan?? Girlfriend niya ba yan??

Hanggang dito ba naman!?? Tanging sabi ni Myrine sa isip niya.

Ayy oo tama siya yung nasa..

Dito tayo oh. biglang sabi ni Benj kung kayat hindi narinig ni Myrine ang huling sinabi nung babae.

Oo, gwapo si Benj, kung kayat hindi maiwasang walang hahanga sa kanya.

Yun nga lang, hindi niya masyadong pinag tutuonan ng pansin ang mukha dahil ika niya, true beauty comes from within, busy din siya sa trabaho niya gayun pa man ay gwapo pa rin ito.

Hindi niya alintana ang sasabihin ng iba sa kanya as long as mahal siya ng taong mahal niya.

Okay ka lang love?? tanong nito kay Myrine.

Ha?? Ehh.. ano kasi nagtataka lang ako bat parang andaming may kilala sayo??

Ha?? Sino naman? Bat naman nila ako kilala?? Tuloy tuloy na tanong ni Benj sa kanya.

Ewan ko nga eh.

Baka iba yung tinutukoy nila at panong maraming makakilala sa akin, ordinaryo lang naman ako.

Oo nga naman no?? Sa isip isip ni Myrine.

May sinalihan ka na bang pageant noon, contest o mga sports sa City??

Wala naman.

Ah,.. seguro guni guni ko lang yun, baka iba nga yun.

Nag order na sila ng pagkain at nagtaka talaga tong si Myrine kung bakit pati yung mga babaeng nasa counter ay tingin ng tingin sa boyfriend nito.

Hindi na lang niya ito pinansin at kumain nalang.

Hindi talaga ako pwedeng magkakamali eh, siya talaga yung nakita ko sa bi... sabi naman nung babaeng nadaanan nila.

Hindi na naman niya narinig ang huling sinabi nito dahil tinanong siya ni Benj.

May dadaanan ka pa ba?

Wala na naman.

Ahh, sige hatid na kita.

Habang inaayos ni Benj ang motor niyang habal habal, may biglang tumawag dito.

The heck pre, is that you?? Sabi nung lalaking nakasakay ng red BMW na kunot ang noo.

Sino naman kayang tinatanong nitong tao na to. Tanging nasabi ni Myrine sa isip.

Palingon lingon si Myrine baka iba ang tinutukoy nito pero sila lang naman ni Benj ang kaharap nito.

Napatingin naman ito sa loob ng pinanggalingan nila.

Bat nakatingin sila samin??

Napalingon bigla si Benj pagkarinig niya nun.

Hey pre, whats up.? Bati naman ni Benj dito.

Napatingin si Benj kay Myrine tapos sininyasan itong dyan lang siya at wag lalapit.

Nagtaka naman itong si Myrine.

May pinag uusapan silang seryoso. Ganon ba sila ka kilala?? Seguro boss niya to. Ang yaman ng dating. Pero ano daw pre?? Ganon sila ka close ng amo nya?

Mga tanong na naglalaro sa isipan ni Myrine.

And who's that girl??

She's my girlfriend.

Is she the reason why you...

No, she's out of this, and please dont tell anyone where the heck am I. Putol ni Benj sa sinabi nito sabay alis.

Let's go love. Sabi ni Benj then pinaandar ang motor niya.

Napanganga nalang ang lalaki sabay iling sa mga nakikita niya kay Benj.

He's out of his mind. Tanging nasabi ng lalaki sa sarili.

Love, who's  that guy?

Ahhmm,, dont mind him love kaibigan lang ng katrabaho ko, kung makaasta siya parang kontrolado ako samantalang bago lang naman kaming nagkakilala.

Ahh, ganon ba. Tanging sabi nalang ni Myrine kahit nalilito siya.

May pamilya ka pa pala?? Tanong nito ulit.

Napa preno bigla si Benj.

Aray ko naman.

Ayy sorry love, narinig mo pala ang pinag uusapan namin?

Hindi, yun lang naman ang narinig ko.

I don't want to talk about it love, sorry.

Okay, seguro sa susunod nalang.

Napapadalas ang pag eenglish ni Benj ngayon ah. Nasa isip ni Myrine.

Naririnig niya kasi minsan kapag may kausap ito sa cellphone.

Ibang iba si Benj sa mga kakilala niyang mahihirap , seguro ay matalino lang talaga ito.

" Judge Me"Where stories live. Discover now