07. his scent

Magsimula sa umpisa
                                    

"No, let's continue what we've started." Sabi niya at maunang naglakax.

Hindi ko alam ang ibig sabihin niya, so I just nodded.

Horror movie yung napili nilang movie. Hmmm... Mukhang masaya 'to.

Katabi si Jason at V sa upuan at ako ang nasa dulo. Katabi naman ni Jason si Lucy sa kanan nya, hand in hand. Dapat magkatabi kami ni Jason pero sabi ni V, 'wag daw kasi baka ma-out of place siya. LOL DAMN this funny guy.

Narinig kung sumisigaw si Lucy dahil natakot siya hmmm. Yung sound effects lang naman nakakagulat. Niyakap naman niya si Jason hahahaha si V naman, not in the good mood.

"Sana hindi na lang ito ang pinili natin Jason." Sabi ni Lucy.

"Don't forget, ikaw ang pumili nito." Natatawang sabi ni Jason.

Pagkatapos namin manood. Niyaya kami ni Jason na kumain muna.

"Umm.. Anong plano niyo sa bakasyon? Summer is just around the corner." Sabi ni Jason sa amin.

Tinignan ko si V. Kanina pa ganyan ang mukha niya. Hmm.. Kasalanan niya 'yan. Sama-sama ka pa kasi.

"Wala pa naman kaming plano." Sagot ko sa kanya.

"Ano kaya kung.. sabay tayo magbakasyon?" He suggested.

Nagisip muna ako.

"Sige, sasama ako. Pwede ko bang dalhin si Samantha. Naalala mo pa ba siya, Jason?"

"Si Samantha? Of course. Sige ba, matagal na kaming hindi nagkita." Sabi ni Jason

Hindi nagreact si Lucy. Oy, hindi na siya nagseselos sa mga kaibigan ni Jason.

"Saan naman tayo magbabakasyon?" Tanong naman ni Lucy. Naninibago talaga ako kay Lucy ngayon.

"Oo nga, Jason."

Nagisip muna si Jason.

"May rest house ako sa Palawan at maraming magagandang beaches dun. Kaya lang malayo."

"Okay lang yun noh at least sulit yung bakasyon natin diba?"

"Oo nga. Gaille is right." Sabi ni Lucy as he held Jason's hand.

"Okay." He said smiling at Lucy.

YES! Sana maenjoy ko ang bakasyon na 'yon.

"V, dalhin mo na rin ang friends mo." Sabi ni Lucy sa kanya.

Tinignan ko naman si V and he just nodded. Hmm.. Kung sasama siya. Sa tingin ko, wala naman 'tong plano sumama.

*****

V's POV

Pauwi na kami ni Gaille ngayon. Sabi niya sa unit niya daw siya uuwi kaya sabay na kami.

Hay. Nakakainis talaga 'yong kanina. Dapat hindi na lang ako pumayag.

"Bakit ka pumayag na magbakasyon kasama sila?" Tanong ko sa kanya. Nasa kotse na kami ngayon.

"Bestfriend mo kaya ang makakasama mo sa bakasyon. Mahirap ng umayaw." Sagot naman niya.

"Sarili mo lang ba iniisip mo? Hindi mo ba iniisip ang nararamdaman ko."

"Pwede ka naman hindi sumama at pwede na rin natin itigil ang pagpapanggap, diba? Kahit sa summer lang." She said smiling.

Naalarma ako sa sinabi niya. Hindi namin pwede itigil 'to.

Prince Charming MayabangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon