Chapter 18 - Laguna

103 9 1
                                    

NIKA'S POV

"Nika, gising na. Aalis pa kayo di ba?" Nagising ako nang kalabitin ako ni mommy.

Magkatabi yata kami natulog?

Ano ba nangyari kagabi? Ang alam ko may Christmas party sila mommy ah?

Nakauwi na siguro siya.

Hindi ko na matandaan kung anong nangyari kagabi. Pero ang sakit kasi ng ulo ko.

Kinuha ko yung phone ko sa ilalim ng pillow ko, 7am na pala.

"Maligo ka na. Aalis na yata kayo?" Sabi ni mommy habang naka-higa sa bed.

"Nasa labas na si Christian inaantay ka." Sabi ni mommy habang nagkukumot.

Huh? May pupuntahan ba kami? Ang aga naman yata?

"Saan daw pupunta ma?" 

"May hangover ka ba? Di ba pupunta kayo ng Laguna?"

AY OO NGA PALA!

SHT

BAKIT NAKALIMUTAN KO

MAY HANGOVER NGA BA KO?

UGHHH DI KO NA MATANDAAN!

Kinuha ko agad yung towel ko at dumeretso sa cr.

Grabe 10 minutes lang yata ako naligo. Maliligo na lang ulit ako mamaya sa resort.

Inayos ko na lahat ng mga dadalhin ko. Pati extra pillow nagdala ako. Para makatulog pa 'ko sa byahe.

Lagot! 8am pa naman ang usapan namin sa meeting place pero 7:45 na!

Ay hindi ko pa pala tinitingnan si Christian sa labas!

Nagpaalam na ko kay mommy at lumabas na ng apartment dala dala yung isang backpack and shoulder bag.

Pagkalabas ko, naka sandal si Christian sa kotse nila habang naka yuko.

Anong problema nito?

"Kanina ka pa?" Bungad ko sa kanya.

OMG

Bakit ang laki ng mga eyebags niya?

"Medyo." Sagot niya na parang inaantok pa.

"Tara na." Sabi niya at pinagbuksan ako ng pinto.

Kawawa naman 'to. Di pa yata siya natutulog.

Pagkaupo namin, inalala ko yung mga nangyari. Feeling ko kasi may missing link eh. Charles Darwin lang? lol hahaha

Umuwi kami galing sa Christmas party tapos.....

Nag sorry si Christian about sa hindi niya pagsundo sakin tapos......

Umuwi na siya.

Tapos?

Yun lang yata natatandaan ko eh.

Tumingin ako sa katabi kong tulog.

As I stare at him, may mga konti akong naalala.

Pumunta pa ba siya sa apartment namin nang midnight?

Lalo lang sumasakit ulo ko kaka isip -_-

At dahil hindi ako mapakali, tinext ko na lang si mommy.

To: Mommy

Ma, ano ba nangyari kagabi? Bakit ganun itsura ni Christian. Lalim ng eyebags niya. Pumunta ba siya sa bahay kagabi?

After 5 mins, naka receive din ako ng reply galing kay mommy.

Love At First SightWhere stories live. Discover now