Chapter 11 - A Day With Him

132 11 0
                                    

THIS CHAPTER IS DEDICATED TO DAREENMAERAMOS. NA-AAPPRECIATE KO YUNG PAG COMMENT AND VOTE MO SA BAWAT CHAPTER. THANK YOU! GODBLESS =)

NIKA'S POV

Saturday ngayon at sobrang nakakatamad. Wala naman akong lakad ngayon. Niyayaya ko yung dalawa gumala kaso ayaw naman nila. Hindi daw nila ako 'bati' kapag hindi ako pumayag maging representative ng section namin Psh parang mga isip bata parin -_-

*Tok *Tok

Sino naman yun? Wala naman akong ine-expect na dadating ngayon. Kung si mommy yan, ang aga naman niya masyado. Eh 10am pa lang naman. O baka yung dalawa kong baliw na kaibigan? Sana nga bumalik na sila sa pagiisip nila at ayain na 'kong gumala. *crossed fingers*

"Oh bakit?" Bungad ko agad sa kanya. At bakit naman siya nandito? Buong akala ko sila Angelique at Anna to eh. Psh

 "Init naman ng ulo mo. Tara SM tayo!" Pagkarinig ko pa lang ng 'SM' halos tumalon na 'ko sa saya. Yes! May kasama na 'kong gumala! Hahaha!

"SM? Sige! Tara!"

"Hindi ka ba muna maliligo?" Ay oo nga pala kagigising ko lang. Nadala ng excitement e -_-

"Ay oo nga. Sige maliligo muna 'ko! Intayin mo ko ha!"

Pagkatapos ko maligo at magbihis, dumeretso na 'ko sa baba para tingnan si Christian.

Bakit natutulog 'to dito sa sofa? Akala ko ba aalis kami? Nakaka-asar naman 'to oh!

"Hoy tulog ka ba?" Kalabit ko sa kanya.

"Huy tara na! Aalis tayo di ba?"

"Nakaka-asar naman to oh! Huy tara na!"

"Pag hindi ka gumising--- AAAHHHH!"

Bigla siyang tumayo kaya napa-atras din ako kaya muntik  na 'kong mahulog. Pero buti na lang nasalo niya 'ko at nagkatinginan kami.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Dahil konting konti na lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa.

Oh no!

"Uhh tara na!" Bigla akong tumayo at naglakad palayo. Feeling para ng kamatis yung mukha ko dahil sa pula. Tss

Pagharap ko sa kanya, naka ngisi siya.

"Ohh-kay." Sagot nya habang ngingiti-ngiti.

Dumeretso na 'ko sa labas habang hinahanap yung kotse nila.

"Nasaan na kotse nyo?" Tanong ko sa kanya.

 "Wala."

"Ha?"

"Wala naman akong dalang sasakyan."

"Akala ko na ko ba mag e-SM tayo?"

"Oonga. Magcocommute tayo!"

"Ha?" I mean di naman sa nag iinarte ako. Pero kasi tanghaling tapat tapos mag ji-jeep kami?

"Tara na!" Sabay akbay niya sa 'kin.

"Hoy! Maka-akbay ka ha!" Sabi ko habang tinatanggal ko yung kamay niya sa balikat ko.

"Shh wag kang magulo. May makakakita sa 'tin dito. Baka malaman nila." Sabi niya habang hinihigpitan niya yung pagkaka-akbay niya sa 'kin.

Wala na 'kong nagawa sa higpit ng pagkaka-akbay niya sa 'kin hanggang sa maka-sakay kami sa jeep.

"Umurong ka dun sa dulo." Sabi niya pagka-sakay namin sa jeep.

"Bakit sa dulo pa? Dito na lang sa gitna. Ayokong mag abot ng sukli." Totoo naman diba? Sino bang gustong umupo sa likod ng jeepney driver at magkaron ng sideline? Yung mangangamoy pera na yung kamay mo? Hindi sa maarte ako pero ayaw ko lang talaga nun. 

Love At First SightWhere stories live. Discover now