Chapter 26 - Sportsfest

55 5 0
                                    

NIKA'S POV

It has been three weeks since naging kami ni Christian. At masasabi kong dumoble nga yung pagiging sweet niya. Ganito pala feeling ng may boyfriend. Ang sarap lang sa pakiramdam na alam mong may taong nagmamahal, nag-aalala, nag-aalaga at nagpapahalaga sayo.

Oo, siya yung first boyfriend ko. Siya yung first love ko. Siya yung unang lalaking minahal ko ng ganito.

"Huy!"

Nagulat ako nang bigla akong kinalabit ni Angelique.

"Ha? Bakit?"

"Magbihis na tayo! Next game na daw tayo!" Sigaw nito habang dala dala yung bag niya.

Dumeretso kami sa comfort para agad na makapag bihis.

Ang kalaban namin ay ang Rio Academy.

Marunong naman akong mag volleyball pero hindi ganoon kagaling. Kaya nga medyo kinakabahan ako dahil baka magaling ang kabilang team.

Pupunta na sana kami sa court nang may sumigaw.

"Kath!!"

Kath? Isa lang ang tumatawag sa 'kin ng Kath. I turned around.

Sabi ko na nga ba siya 'to eh.

"Elijah!"

Nakipag apir ako sa kanya at inakbayan niya 'ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya.

"Baka nakakalimutan mo na kalaban ng school mo ang Rio Academy." Tsaka ko lang naalala na doon nga pala siya nag aaral.

"Hmm. Oo nga pala. Kelan laro niyo?"

"Bukas pa. Diba volleyball muna daw today."

"Oo nga daw. Eh, bakit nandito ka na?"

"Masama bang i-cheer yung kababata ko?"

Sasagot pa sana ako nang pumito na yung coach kaya napatingin kami.

"Osige na maglaro ka na! Cheer na lang kita!" Sabi niya sabay kurot sa pisngi ko.

"Araaaay! Yari ka babawi ako mamaya!" Sigaw ko habang naglalakad papuntang court.

Pumwesto na kami at nag start na yung game.

Si Angelique yung unang nag serve at pumasok. Nasagot ng kabila at nasagot din namin. At biglang hindi nila nasalo.

1-0 ang score.

Sinerve ulit ni Angelique at pumasok ulit kaso hindi nasalo ng kabila.

2-0

Nag serve ulit ni Angelique at pumasok.

Sinagot ng kabila at biglang ini-spike.

Nagulat kami kaya hindi namin agad nasalo.

2-1 ang score.

Nagtuloy tuloy ang laban.

Nakuha namin ang first set with the score of 25-21

Pagdating ng second set, halatang humahabol ang kabila dahil umabot sa 4-9 ang score. Biglang naging lima ang lamang nila samin.

Nagtuloy tuloy ang laban at nakuha nila ang second set with the score of 20-25

Medyo kinabahan na ko sa third set dahil dito na magkaka-alaman. Hanggang 15 lang daw ang set na 'to.

Sa amin ang bola at sinerve ko. Nakapasok naman at sinagot ng kabila.

Biglang umi-spike sila pero nahabol ko at na ibalik sa kabila.

Umabot na ng 11-9 ang score. Kahit papaano ay lamang kami ng dalawa.

Love At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon