Chapter 40 - Belong

46 6 0
                                    


NIKA'S POV


"I'm on my way. Yes, okay. See you!" Binaba ko na yung phone ko at nagpatuloy sa pagdadrive.

After ng pag-uusap naming tatlo kahapon, kumain lang kami at umuwi na rin. Dapat ay magpa-party kami kaso may mga lakad pa kami. Nag work pa ako kahapon sa restaurant. So we decided na ngayon na lang mag-party. Buti na lang at off ako sa duty ngayon.

Nagpark na 'ko sa tapat ng club at bumaba.

Sumalubong sa 'kin ang lakas ng music at ang dami ng tao. Going to parties is not foreign to me. I used to go to clubs when I was in America. Madalas kasi doon ang yayaan mag party.

Dumeretso na 'ko sa loob. Narining kong may tumawag sa 'kin kaya napalingon ako sa medyo gilid at doon ko nakita sila Angelique at Anna na nasa sofa.

"Kanina pa kayo?" Salubong ko sa kanila at yumakap.

"Not really."

I saw unfamiliar faces na naka upo din sa sofa. Pero merong iilan na familiar din.

"Guys!" Napatingin kaming lahat kay Angelique na nasa harap ng table nakatayo.

"Everyone, this is Nika. And Nika this is...." At inisa isa niyang pinakilala yung mga tao sa sofa.

"Nika?" Sabi ng lalaking medyo matangkad at may itsura.

"Yes."

"Do you still remember me? Denver?"

"Ohhhh. Yes. Hi!" Si Denver yung nagpahiram ng umbrella sa 'kin noon. At siya din yung kasama kong kumain noon at may nag picture saming dalawa na nakarating kay Christian na naging dahilan ng pagseselos niya. Well noon.

Nakipag kwentuhan din ako sa iba pang nandon hanggang sa nag-aya silang sumayaw sa dance floor. Hindi naman ako tumanggi dahil medyo naka inom na 'ko. Kasama kong pumunta ng dance floor sila Anna, Angelique at Denver.

Sobrang lakas ng music kaya nagngingitian na lang kami dahil hindi kami magkakarinigan kung mag-uusap kami.

Nakita kong nagsasayawan si Anna at Denver. I bet there's something between them dahil parang may meaning ang bawat titigan at ngitian nilang dalawa.

May naramdaman akong sumasayaw sa likod ko. Napatingin ako at isang matangkad at maputing lalaki sumasayaw sa 'kin. Napansin kong gwapo siya nang ngumiti siya sa 'kin. At syempre nginitian ko rin. Nagpatuloy kami sa pagsasayaw. Natatanaw ko pa naman si Angelique na may iba ding kasayaw kaya malakas ang loob kong makipag sayaw sa iba.

Nakakadagdag ng pagka tipsy ang ilaw dito sa club pero hindi ko na pinansin. I just wanna have some fun. I just wanna celebrate dahil finally ayos na kami ng dalawa kong bestfriend. Nakita kong palapit sa 'kin si Anna at Angelique kaya lumapit din ako sa kanila.

"Cheers for our new beginning!" Sigaw ni Angelique at binigay ang isang shot sa 'kin at sabay sabay kaming lumagok na agad nagpahapdi ng lalamunan ko.

Nagtawanan kami at nagpatuloy sa pagsasayaw.

"Are you guys together?" Tanong ko kay Anna at tinuro si Denver na papalapit samin.

"I don't know. But I wish someday. Haha!" Sabi niya at tumawa. I knew it. May gusto siya kay Denver. Ang hindi ko na lang alam ay kung may gusto ba si Denver kay Anna. 

Nakita kong hinawakan ni Denver ang bewang ni Anna at sumayaw ulit sila.

Hindi ko na nakita si Angelique. Siguro ay bumalik sa sofa or naki sayaw din.

Love At First SightWhere stories live. Discover now