Chapter 8 - "Nagseselos ako."

156 10 0
                                    

A/N: This chapter is dedicated to Len Rosario! (MarinelLen) Yey haha :) Thank you sa pag aantay lagi sa update ko. Thanks sa comments! Na aappreciate ko yun promise! Continue supporting my stories! Thank yooooou :)

NIKA'S POV

"Nika! Nandyan na si Christian!" Sigaw ni mama mula sa baba.

"Sabihin mo po ma hindi ako sasabay!"

"Ha? Bakit naman anak?"

"Basta ma paki sabi na lang!"

Manigas siya diyan! Pagkatapos niya kong iwan sa ere kahapon, ngayon susunduin niya ko? Ayaw niya kong mka usap di ba? Pwes mas ayaw ko! Bahala siya sa buhay niya! Magsama sila ng babae niya! Malandi sila parehas! May girlfriend siya tapos sasama siya sa ibang babae? Tapos yung babae naman niya, alam nang may girlfriend aba nilalandi pa. Nakakahiya naman sa kanila! Bwiset! Umagang umaga pinasasakit niya ulo ko! Ughhh

Dumeretso na ko sa baba pagkatapos ko magbihis para kumain. Sinabayan naman ako ni mama kumain.

"Oh bakit hindi ka sasabay kay Christian?" Seriously ma? Pangalan pa lang niya umuusok na ilong ko!

"Kasi ma baka ma late pa siya dahil sa 'kin." Kung pwede lang sabihin na 'Wag na ma. Nakakahiya naman sa kanya. Kailangan maaga siya sa school kasi panigurado inaantay siya ng babae niya!'

"May problema ba kayo?"

Ako ma? Ako wala! Siya meron! Masyado siyang makati! May girlfriend siya tapos sumasama siya sa ibang babae! Ughh bwisit talaga!

"Wala ma. Ay ma late na ko! Pasok na ko babye!" Sabay takbo ko palabas ng bahay. Dahil pag nagtanong pa si mama e hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

Pagkarating ko school, sakto namang nakapila na yung mga students para sa flag ceremony. Dumeretso naman na 'ko sa pila namin.

Habang kumamanta nag flag ceremony, nakita kong tumitingin tingin yung babaeng kalandian ni Christian sa kanya. Nakita ko namang hindi iyon napansin ni Christian. Buti naman! Dahil pag nakita niyang tinitingnan siya nung babae na iyon, magpapalandi naman siya! Tss mga bwisit sa araw ko!

"Kawawa naman yung Piattos, durog na."

"Gagi mas kawawa yung babae! Panigurado tunaw na iyon!"

Tss ano bang pinagkukwentuhan ng mga 'to?

"Anong meron?" Tanong ko sa kanila.

"Gusto mo ng chaka doll?" Tanong ni Angelique. At ano namang gagawin ko sa chaka doll?

"Tapos kuha ka toothpick tapos pagsasasaksakin mo! Isipin mo yun yung babaeng kanina mo pa tinititigan! Hahaha."

"Kulamin? Hahaha!" Leche tong dalawang to!

Tss paano ba naman kasi recess ngayon. Dapat mkaka kumakain ako.ng maayos para mawala naman yung pagka-bwisit ko! E kaso ang ganda ng view ko e! Yung dalawa naglalandian nanaman! Nagbabatuhan ba naman ng chichirya! Eh kung ibuhos ko kaya yan sa kanila? Oh isaksak ko sa mga bunganga nila? Bwisit!

"Selos ka no?" Tanong ni Angelique.

"Ako magseselos? Asa naman! Magsama pa silang dalawa! Wala akong pakeelam! Pagbuhulin ko pa sila e!"

"Hindi daw siya nagseselos niyan ah. Hahaha!" Singit ni Anna.

"Tss tigilan niyo nga ko!" Sabay tayo ko. Dahil sa inis ko, gumawa ng ingay yung pag urong ko sa upuan. Nagtinginan tuloy yung mga estudyante sakin. Tss wala akong pake!

Nairita ako kaya dumeretso ako sa garden ng school. I need air!

Umupo ako sa grass tapos pinagbubunot ko sila! I-imagine ko na lang na ito yung buhok ng malanding babae na yun!

Love At First SightWhere stories live. Discover now