Chapter 44 - Confrontation

32 3 0
                                    

NIKA'S POV

Pagka-alis ni Selena hindi ako makahinga ng maayos dahil sa mga nalaman ko. Feeling ko pinagsakluban ako ng langit at lupa.

I was too dumb not to think about that. Basta na lang ako nagpadala sa mga sinabi niya. Hindi ko manlang naisip na dapat ay harsh siya sa'kin dahil nga iniwan ko siya five years ago.

I hated myself dahil umasa ako. Umasa ako sa mga sinabi niya. Sinabi niyang hanggang ngayon ay mahal niya parin ako dahil hindi naman nawala yung pagmamahal niya sa 'kin. Ako naman 'to si tanga naniwala sa mga sinabi niya. Hindi ko manlang naisip na may girlfriend nga pala siya. And ofcourse mahal niya 'yung girlfriend niya. How could he tell me that he still love me when he has a girlfriend? Totoo nga sigurong ginagawa niya ito lahat just for his revenge. Gusto niyang iparamdam sa 'kin yung sakit na naramdaman niya five years ago nang iwan ko siya. Bakit ano ba akala niya? Na hindi ako nasaktan nang iwan ko siya noon? I may not look like I'm hurt but I am.

Hindi ko alam kung anong magiging reaction ko kung magkita man kaming dalawa. Should I ask him? Pero natatakot ako sa magiging sagot niya. Paano nga kung totoo? Anong gagawin ko? Bakit ba kasi ang tanga tanga ko at naniwala pa 'kong may pag asa pa kaming dalawa porket sinabi niyang mahal niya parin ako.

Nang dahil sa pag-uusap namin ni Selena hindi na 'ko tumuloy sa trabaho ko. Nagpaalam akong masama ang pakiramdam ko. 'Yun naman talaga ang totoo. Dahil sa mga sinabi ni Selena biglang sumama ang pakiramdam ko.

Umuwi ako ng bahay then I decided to pack some of my clothes. I want to refresh. Gusto kong makahinga at makapag isip-isip.

Nag drive ako nang mag isa lang ako at pinabayaang kung saan akong dalhin ng manibela. I texted my mom and told her I'll be out for the whole day. Hindi naman na ganoon ka strict si mommy dahil siguro alam niyang malaki na 'ko and I can decide for myself.

Gabi na ng marating ko ang isang beach. Sumalubong sa 'kin ang napakalamig na hampas ng hangin. Kinuha ko ang isang bag ko at dumeretso sa loob ng resort.

I checked in then dumeretso na 'ko sa kwarto ko. I don't mind being alone dahil noong nasa America ako mas sanay akong nag iisa. I feel comfortable when I'm alone. I can think peacefully.

Pagkatapos ko mag check in dumeretso na 'ko sa kwarto then nagpalit ng damit. Gusto kong magpahangin muna sa labas.

Nagpalit ako ng shorts at tshirt lang at dumeretso na sa beach. Umupo lang ako then pinabayaan kong mabasa ang paa ko ng tubig. Ang sarap ng feeling ng hangin.

Sa buong buhay ko hindi ko inakalang iiyak ako ng dahil sa isang lalaki. Before, I promised to myself that when I fall inlove I will not let myself cry over a guy. Para sa 'kin hindi naman talaga ako umiiyak ng dahil sa lalaki. Umiiyak ako nang dahil sa nararamdaman ko. I let someone hurt me when I am loving them. Pero naniniwala akong kapag nagmahal ka, dapat ready ka ring masaktan dahil kaaakibat ng pagmamahal ang masaktan. Hindi mo naman kasi masasabing mahal mo talaga ang isang tao kung hindi ka nasasaktan ng dahil sa kanila. Totoo ngang the one who can make you happy is the one who can make you sad too. Meron talagang isang tao na magkakaroon ng malaking parte sa buhay natin.

Tumayo ako at naglakad lakad sa beach nang may matanaw ako.

Is that a bar or something?

Nilapitan ko ito at nakumpirma kong isang bar nga. Ang daming tao ang nagsasaya pero hindi gaya sa Manila, mas kalmado ang music dito. Marami din palang mga turista dito.

Lumapit ako sa bar at umorder ng isang vodka.

This will be my night! Time to chill! For a night, I just wanna forget about the heartaches.

Love At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon