Chapter 35 - Party?

30 4 0
                                    

NIKA'S POV

"Welcome Back anak!" Sabi ni mommy pag pasok namin ni Elijah dito sa bago naming bahay. Ang akala ko lang ay ihahatid lang ako ni Elijah dito at uuwi na din siya agad. Pero nagulat ako dahil kasama ni mommy si lolo na may hawak na cake at ice cream. Nakakaloka dahil parang birthday ko lang. Haha!

A year ago, nauna ng umuwi si mommy dito sa Pilipinas dahil mas gusto niya daw mag work dito sa Philippines. Buti na lang at mabait yung dating manager nila kaya naman pinayagang bumalik si mommy sa dating trabaho niya. Ayaw naman kasi ni mommy na magtrabaho sa company ng Perez dahil hindi daw siya comfortable.

"Welcome back hija!" Salubong sa 'kin ni lolo. At kagaya ng ginawa ko kay mommy, niyakap ko din si lolo. A few years ago, napatawad ko na si lolo. That's when I realized na iba talaga kapag nagkaka-away ang mga companies. Sinabi niya na a few months after namin lumipad patungong America, may nag try daw na nakawan yung apartment na tinutuluyan namin dati at noong nakit na wala na kami doon, hindi na daw tinuloy. Kaya mabuti na ring umalis kami dahil baka napahamak pa kami ni mommy.

Lolo bought this house for us. Ito na lang daw 'yung 'peace offering' niya. At first, hindi namin tinanggap ni mommy dahil nakaka hiya. We can afford naman yung rent na lang muna pero nag insist si lolo. Sino nga naman ba kami para tumanggi sa grasya diba? Kaya eto, may sarili na kaming bahay ni mommy. Hanggang two floors lang siya at sakto lang sa 'min para ni mommy. Kaya naman feeling ko talaga magiging comfortable ako.

Kumain lang kaming apat pero nauna na agad na umalis si Elijah dahil may pupuntahan pa daw siya. Ako naman umakyat na sa kwarto ko para magpahinga at naiwan si mama at lolo na nagkukwentuhan sa sala.

-----

"Are you sure about this?" 

"Calm down Elijah. I just wanna see them."

Nandito ako ngayon sa mall kasama si Elijah. Ang sabi kasi niya nandito daw sa parlor sila Angelique at Anna. At syempre gusto ko na sila makita kaya naman agad ako nagpasama kay Elijah dito. Kanina pa kami dito sa carpark habang nag-aantay na lumabas sila Angelique at Anna sa parlor. Pero syempre, hindi muna ako magpapakita sa kanila. Hindi pa 'ko ready. Tsaka na siguro kapag nagkaroon na ng right timing.

"OMG!" Napasigaw agad ako nang makita ko ang dalawa kong bestfriends.

"Nika kung sisigaw ka baka makita ka nila. Baka nakakalimutan mo nakababa ang salamin ng sasakyan."

Pero hindi ko pinansin si Elijah at nagpatuloy lang sa pagtitig kila Angelique at Anna. Grabe! Ang laki ng pinagbago nila. Parehas silang nagmukhang nagpapa-sexy. Si Angelique ang haba na ng buhok habang si Anna nagpa short hair. Hanggang shoulders na lang niya ang buhok niya. Bumagay naman talaga sa kanya dahil angat na angat ang cheekbones niya. Si Anna biglang tumangkad. At syempre ganoon din si Angelique.

After ilang minutes umalis na din kami ni Elijah. Nagkasundo kasi kami today na sasamahan niya 'kong makita sila Angelique at Anna then sasamahan ko naman siyang mag grocery. Wala daw kasing laman ang ref niya sa condo niya.

"Here's your change sir." Sabi ng cashier at binuhat na ni Elijah yung tatlong plastic bags at naglakad na kami.

"What do you want to eat?" Tanong ni Elijah.

"Maybe we----"

"NIKA?" Napatingin ako nang biglang may nagsalita sa tabi ko.

"Omg! Ikaw nga!"

"Yea--- KAROL?"

"Yes ako nga! Grabe lalo kang gumanda!"

Sabi niya at hindi ko naman napigilang mapayakap sa kanya.

Love At First SightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon