Chapter 10 - Mr. And Ms. St. Clare?

143 12 1
                                    

NIKA'S POV

It's been one week since nangyari yung ginawang 'scene' ni Christian sa canteen. Halos hindi ko kinaya yung mga nangyarin dahil kahit saan ka pumunta, kaming dalawa ang pinaguusapan. Yung iba positive yung comments. Pero yung iba syempre negative. Hindi naman maiiwasan yun. Yung iba sinasabi na couple of the year daw kami. Hay kung alam lang nila.

"Hoy babae!" Maka babae naman tong si Anna -_-

"Oh problema mo?"

"Kanina ka pa hinahanap ni Christian sakin. LQ nanaman kayo?" Ha? Eh di naman kami nagaway ah.

"Hindi ah. Nasaan ba siya?"

"Nandun sa court. Puntahan mo na lang."

"Ge."

Ano naman kayang problema nun? Bakit kaya niya ko hinahanap? Friday naman ngayon kaya panigurado nagbabasketball yun.

Pagkadating ko sa court, ayun at nagbabasketball nga. Parang hindi naman niya ko hinahanap ah?

Umupo muna 'ko sa bleachers at nanood sa kanila habang nagbabasketball. Mga third year nanaman kalaban nila. Lagi kasi sila inaaya ng mga yan. Magaling naman kasi talaga ang boys sa section namin magbasketball kaya pati ibang year nachachallenge sa kanila.

"Pre inaantay ka yata ng girlfriend mo oh!" Narinig kong sabi ng kalaro nilang third year sabay tinuro ako.

Napatingin naman sa 'kin si Christian at ngumiti. Tapos lumapit sa 'kin.

"Pre sub muna!" Sigaw niya sa mga kalaro niya.

"Kanina ka pa?" Sabi niya sabay tumabi sakin at nag punas ng pawis.

 "No, kararating ko lang." Pawis na pawis talaga siya. Upakan ko 'to pag walang dalang extra tshirt! Pag natuyuan to ng pawis! Magkakasakit pa.

"May dala ka bang extra t-shirt?" Tanong ko sa kanya.

"Uh oh, wala e."

"Alam mong P.E ngayon, tapos wala kang dalang extra tshirt?"

"Uhm, nakalimutan ko e."

"Hindi valid yang reason mo, wag ka ng maglalaro." Tumayo na 'ko para bumalik sana sa classroom pero hinawakan nya yung kamay ko.

"Wait lang. Antayin mo 'ko. Kunin ko lang gamit ko."

 Kinuha na nya yung gamit nya sa lower part ng bleachers tapos binalikan niya ko at naglakad na kami papunta sa room.

Nagulat ako nang biglang niya akong akbayan. Ano nanamang pakulo 'to? Ang PDA talaga.

"Aw. Ang sweet niyo naman."

Nagulat ako nang bilang may nagsabi samin niyan ng dalawang babae na nakasalubong namin. Hindi ko sila kilala pero sila kilala kami. Siguro dahil nga nung nangyari last week kaya halos lahat ng tao dito sa campus kilala kami.

Agad kong inalis ang kamay ni Christian na naka akbay sa 'kin. Nakakahiya kasi.

"Ang baho mo kasi eh!" Tapos binelatan ko siya. Hahaha! Eh kasi naman wala na 'kong maisip na dahilan para di na niya ko akbayan. Nahihiya lang talaga ako.

"Magpahinga ka muna. Baka matuyuan ka ng pawis. Kotongan kita pag naglaro ka nanaman." Bulong ko sa kanya pagkarating namin sa room at umupo.

"Opo boss." Tapos ngumiti siya.

"May langgam!" Nagulat ako nang biglang sumigaw si Angelique sabay turo sa paa ko.

"ANO?" Tanong ko.

"Ang sweet niyo kasi." Singit ni Anna sabay inirapan ako.

"Tss tigilan nyo nga ko."

"Baba daw lahat sa gym!" Sigaw ni Patrick.

"Ano meron pre?" Tanong ni Christian.

"Hindi ko alam e. Basta bumaba na lang daw.

Sumunod naman kami at bumaba na nga sa gym.

Punong puno yung bleachers. Baka may iaannounce nanaman yung principal.

As I said, nagdiscuss yung principal namin about sa mga upcoming events. Dahil sa dami ng nangyari dito sa school, hindi ko naramdamang papasok na pala ang month of December. Malapit ng mag pasko! Foundation, Battle Of The Talents, Valentines Day, Sportfest tapos Finals na then Recognition na! Yey! Can't wait na magsummer na!

Sa Foundation ng school, magiging one week. Sa first day, mass. Second day, magkakaron ng mga booth. Third day, may raffle. Fourth day, dance and singing contest. The para sa last day, magkakaron ng pageant ng Mr. and Ms. St Clare. Then exams tapos Christmas break na!

After mag discuss ng principal namin, bumalik na kami sa classroom at si Ma'am Rita---- adviser namin ang nag discuss ng kabuuan.

"So class, para sa first day, may mass sa morning then after that magpeprepare tayo ng booth natin para sa second day. Kailangan daw kasi may booth per section. Then sa second day, doon na natin bubuksan yung booth natin. Sa third day naman, magpapa-raffle ang school. Then fourth day, may sing and dance contest. Sabihin nyo lang if gusto niyo sumali. Everybody can join. Then lastly, Mr. and Ms. St. Clare. Kailangan daw per section may representative. Ito ay pageant. Pero magkasabay ang boys and girls division. So it means kailangan by partner ang representative natin."

Nagtuloy-tuloy pa ang discussion para sa gagawin sa Foundation week. Nagtanong-tanong pa ang mga classmates ko.

"Ma'am paano po sa booth?"

Nagkaron ng iba't ibang suggestion pero isa lang ang napagkasunduan ng lahat. Ang wedding booth. Okay lang naman daw yung booth kahit hindi pa Valentines.

"Ma'am paano naman po sa Mr. and Ms. St. Clare? Sino po ang magiging representative natin?"

Nagulat ako dahil lahat ng mata ng mga classmate ko ay nakatingin saming dalawa ni Christian.

No! No! Alam ko iniisip nila! This can't be! Nakakahiya!

"So Nika and Christian, would you like to be our representative?"

"No!" Sagot ko agad.

"Uhm. Ma'am, pag-iisipan pa po muna namin yan."

WHAT? Anong pag-iisipan? Ayoko! Basta final decision ko na yun! 

At dahil walang ibang partners dito sa room, pinu-push nilang kaming dalawa na lang daw ni Christian ang maging representative ng section namin. Ghad! Ayoko nga! Hindi ko ma-imagine na rumarampa ako sa harap ng madaming tao. Never ko hiniling na makasali sa kahit anong pageant. Hindi ko kakayanin yun!

"Bes, pumayag ka na! Eto na yung big break niyong dalawa!" Pilit sa 'kin ni Angelique.

"Oo nga! Pumayag ka na! Wag ka ng mag-inarte! Wala na tayong ibang choice!  Kaya kayong dalwa na lang! Pag hindi ka pumayag, itatakwil ka namin dito sa section natin!" Pananakot sa 'kin ni Anna.

Mr. and Ms. St. Clare? What if pumayag ako? Baka mamaya habang rumarampa ako, matapilok ako. Baka mapahiya lang ako sa harap ng madaming tao. Ayun ang pinaka kinatatakutan ko! Tsaka hindi ako sanay mag suot ng high heels. Kung sana pwede naka flats sa pageant na yan eh! O kaya habang nagpapakilala ako, ma-bulol ako. Edi mapapahiya nanaman ako. Baka pag tawanan lang ako ng mga tao. 

Ang daming what ifs na naglalaro sa utak ko.

Wala na ba talagang choice? Bakit kami pa?

I don't think makakaya ko 'to.

Basta sa ngayon, it's a NO!

---

A/N: Sorry medyo tagilig yung update ko. Pero what do you think? Papayag kaya si Nika? Oh well let's see. Btw, sinong naka punta nung Gold Rising 3 sa SM Fairview kahapon? Andun ako! Haha! Was there to support kuya Bryan Olano. He's the author of the story 'An Unexpected Love'. Bilhin niyo yung book niya guys! Ang ganda! So this chapter is dedicated to kuya Bry! Super bait niya kahapon eh :))

Love At First SightWhere stories live. Discover now